Pastor Hokage at iba pang secret groups online na nagsheshare ng malaswang video at litrato ng mga babae, narito kung paano maiiwasan ng anak mo.
Pastor Hokage at iba pang secret groups online
Taong 2017 ng ma-expose ang sikreto ng Filipino Facebook group na Pastor Hokage. Ang secret group umano na ito ay isang platform na kung saan nagpapalitan ang mga members ng mga malalaswang video at litrato ng mga kababaihan.
Para nga daw maging bagong member ng grupo ay kailangan munang magbigay ng “ambag”. Ito ay tumutukoy sa mga pagbabahagi ng malaswang litrato o video sa naturang Facebook group.
Ayon sa ginawang imbestigasyon tungkol sa grupo, natuklasang pati child pornography ay tinotolerate sa Pastor Hokage Facebook page. Ginagamit rin nila ang mga litrato ng mga inosenteng kababaihan at saka ibinubugaw online sa presyong kapalit umano ay kanilang serbisyo. Pinabulaanan naman ito ng mga babaeng nagreklamo laban sa facebook page na sinabi ring ini-edit ang kanilang mga litrato para maging hubad.
Dahil sa natuklasang aktibidad ng Pastor Hokage page ay sinampahan ng kaso ang grupo sa pamumuno ni Sen. Risa Hontiveros. Dahil ito sa palabag ng karapatan ng mga kababaihan at kabataan online. Ngunit hindi naman ito naging kasiguraduhan kung natigil na nga ba ang mga malalaswang aktibidad na umaabuso sa mga kababaihan online.
SharingIsCaring secret group
Matapos ang dalawang taon, may isang secret group na naman umano ang nagsasagawa ng aktibidad ng tulad sa Pastor Hokage page. Ito ay ang SharingIsCaring na isang secret chat group na nabuo naman gamit ang app na Telegram. Sa ngayon ay may 100+ members palang ang grupo na pawang mga Singaporeans.
Tulad ng Pastor Hokage ginagamit din umanong platform ang SharingIsCaring sa pagsheshare ng mga miyembro ng mga hubad na videos at litrato ng mga babae. Ang kaibahan lang ng bagong grupo na ito ay kumukuha rin ang mga miyembro nito ng mga litrato ng mga babae sa mga pampublikong lugar o sasakyan saka ishineshare sa kanilang chat group para maging topic ng kalaswaan.
Maliban sa SharingIsCaring, ay may isa pang secret chat group sa Telegram na SG Nasi Lesmak ang naipasara nito lamang simula ng buwang ng Oktobre. Ito ay dahil sa paggawa ng parehong aktibidad ng kalaswaan online. Mayroon itong naitalang 44,000 active members.
Tips at paalala sa paggamit ng social media
Kaya naman dahil sa pagsulpot ng mga ganitong malalaswang grupo na umaabuso sa karapatan ng mga kababaihan at kabataan ay muling nagpaalala ang mga awtoridad sa pagpopost ng mga larawan o impormasyon online. Ilan sa mga tips at paalala na dapat tandaan ay ang sumusunod:
- Tandaan na ang iyong i-popost online ay makikita ng iba kaya pag-isipang mabuti ang pagpopost nito. O kaya naman ay i-set muna sa only me o baguhin ang privacy settings ng iyong post na limitado lang sa mga taong gusto mo itong maipakita. Kabilang narito ang mga litrato at personal mong impormasyon.
- Huwag basta mag-accept ng mga friend request mula sa mga taong hindi mo kilala o makikipaglitan ng litrato o impormasyon sa mga ito,
- Siguraduhing ilog-out ang iyong social media account matapos itong gamitin lalo na kung ikaw ay gumagamit ng gadget o computer na hindi sayo.
Ang pag-popoprotekta sa iyong karapatan online ay nagsisimula sa pagiging responsable mo. Ika nga “think before you click” lalo na kung ito ay mga personal na impormasyon na dapat ay ini-ingatan at itinatago mo.
Source: GMA Network, AsiaOne
Photo: Freepik
Basahin: Shopping online? Protect yourself with these simple tips!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!