Paano maiiwasan na maging pasaway ang anak ko?

Gusto mo bang magpalaki ng mabuti at masunuring anak? Narito ang mga simpleng paraan para makasiguro ka, bilang magulang, na tunay ngang makinig ang iyong anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang pagsasabi ng “ayoko” ay isa sa pinakaimportanteng milestones sa development ng bata. Pero ang pagiging open sa opinyon ay naiiba sa pagiging pasaway at negatibo.

Sikapin man ng mga magulang na magturo ng mabuting asal sa mga bata, may mga panahong tila napakahirap nito. Ang solusyon dito ay ang pagco-communicate nang maayos.

So paano ito magagawa sa araw-araw na buhay? Narito ang mga simpleng paraan para masigurong lumaki ang iyong anak na mabait, masunurin at magalang.

1. Turuan sila nang pakonti-konti

Importanteng magbigay ng klarong instructions sa iyong anak tulad na rin ng pagiging mahabang ang pasensiya. Tanggapin na ang mga bata ay hirap mag-focus at maikli ang attention span. Kaya kung hindi klaro ang instructions, malilito lamang sila.

2. Bigyan sila ng choices

Huwag mong i-overwhelm ang bata. Siguraduhing alam nila na mayroon silang choices. Ayon kay Dr. Erin Leyba ng Psychology Today, ang pagbigay sa bata ng karapatan na magkaroon ng sariling opinyon at tumutulong na palawigin ang respeto at kooperasyon. Importante ring tandaan na dapat consistent ka.

Halimbawa, nasa restaurant kayo. Huwag umorder lamang para sa kanila pero bigyan sila ng dalawang options.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

3. Mag-establish ng rules at boundaries

Ayon kay Nancy Darling ng Psychology Today, ang behavior control ay hindi komplikado. Pero ang mga parents na sinusubukang i-kontrol ang anak ay maaaring maging manipulative.

Bilang magulang, importante ang magbigay ng limitasyon dahil dito nagagabayan ang bata sa mga pinakamabuting gawain. Pero importante ring hayaan sila ng matuto nang mag-isa habang nakagabay ka rin sa kanila.

photo: dreamstime

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

4. Gumawa ng effort na makapag-connect kayo ng lubusan

Panatilihin ang eye contact at kausapin sila ng eye level. Ayon kay Dr. Laura Markham sa kaniyang article sa Psychology Today, dapat lumapit sa iyong anak kapag binibigyan sila ng directions at hindi isinisigaw sa kanila mula sa malayo.

Haplusin ang kanilang braso habang nagsasalitang malumanay, halimbawa, kung gusto mong mas maging maingat siya sa paglalaro ng bola sa loob ng bahay. Sabihin: “Mukhang masaya yang ginagawa mo, anak! Pero natatakot akong baka may mabasag ka kapag binato mo iyan.”

5. Ipadama sa kanila na lubos mo silang naiintindihan

Ang pagpapakita ng empathy ay napaka-importante. Kahit na masama ang loob nila, ipaalam na malaya silang sabihin ito. Ito ang paraan upang matuto silang mag-handle ng emosiyon. Kahit na kailangan nilang sundi si mommy at daddy, maaari pa rin sila mag-express ng nararamdaman nila na walang takot na mapapagalitan sila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon kay Dr. Markham kailangang pahalagahan ang feelings ng iyong anak. Halimbawa, sabihin mong: “Alam kong gusto mong magpuyat, naiintindihan ko. Mahirap talagang tumigil sa paglalaro lalo na kung nae-enjoy mo. Pero importanteng matulog habang bata pa dahil importante ito sa healthy mo na paglaki.”

6. Maging firm sa kung ano ang puwede at hindi puwede

Kapag nagbibigay ng instructions maging “direct to the point” at specific. Huwag lang basta sabihin na bawal ito o kung ano nga ba ang dapat gawin. Halimbawa, kapag pinaglalaruan ang pagkain, huwag lamang sabihin “behave, anak.” Sabihin mong: “Anak, hindi maganda ang naglalaro ng food kasi blessing ito. Ang food ay dapat kinakain, hindi nilalaro.”

7. Tignan kung sinunod ng anak mo ang iyong instructions

Ang paniniguro na nakinig ang iyong anak ay nagpapatibay ng mas masunurin at mabuting pag-uugali. Kapag sumunod sila, i-reward sila sa pamamagitan ng papuri at words of encouragement. Sikaping huwag sumigaw o ipakita na nauubos na ang iyong pasensiya kapag hindi sila sumusunod. Bigyang diin ang mga rules na dapat sundin.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

8. Pagtibayin ang respeto sa isa’t isa

Natural, lagi dapat turuan na rumespeto sa matanda. Pero dapat ding tandaan na bilang magulang, dapat din natin ibigay ito sa ating mga anak. Kapag nirerespeto sila ni mommy at daddy, natututunan nilang respetuhin ang kapwa at maging ang sarili nila. Kapag may magulang silang pinahahalagan sila at ang opinyon nila natututunan nila na ang respeto ay isang bagay na hindi basta-basta lang ibinibigay, ito ay resulta ng mabuting pakikitungo at pagsunod sa mabuting asal.

Maging mabuting role model sa inyong mga anak. Huwag makuntento sa pagsunod, kundi sikaping maging masaya ang bata sa pagsunod. Huwag masyadong mataas ang expectations, habaan ang iyong pasensiya, at higit sa lahat maging tapat at totoo sa inyong mga anak.

Isinalin mula sa orihinal na Ingles 8 Ways to make sure your child doesn’t grow up pasaway ni Bianchi Mendoza.

BASAHIN: 5 Senyales na mabuti kang magulang

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Bianchi Mendoza