Ibinahagi ng mag-asawang vlogger na sina Boss Keng at Pat Velasquez ng Team Payaman ang naganap na gender reveal party nila para sa kanilang unborn baby.
Mababasa sa aritkulong ito:
- Gender ng baby nina Keng at Pat
- Relasyon nina Boss Keng at Pat Velasquez
- Tips sa pagsasagawa ng gender reveal party
Gender ng baby nina Keng at Pat
Sa panibagong vlog ni Pat ay ibinahagi niya ang naganap na gender reveal party na naganap sa kanilang compound. Ang theme ng gender theme party nila ay fiesta.
Pagkukuwento ni Pat, siya umano ang unang nakaisip nito dahil umano ay nakatira na sila sa isang compound ng kaniyang mga kapatid at may sarili silang street.
Kaya naman umano ay naisip niya na fiesta theme ito. Makikita rin sa party na mayroong sorbetes na design ang kanilang compound.
Larawan mula sa Instagram ni Pat Velasquez
Larawan mula sa Instagram ni Pat Velasquez
Dinaluhan din siyempre ng mga kapatid ni Pat ang kanilang gender reveal party. Naroroon sina Cong, Junnie, Venice, pati na sina Viy Cortez, at Vien Ilagan.
Nasa gender reveal party rin ang mga magulang nila Pat at Keng, siyempre andun ang buong Team Payaman para maki-celebrate sa kanilang kaibigan.
Larawan mula sa Instagram ni Pat Velasquez
Larawan mula sa Instagram ni Pat Velasquez
May mga team din ang mga bisita sa gender reveal party nina Pat at Keng, halos pantay ang nasa Team Boy at Team girl.
Nang mag-gender reveal na nga sina Pat at Keng, blue ang lumalabas na confetti, kaya naman masayang-masaya ang Team Boy. Siyempre ganun din ang mag-asawa.
Napatalon pa sa sobrang tuwa si Boss Keng nang malaman na ang magiging panganay ay lalaki.
Relasyon nina Boss Keng at Pat Velasquez
Ang relasyon nila Pat at Boss Keng ay nagsimula noong si Pat ay 13-anyos pa lamang at si Keng ay 16-anyos. Bagamat sila ay hindi pamilyar sa iilan, si Pat at Boss Keng ay ilan sa mga personalidad na inaabangan ngayon sa YouTube at social media.
Dahil sa kanilang mga vlog episodes ay makikita ang mga nakakatuwang videos na nagpaparelax at nag-iinspire sa maraming mga Pilipino.
Hinahangaan din sila sa kung paano nila napatibay at napatagal ng 12 taon ang kanilang relasyon. At sa ngayon nga ay pumasok na sila sa bagong yugto ng kanilang buhay bilang mag-asawa.
Tips sa pagsasagawa ng gender reveal party
Ilan sa mga tips na kailangan mong malaman sa pagsasagawa ng isang gender reveal party ay inilista na namin para sa ‘yo. Ito ang mga sumusunod:
1. Planuhin kung saan ba gaganapin ang inyong gender reveal party
2. Mga bisita na inyong iimbitahin. Mahalaga na naroroon siyempre ang inyong pamilya at malalapit na kaibigan.
3. Anong pagkain ang inyong ihahanda sa inyong gender reveal party.
4. Mag-isip din ng mga games na pwedeng ipagawa sa inyong mga bisita.
5. Isipin kung paano gagawin ang gender reveal. Maraming option ang pwede, katulad na lamang ng paglalagay sa cupcakes ng fillings, balloons, at iba pa. Maaaring basahin ang artikulong ito para sa mga detalyadong kaalaman patungkol sa pagdadaos ng isang gender reveal party. “Gender party reveal ideas for parents-to-be” i-click dito!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!