Sa daming gastusin ngayon, siyempre nais natin magkaroon ng extra income at magkaroon na negosyo para sa pangangailangan ng ating pamilya. Narito ang mga negosyong patok sa masa na maaari niyong subukan.
Negosyong patok: Simulan ang business
Mag-isip ng isang negosyong magiging passionate ka. Mag-research din ng mga kakailanganin para sa iyong itatayong business.
Patok na negosyong pang masa: Puwedeng magtinda ng mga pagkain na mismo kayo ang nagluto. Puwede rin namang maging reseller kung wala kang time sa pagluluto.
Negosyong patok sa masa
Isa na si Miss Thess Gubi sa mga sinubok ang online home-based business na ito. Bago mag-start si Thess sa kaniyang home-based business ay isa siyang PR manager sa ABS-CBN for 21 years. Isa siya sa iilan na natirang employees ng kumpanya.
Image form Thess Gubi
Sa isang panayam ng theAsianparent Philippines kay Miss Thess Gubi. Sinabi niyang nakahiligan na umano niya ang pagba-bake, matapos na anyayahan ng isang kaibigan na um-attend sa isang short baking course noong 2014.
Simula noon naging hobby na niya ang pagba-bake. Ayon sa kanya, “I baked for free (and for the love) during family or friend’s events and gatherings.”
Pero dahil busy siya sa kaniyang work ay kailangan niyang mag-lie low sa kaniyang hobby.
Subalit nang maipatupad ang ECQ noong nakaraang taon nagsimula siya ulit mag-bake.
“I’m working from home and my sister became interested in cooking and baking after watching Youtube channels. She asked me to revive our brand-Reddelicious which I started in 2014. So I said, why not. It’s also a good activity to de-stress to overcome anxieties and uncertainties during this time.”
Image from Thess Gubi
Binuhay ulit ni Thess ang kanyang business na pinangalanan niyang “Reddelicious” na mula sa pangalan ng kaniyang pamangkin na si Redd.
Pagsisimula ng baking business
Image from Thess Gubi
Sa pagtatayo ng isang online business siguraduhing pursigido kayo at malakas ang loob. Marami ang may online business ngayon kaya dapat may tapang ka talaga para ipagpatuloy ang iyong naiisip na negosyo.
Nagsimula lamang sa 5,000 pesos na puhunan si Miss Thess para sa kaniyang puhanan. Hindi na siya bumili ng kaniyang baking tools dahil may naipundar naman siya 6 years ago pa. One month na simula nang sinimulan nila ang kanilang business ulit.
Negosyong patok: I-promote ang iyong business
Sabi pa ni Miss Thess, alam nilang magiging mabenta ang kanilang goodies dahil tayong mga Pinoy raw ay mahilig talagang kumain. Mayroon din tayong sweet tooth kaya siguradong may bibili.
“Binenta namin ng friendly price so we would know if puwede namin ibenta. Naging masaya naman ang mga naging first customers namin (mostly kapitbahay muna namin) hanggang naging suki at returning customers na namin sila.
Happy naman kami kasi dumadami ang orders namin dahil na din sa word of mouth and support ng family and friends.”
Mag-iisip din ng mga pamamaraan para ma-promote ang inyong business sa social media kung saan mas malawak ang puwede niyong maging customers.
Advice sa mga magtatayo ng sariling online business
“If there’s a will there’s a way. It may sound cliche but it’s very true. You have to identify your skills and interest so you can start from there. You will never go wrong if you know that it’s something that excites you to do.”
Maging focus lang sa inyong goal. Always find a way to be more productive sabi nga ni Miss Thess do the things that you are passionate about at siguradong magiging successful ka. Hindi ka lang kikita kundi magiging masaya ka rin.
Sa ngayon nga ay nakapundar na si Miss Thess ng iba pang mga baking tools para sa kanilang lumalagong business.
Masaya rin daw umano na makita ang mga feedback ng mga customers. Lalo na kung nasisiyahan sila sa inyong products. Gamitin itong inspirasyon para magpursigi pa lalo sa inyong business.
13 negosyong patok sa masa
Naghahanap ka rin ba ng ideya kung anong negosyo ang iyong sisimulan? Hanap mo ba’y negosyong patok na maliit ang puhunan? Narito ang ilan sa mga negosyong patok na maliit ang puhunan na pwede mong subukan.
Larawan mula sa iStock
-
Negosyong patok: Meryenda food business delivery
- Isa sa negosyong pang masa na maaaring subukan ay ang meryenda food business delivery. Sapagkat halos lahat pa rin ng mga manggagawa ngayon ay naka-work from home ay siguradong mapapa-order sila sa inyong tinda. Maaaring i-promote ang inyong business thru online. Mag-isip din para inyong unique recipe para talagang babalikbalikan ka ng iyong mga customers.
-
Produktong panlinis
- Dahil nga pandemic tiyak na kailangan ng mga tao ang mga bagay na makakatulong para ma-sanitize ang kanilang mga gamit para makaiwas sa virus. Kikita ka rin dito dahil in demand ito ngayon.
-
Gamit para sa work-from-home set-up
- Karamihan ngayon ay naka-work from home set-up. Kaya naman in-demand din ngayon ang mga produkto na kinakailangan para sa isang work from home environment. Katulad ng office chair o upuan at mesa.
