TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
EnglishFilipino
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login
  • EnglishFilipino
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

Mga bata at estudyante, kinukuhanan ng litrato ng palihim at shine-share sa secret chat group

3 min read
Mga bata at estudyante, kinukuhanan ng litrato ng palihim at shine-share sa secret chat group

Babala sa mga babae, mag-ingat sa pagpopost ng iyong mga larawan online dahil may mga secret groups na ginagamit ito sa kalaswaan.

Pastor Hokage at iba pang secret groups online na nagsheshare ng malaswang video at litrato ng mga babae, narito kung paano maiiwasan ng anak mo.

pastor hokage

Image from AsiaOne

Pastor Hokage at iba pang secret groups online

Taong 2017 ng ma-expose ang sikreto ng Filipino Facebook group na Pastor Hokage. Ang secret group umano na ito ay isang platform na kung saan nagpapalitan ang mga members ng mga malalaswang video at litrato ng mga kababaihan.

Para nga daw maging bagong member ng grupo ay kailangan munang magbigay ng “ambag”. Ito ay tumutukoy sa mga pagbabahagi ng malaswang litrato o video sa naturang Facebook group.

Ayon sa ginawang imbestigasyon tungkol sa grupo, natuklasang pati child pornography ay tinotolerate sa Pastor Hokage Facebook page. Ginagamit rin nila ang mga litrato ng mga inosenteng kababaihan at saka ibinubugaw online sa presyong kapalit umano ay kanilang serbisyo. Pinabulaanan naman ito ng mga babaeng nagreklamo laban sa facebook page na sinabi ring ini-edit ang kanilang mga litrato para maging hubad.

Dahil sa natuklasang aktibidad ng Pastor Hokage page ay sinampahan ng kaso ang grupo sa pamumuno ni Sen. Risa Hontiveros. Dahil ito sa palabag ng karapatan ng mga kababaihan at kabataan online. Ngunit hindi naman ito naging kasiguraduhan kung natigil na nga ba ang mga malalaswang aktibidad na umaabuso sa mga kababaihan online.

SharingIsCaring secret group

Matapos ang dalawang taon, may isang secret group na naman umano ang nagsasagawa ng aktibidad ng tulad sa Pastor Hokage page. Ito ay ang SharingIsCaring na isang secret chat group na nabuo naman gamit ang app na Telegram. Sa ngayon ay may 100+ members palang ang grupo na pawang mga Singaporeans.

Tulad ng Pastor Hokage ginagamit din umanong platform ang SharingIsCaring sa pagsheshare ng mga miyembro ng mga hubad na videos at litrato ng mga babae. Ang kaibahan lang ng bagong grupo na ito ay kumukuha rin ang mga miyembro nito ng mga litrato ng mga babae sa mga pampublikong lugar o sasakyan saka ishineshare sa kanilang chat group para maging topic ng kalaswaan.

Maliban sa SharingIsCaring, ay may isa pang secret chat group sa Telegram na SG Nasi Lesmak ang naipasara nito lamang simula ng buwang ng Oktobre. Ito ay dahil sa paggawa ng parehong aktibidad ng kalaswaan online. Mayroon itong naitalang 44,000 active members.

Tips at paalala sa paggamit ng social media

Kaya naman dahil sa pagsulpot ng mga ganitong malalaswang grupo na umaabuso sa karapatan ng mga kababaihan at kabataan ay muling nagpaalala ang mga awtoridad sa pagpopost ng mga larawan o impormasyon online. Ilan sa mga tips at paalala na dapat tandaan ay ang sumusunod:

Partner Stories
TECNO Unveils CAMON SLIM 5G Through “The Living Cover Runway,” Celebrating Filipino Women Who Make Life Lighter
TECNO Unveils CAMON SLIM 5G Through “The Living Cover Runway,” Celebrating Filipino Women Who Make Life Lighter
It’s Tyme to Be Together: GoTyme Bank Launches Raffle to Fly Overseas Filipinos Home for the Holidays
It’s Tyme to Be Together: GoTyme Bank Launches Raffle to Fly Overseas Filipinos Home for the Holidays
Lactacyd Baby Expands Beyond Bath Time with Its New 3-in-1 Daily Lotion
Lactacyd Baby Expands Beyond Bath Time with Its New 3-in-1 Daily Lotion
Body Pain Relief Just Got An Xtra Upgrade
Body Pain Relief Just Got An Xtra Upgrade
  • Tandaan na ang iyong i-popost online ay makikita ng iba kaya pag-isipang mabuti ang pagpopost nito. O kaya naman ay i-set muna sa only me o baguhin ang privacy settings ng iyong post na limitado lang sa mga taong gusto mo itong maipakita. Kabilang narito ang mga litrato at personal mong impormasyon.
  • Huwag basta mag-accept ng mga friend request mula sa mga taong hindi mo kilala o makikipaglitan ng litrato o impormasyon sa mga ito,
  • Siguraduhing ilog-out ang iyong social media account matapos itong gamitin lalo na kung ikaw ay gumagamit ng gadget o computer na hindi sayo.

Ang pag-popoprotekta sa iyong karapatan online ay nagsisimula sa pagiging responsable mo. Ika nga “think before you click” lalo na kung ito ay mga personal na impormasyon na dapat ay ini-ingatan at itinatago mo.

Source: GMA Network, AsiaOne

Photo: Freepik

Basahin: Shopping online? Protect yourself with these simple tips!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • News
  • /
  • Mga bata at estudyante, kinukuhanan ng litrato ng palihim at shine-share sa secret chat group
Share:
  • TECNO Unveils CAMON SLIM 5G Through “The Living Cover Runway,” Celebrating Filipino Women Who Make Life Lighter
    Partner Stories

    TECNO Unveils CAMON SLIM 5G Through “The Living Cover Runway,” Celebrating Filipino Women Who Make Life Lighter

  • It’s Tyme to Be Together: GoTyme Bank Launches Raffle to Fly Overseas Filipinos Home for the Holidays
    Partner Stories

    It’s Tyme to Be Together: GoTyme Bank Launches Raffle to Fly Overseas Filipinos Home for the Holidays

  • Lactacyd Baby Expands Beyond Bath Time with Its New 3-in-1 Daily Lotion
    Partner Stories

    Lactacyd Baby Expands Beyond Bath Time with Its New 3-in-1 Daily Lotion

  • TECNO Unveils CAMON SLIM 5G Through “The Living Cover Runway,” Celebrating Filipino Women Who Make Life Lighter
    Partner Stories

    TECNO Unveils CAMON SLIM 5G Through “The Living Cover Runway,” Celebrating Filipino Women Who Make Life Lighter

  • It’s Tyme to Be Together: GoTyme Bank Launches Raffle to Fly Overseas Filipinos Home for the Holidays
    Partner Stories

    It’s Tyme to Be Together: GoTyme Bank Launches Raffle to Fly Overseas Filipinos Home for the Holidays

  • Lactacyd Baby Expands Beyond Bath Time with Its New 3-in-1 Daily Lotion
    Partner Stories

    Lactacyd Baby Expands Beyond Bath Time with Its New 3-in-1 Daily Lotion

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam
India flag
India

Partner Brands

VIP ParentsMama's ChoiceLittle ReiTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Advertise With Us
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko