Pasukan sa June, unti-unti nang ibabalik ng DepEd!

Ipinahayag ng Department of Education o DepEd ang unti-unting pagbalik ng dating academic calendar sa mga paaralan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Inihayag ng Department of Education (DepEd) kamakailan lamang ang plano ng ahensiya na ibalik na sa dating acedemic calendar ang pasukan sa mga paaralan, o ang buwan ng pasukan ng mga mag-aaral. Partikular sa elementarya at hayskul. 

Mababasa sa artikulong ito: 

  • June na pasukan unti-unting nang ibabalik ng DepEd!
  • Pagpapalabas ng opisyal na guidelines ng DepEd

June na pasukan unti-unting nang ibabalik ng DepEd!

Kinumpirma ni DepEd Director Leila Areola, sa isang hearing ng basic education committe na ang ahensiya ay nagsimula na ng mga hakbang upang amendahan ang DepEd Order 22, s. 2023, kung saan sinasabi na ang opisyal na calendar at schedule of activies para sa school year 2023-2024. 

Paliwanag ni DepEd Director Leila Areola, “For now, the move is for us to gradually revert to June.”

Samantala, kahit hindi pa agad na babalik sa June o Hunyo ang pasukan sa darating na 2024-2025 school year. Ang mga taon kasunod nito’y asahan na ang pagbalik sa lumang schedule ng pasukan na tuwing June o Hunyo. Sinigurado ni DepEd Director Leila Areola sa komite na handa na ang kanilang mga dokumento para rito, 

“We already have the working document, and for 2029, we know what’s going to happen. For sure, we will be reverting to June.”

Samantala, ayon kay Alliance of Concerned Teachers Chairperson Vladimer Quetua, ang iminungkahing schedule na tinalakay sa kamakailang konsultasyon ay nagmumungkahi na tapusin ang kasalukuyang school year (SY 2023-2024) sa Mayo 31. Layunin ng DepEd na simulan ang susunod na school year sa Hulyo 29, na unti-unting pagbalik sa June o Hunyo ang pagbubukas ng klase sa susunod na taon o schooler year. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang unti-unting pagbabalik nang dating buwan ng pasukan ay unti-unting ipapatupad. Upang maiwasang mabawasan ng mahabang oras o panahon ng bakasyon ng mga estudyante at guro, ito ang pahayag ni Director Areola. 

Pagpapalabas ng opisyal na guidelines ng DepEd

Plano maglabas ng DepEd ng opisyal na guidelines para sa pagbabago ng schedule ng pasukan pagkatapos matapos ang konsultasyon sa kanilang mga field staff. 

Suportado naman ni Regina Sevilla Sibal ng National Parent Teacher’s Association sa pagbabalik ng dating academic calendar na June-March o Hunyo-Marso. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Binigyang diin ni Sibal ang malaking epekto ng panahon sa mga klase sa ating bansa, sinabi niya na bagamat karaniwang sinususpinde ang mga klase sa panahon ng tag-ulan at ‘pag may bagyo, hindi nangyayari ito sa panahon ng tag-init.

Ayon naman sa isang survey ng Alliance of Concerned Teachers noong 2023, mahigit sa 67% ng mga guro ang naranasan ang “matinding init” sa silid-aralan sa kapanahunan ng Marso. Kaya naman isa ito sa mga dahilan kung bakit nawawalan nang atensyon ang mga mag-aaral at madalas pa ngang umaabsent ang mga bata. 

Dagdag pa rito, ipinahayag ni Sibal ang mga dahilan kung bakit dapat ibalik sa dating academic calendar ang pasukan ng mga bata higit pa sa dahilan ng panahon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon sa kaniya, “It’s not just a matter of weather but also teacher and student wellbeing, as well as infrastructure and water supply, of which DepEd does not have sole jurisdiction.”

Samantala, maraming mga magulang ang natuwa sa nasabing balita. Sabi naman ng DepEd ay patuloy silang magbibigay ng impormasyon para sa mga magulang sa mga susunod na panahon patungkol sa pagbabagong ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Marhiel Garrote