- Patok din ang mga nagbebenta ng mga gadgets na kailangan para sa online classes ng mga bata katulad ng laptops, desktops at tablets. Maaaring maging reseller nito o kung marunong magkumpuni ng lumang mga gadgets ay puwede rin itong option para i-resell sa mga budget-conscious.
- Puwede rin mag-offer ng paggawa ng personalized office table.
-
- Patok na patok din ang negosyong pang masa na ito dahil maraming mga pinoy ang mahilig mag-ukay-ukay. Maaari kayong magsimula sa inyong bahay lamang o kaya naman mag-live selling sa inyong Facebook para sa pagbebenta nito.
Larawan mula sa iStock
-
Gamit sa bahay
- Marami ang nahihilig sa pagluluto kaya naman puwedeng magbenta ng mga kitchen tools.
- Patok din ang mga dekorasyong pambahay dahil marami ang gustong mag-ayos ng tirahan para maging kaaya-aya.
-
Negosyong patok: Frozen goods business
- Perfect din ang negosyong ito para sa mommy at daddy. Ang pagbebenta ng frozen goods katulad ng tocino, siomai, shanghai, longganisa at iba pa ay patok na patok din. Madali lamang ito ibenta sapagkat marami sa mga pamilya Pilipino ay on the go lagi. Maaaring gumawa ng sariling recipe o kaya naman maging retail reseller.
Larawan mula sa iStock
-
Pagbebenta ng mga halaman at garden needs
- Puwedeng magbenta ng mga halaman, pots, at garden tools. Siguradong marami ang bibili nito dahil patok na patok ito ngayon. Gumawa rin ng strategy para siguradong bebenta ang iyong mga produkto.
-
Milk tea food business
- Tayong mga Pinoy ay mahilig talaga sa pampalamig lalo na kapag mainit ang panahon. Patok na patok din ang pagtatayo ng milk tea business ngayon. Maaaring kumuha ng pwesto o kaya naman thru online ang pagbebenta. Siyempre with delivery din.
Larawan mula sa iStock
-
Home decor
- Patok din sa masa ngayon ang mga home decor katulad ng mga dried flowers decor, mga led lights, wallpaper design at iba pa. Maaari kang magbenta sa online o sa inyong bahay.
-
Pagbebenta ng snacks
Patok na patok din ang pagbebenta ngayon ng mga snacks. Pwede mo itong ibenta by piraso o kaya naman by box na kung saan iba-iba ang laman ng box na snacks.
-
Pagbebenta ng mga desserts
Ang pagbebenta ng desserts katulad ng cake, cupcake, at cookies ay patok na patok din. Lalo na kung sasamahan mo ito ng food delivery service. Mas gusto kasi ng marami ngayon na pwedeng i-deliver sa kanilang bahay ang kanilang binibili para hindi na sila lalabas.
Marami ang pet lovers na mga Pilipino, kaya naman patok din ang pagbebenta online ng mga kailangan ng pets. Katulad ng shampoo o kaya naman treats para sa kanila.
Pwedeng-pwede ring subukan ang pagbebenta ng accesories katulad ng bracelet o necklace na pwedeng i-personlized. Bebenta ito lalo na sa mga kabataan at working people.
Tips sa pagtatayo ng negosyo
Narito ang ilang tips sa pagtatayo ng inyong negosyo, inilista namin para sa inyo. Ang mga ito ay ang mga sumusunod:
- Mag-research muna patungkol sa negosyong gustong itayo. Alamin kung gaano karami ang kumpetisyon ng iyong itatayong negosyo sa inyong lugar, isipin din kung anong magiging negosyo sa iba.
- Paghandaan din ang mga resources na iyong kailangan, kung online selling dapat mag-invest ka sa internet connection. Kapag sa food business naman ay ang quality ng ingredients na iyong gagamitin. Kung damit o home decor naman isipin din ang packaging na iyong gagamitin.
- Isipin kung paano mo maipo-promote ang iyong business. Maaaring sa gumawa ka ng Facebook page or Instagram page. Pwede rin naman sa Shopee o Lazada. Maaari ka ring mag-print ng mga poster na maaaring maipaskil sa daan.
- Maging consistent. Tandaan walang negosyong kikita ka agad ng malaki pero dapat consistent ka pa rin. Magtiyaga kahit may mga araw na tila kaunti lang ang bumibili sa ‘yo.
- Laging maging hopeful at magpursigi. Sabi nga ng iba ang positivity ay nakakapag-attract good fortune. Kaya dapat lagi kang hopeful na magtatagumpay ka. Basta lagi kang magpursigi at magsipag sa iyong ginagawa.
Sabi nga ni Miss Thess, “We are often pessimistic, ‘Paano kapag nalugi sayang ang pera?’ Normal naman ‘yon but if you became a positive thinker, start with a small capital. As long as you don’t put all your savings in one business, (sabi nga ni Chinkee Tan), you will definitely earn from there.”
Tandaan na just think positive walang masama kung susubukan ang mag-negosyo online malay mo’y maging successful ito. Walang negosyong walang pinagdadaanan na problema. Kaya naman just be passionate and focus on your goals.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!