Sagana ang lalawigan ng Cavite sa mga pasyalan na pwedeng puntahan ng pamilya. Kung naghahanap ka ng pasyalan sa Cavite na pwede ang bata, gumawa kami ng listahan para sa iyo. Mula sa historical sites, theme parks at serene nature spots, talagang hitik sa kid-friendly destinations ang Cavite.
Pasyalan sa Cavite na pwede ang bata
Plano niyo bang ipasyal ang inyong mga anak ngayong weekend? Napakalapit lang sa Metro Manila ng Cavite. Kaya naman, nilista namin ang lima sa pinakakilalang pasyalan sa Cavite na pwede ang bata. Narito ang kid-friendly travel destinations na pwedeng puntahan ng inyong pamilya!
Tagaytay City
Syempre kapag sinabing Cavite, unang pasyalan agad na maiisip natin ay ang Tagaytay. Hindi lang kasi ito basta lungsod na pwede niyong dalawin. Puno rin ng iba’t ibang pasyalan ang Tagaytay City kaya popular na tourist destination ito ng Cavite.
Bukod sa kilala ito na may malamig na klima, marami ring magagandang tanawin sa pasyalan na ito sa Cavite. Dito lang naman kasi matatagpuan ang Taal Volcano at Taal Lake, na tanaw na tanaw sa iba’t ibang vantage point ng lungsod.
Dagdag pa riyan, kilala rin ang Picnic Grove sa Tagaytay. Kung saan bukod sa tanaw ang Taal Volcano at Taal Lake, ay pwede ring ma-enjoy ng pamilya ang horseback riding, zip-lining, at iba pang outdoor activities.
At hindi lang ‘yan, kilala rin ang Tagaytay sa maraming naggagandahang park at gardens kabilang na rito ang People’s Park in the Sky. Pwede mong dalahin dito ang iyong pamilya para mag picnic o kaya naman ay mag hiking.
Corregidor Island
Kung gusto mong matuto habang nag-eenjoy ang inyong mga anak, pwede mo silang dalahin sa Corregidor Island. Isa itong maliit at mabatong island na matatagpuan sa entrance ng Manila Bay sa Cavite.
Ang isla na ito ay may malaking gampanin noong World War II. Kaya popular na destinasyon ito para sa mga history enthusiast at turista.
Kung bibisita kayo sa pasyalan na ito sa Cavite, pwede niyong i-explore ang historic landmarks ng isla, kabilang na ang ruins ng Fort Mills at Battery Way. Doon ay pwedeng ituro sa inyong anak kung paanong ginamit ang mga ito upang protektahan ang isla mula sa pang-aatake ng mga Hapon noong World War II.
Ang maganda pa sa lugar na ito, mayroon ding museum kung saan ay makikita ang mga artifact at exhibit kaugnay ng kasaysayan ng isla at ng military significance nito.
At hindi lang educational ang trip niyo kung pupunta kayo sa Corregidor Island. Pwede rin kayong mag-enjoy sa mga outdoor activities tulad ng kayaking, fishing, at beachcombing.
Pasyalan sa Cavite: Aguinaldo Shrine
Isa pang kilalang historical site sa Cavite ay ang Aguinaldo Shrine na matatagpuan sa Kawit, Cavite. Ito ang ancestral house ni Emilio Aguinaldo. Ngayon ay isa na itong museum na bukas para sa mga turista. Pwedeng libutin ang iba’t ibang kwarto sa loob ng bahay ni Aguinaldo. Doon ay makikita ang iba’t ibang artifacts at exhibits na related sa Philippine history. Kabilang na ang mga armas, kagamitan, at personal na gamit ni Aguinaldo at ng iba pang historical figures.
Tampok din sa museum ang koleksyon ng paintings, sculptures, mga libro at dokumento na may kaugnayan sa kultura at kasaysayan ng Pilipinas.
Katungkulan Beach Resort
Dahil summer na rin ngayon, isama na natin ang isa sa mga pinakakilalang beach sa Cavite. Popular ang Katungkulan Beach Resort dahil tinagurian itong Boracay de Cavite. Kaya naman, kung matagal niyo nang gustong pumunta ng Boracay pero kapos kayo sa oras dahil sa busy schedule niyong mag-asawa, pwede nang ma-experience ang mala-Boracay feels sa lalawigan na malapit lang sa Maynila.
Ang Boracay de Cavite o Katungkulan Beach Resort ay matatagpuan sa loob ng Gregorio Lim Marine Base sa Calumpang Ternate, Cavite.
Mula sa beach resort na ito ay tanaw din ang Mariveles mountain range ng Bataan pati na rin ang Corregidor Island.
Pasyalan sa Cavite: Paradizoo Theme Farm
Pasyalan sa Cavite na tiyak na magugustuhan ng mga bata. Matatagpuan ang Paradizoo Theme Farm sa Mendez, Cavite. Makikita sa 12 ektaryang farm na ito ang iba’t ibang hayop, halaman, at agricultural products.
Ang main attraction ng Paradizoo theme farm ay ang animal farm. Tahanan ito ng iba’t ibang animals tulad ng kabayo, kambing, kuneho, bibe, at iba pa. Tiyak na mae-enjoy ng kids ang pagpunta rito dahil wpede silang makipag-interact sa mga animals sa pamamagitan ng pagpapakain sa mga ito ng food packages na available sa farm.
Mayroon ding tinatawag na petting zoo ang Paradizoo Theme Farm kung saan ay pwedeng hawakan at yakapin ang mga maliliit na hayop tulad ng rabbit at guinea pigs.
Bukod pa diyan, mayroon ding magandang garden at flower fields ang farm na ito kung saan ay pwedeng matuto ang inyong anak tungkol sa iba’t ibang bulaklak, paruparo, halaman, at gulay na nabubuhay sa lugar na ito.