gMalaking challenge na maituturing sa parents na makitang naka-admit sa neonatal intensive care unit (NICU) ang may sakit nilang newborn babies.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- 3 ways upang masuportahan ang parents na nasa NICU ang anak
- Tips kung paano magbibigay ng care kung nasa ospital ang anak
3 ways upang masuportahan ang parents sa neonatal intensive care unit o NICU
Hindi biro ang pagbubuntis na kailangang tiisin ang lahat ng challenges sa loob ng siyam na buwan. Hindi rin basta-basta ang dadanasing sakit ng isang ina sa panganganak. Ika pa nga, isang paa nila ang nasa hukay na dahil sa sobrang panganib nito. Kaya nga walang kasing sakit para sa mga magulang na masilayang nagkakasakit ang kanilang sanggol.
Kung ang isang bagong panganak o premature na sanggol ay may medical condition, ina-admit sila sa neonatal intensive care unit o NICU. Dito nagsisimulang makaranas muli ng panibagong challenges ang parents.
Mapupuno ng labis na pangamba lalo na ang mga nanay sa tuwing nasisilayang na nahihirapan ang kanilang anak. Maaari rin nilang maranasan makaramdam ng labis na kalungkutan dahil sa mawawalay sa kanilang piling ang bata.
May pagkakataon ding maisasama sa kanilang takot ang kawalan ng tiwala sa mga nurse at doktor na alagaan ang bata dahil hindi nila ito kilala nang lubos. Sobrang pag-aalala ang maaaring ihatid ng pagkawalay kaagad sa anak na may sakit. At hindi maalagaan ng lubos ng sariling magulang.
Para sa experts, malaking bagay raw na mabigyan ng ospital ng mga paraan ang babies at parents ng suporta ganitong pagkakataon. Nakakatulong daw ito upang maikalma o makatulong sa physical, emotional, cognitive, social, spiritual, at social factors na pagdadaanan nila sa ganitong challenge ng buhay.
Narito ang ilang ways kung na magbe-benefit hindi lang sa parents kundi maging sa babies at NICU staff:
Kailangang mag-focus sa pagbubuo ng relationship
Bagaman mahalaga ang clinical expertise, importante pa rin na nakakabuo ng caring relationship. Dapat matandaan ng NICU staff na bukod sa kanilang professional opinions at knowledge malaking factor din ang alaga ng isang magulang upang gumaling ang mga bata.
Sa pamamagitan din nito nakikilala na ang cornerstone ng quality na medical care ay relationship-centered. Mas magiging gentle ang pag-aalaga both ng nurses, doctors at parents kung mayroon silang parehong maayos na relasyon sa isa’t isa.
Pagbibigay ng chance sa parents na maging involve sa pag-aalaga ng bata
Importanteng makilala ng ospital na ang primary caregivers ng mga batang nasa NICU ay ang kanilang magulang o guardians. Maganda rin ito dahil nagiging way ang ganitong paraan upang maikalma o mabawasan ng pag-aalala ng parents sa kalagayan ng kanilang baby dahil nababantayan nila ito skin to skin.
Pagiging sensitive sa needs ng babies at parents
Dapat din na maging aware ang mga nasa NICU na naibibigay sa mga pasyente at magulang ang pangangailangan nila. Lalo na kung oras na upang makasama nila ang kanilang anak. Ang mga bagay tulad ng pagdidilim ng ilaw o paghina ng ilang mga tunog ay magandang paraan na upang mabigyan ng comfortable na place para sa time nila.
Tips kung paano magbibigay ng care kung nasa ospital ang anak
Unang magiging response ng magulang sa tuwing isusugod ang anak sa ospital ay takot. Kahit sino naman siguro ito ang inisyal na reaksyon, lalo kung mahal sa buhay ang makikitang nagsu-suffer sa isang certain na kondisyon kaya kinailangan dahil sa ospital.
Kadalasan, dahil sa takot nalilimutan na ang tamang pag-aalaga sa kanilang anak upang mas mapabilis pa ang pagpapagaling nito sa ospital. Minsan pa tuloy nadadamay sa takot ang bata. Kaya nga kung nag-iisip ka kung paano ba dapat nagbibigay ng care sa anak na nasa ospital, narito ang ilang tips:
- Dalhin ang mga bagay na paborito niyang ginagamit sa bahay. Ito ay upang hindi niya masyadong maisip na wala siya sa iyong tahanan.
- Parati dapat present sa pag-aalaga ng anak lalo na sa morning rounds.
- I-expect na magbabago ang ilan sa kanilang behavior dahil sa kanilang nararamdaman, iwasan itong tapatan ng galit.
- Maging tapat sa kanila habang nagiging careful sa pagsasabi ng mga impormasyon na maaaring makadagdag lamang sa kanyang pag-aalala.
- Mag-set ng araw kung saan makakabisita ang kanyang mga kaibigan o taong nais makita.
- Parating ipaalala na naririyan ka upang gabayan at alagaan siya kaya hindi kailangang mag-worry nang lubos.