Patok ngayon ang iba’t-ibang pinagkakakitaan na binebenta online. Madami na kasi ang nakatutok sa kanilang mga cellphone at isang chat lang sa seller, maaari ka nang makabili ng inyong gugustuhin! Kaya naman mommy, narito ang online business ideas in the Philippines na maaari mong pagkaabahalahan upang kahit paano ay makadagdag ng income para sa pamilya.
Online business ideas Philippines para sa mga mommy
Simula nang magkaroon ng pandemya ay maraming pamilya ang naapektuhan ng kawalan ng trabaho. Ngayon namang nasa new normal na tayo at unti-unti nang bumabalik sa sirkulasyon ang lahat, marami pa rin sa atin na hirap maghanap ng trabaho. At kung may trabaho man ay kinakapos pa rin kung minsan dulot ng nagtataasang presyo ng mga pangunahing bilihin.
Isa ang business na print shop ni Minda Nacario sa mga naapektuhan ng Enhanced Community Quarantine na itinaaas sa Metro Manila nang nag-uumpisa pa lang ang pandemya. Napilitan kasi nitong isara ang kanyang print shop dahil sa pandemic.
Online business ideas in Philippines | Image from Freepik
Ibinahagi ni Minda sa GMA 24 oras na dumating ang araw na wala siyang pambili ng diaper ng kanyang anak. Nagkataon pang nagkasakit ito kaya hindi rin makabili ng gamot. Kaya naman nagtinda siya ng manok online gamit ang malit na kapital na 2,500 pesos.
Napalago niya ito nang ilang buwan kaya naman umaabot na ng 50,000 ang kanyang kita araw-araw.
“Binigyan po ako ng pagkakataon kung paano ako kumita, bumangon mula noong isang kayod, isang tuka.”
Dagdag nito na bukod sa kailangan ng sipag para kumita. Gamitin din ang utak sa pagpapalago ng business.
“Gamitin lang ang kaunting utak at tsaka ‘wag matakot muna kasi kung puro takot ang iniintindi natin, hanggang doon lang maabot natin.”
Sa ngayon, mayroon ng tatlong tindahan si Minda at nakapundar na rin ng dalawang kotse. Nagpaplano na rin itong gumawa ng lugar kung saan niya ilalagay ang kanyang mga tinda.
8 online business ideas na patok sa Philippines
Noong nasa ilalim pa ng community quarantine ang Pilipinas, marami ang nakaisip ng pagkakakitaan na bumuhay sa kanila sa gitna ng COVID-19. Nandyan na ang mga pagbebenta online ng mga pagkain, damit o kahit na iba pang essential goods. Ngayon, maraming mommy na rin ang nais sumubok ng mag-online business dahil kahit na balik na ulit sa paglabas ang mga tao ay hindi pa rin nawawala sa trend ang pagbili online.
Isa na kasi ito sa mga bagay na nagpapadali sa mga gawain natin ngayon. Bilang digital na ang ating panahon, pati ang pamimili ay digital na rin. Nakatutulong ito upang makaiwas sa pagbyahe at pagpila ang sino mang may gustong bilihin.
Ikaw, mommy, kung nagpaplano ka ng iyong online business, narito ang ilang ideas na patok sa Philippines!
Online business ideas Philippines
1. Pastries
Kung hilig mo na dati pa ang mag bake ng kung anu-ano katulad ng cookies, cakes, bread o muffin, bakit hindi mo subukang pagkakitaan ito ngayon? Marami na ang tumatangkilik sa mga nabibiling pastry online dahil madali nilang nakikita ang mga pinopost na picture online ng iyong tinitinda.
Tamang-tama dahil hindi naman nauubusan ng okasyon ang mga Pilipino. Pwedeng-pwede mong i-promote sa social media ang iyong mga cake, cookies, at mga tinapay nang naaayon sa okasyon. Planuhin lang ng maigi ang iyong mga ibebenta at maging creative!
2. Online business ideas Philippines: Magbenta ng frozen goods
Bukod sa pastries, hanap din ng mga buyer ang mga frozen good katulad ng manok, siomai, tocino o french fries. Marami na ang malalaking food industry ang nagsimulang magbenta ng kanilang specialty na pagkain. Katulad ng marinated chicken, mojos, french fries o kaya naman siomai. Mabenta pa rin ito dahil isa sa basic needs ang pagkain. Kaya tiyak na mabibili ito.
Online business ideas in Philippines | Image from Freepik
3. Vlogging
Sino ba namang hindi nahuhumaling na ngayon sa panonood ng iba’t-ibang lifestyle vlog sa YouTube? Mommy, kung nais mong simulan na mag vlog ngayon, itry mo na! Ang iyong hobby ay maaari mo na ring pagkakitaan. Umisip lang ng magandang content para sa iyong YouTube Channel at mag start ng mag shoot!
Maaaring isama si baby o si hubby sa iyong content para naman maging bonding na rin ito! Pwedeng i-topic sa iyong vlogs ang iyong cooking style, parenting style o daily routine. Tandaan lang na kailangan ng tiyaga sa vlogging. Hindi basta-basta kikita mula rito. Kailangan mong i-promote ang iyong vlogs para mapanood nang marami at kumita. Kapag naging maganda na ang social media presence mo, posible rin na lapitan ka ng brands upang i-promote ang kanilang produkto. Sa ganitong paraan magkakaroon ka ng dagdag na kita.
4. Online business ideas Philippines: Magtinda ng ukay-ukay
Simulan nang mag declutter ng iyong mga luma pero maganda pang damit o bag! Maaaring ibenta online ang iyong mga preloved items at paniguradong marami ang bibili nito.
Siguraduhin lang na nasa maayos pa itong kondisyon at maganda sa mata ng mga buyer. Bonus points ang magandang quality ng litrato ng iyong mga damit na ipopost online!
Online business ideas in Philippines | Image from Freepik
5. Online class
Marami rin ang nag aalok ngayon na magturo online sa mga nais matuto ng specific subject. Katulad na lamang ng pagtuturo ng tamang pagluluto, foreign language, make-up o iba pang talento mo sa ibang bagay na maaaring ituro sa iba.
Pwede mong i-promote online ang online tutorial na gusto mong gawin. Ilagay lang sa post ang specific na larangan na kaya mong ituro.
6. Blogging
Kung may talento ka naman sa pagsusulat, maaari mo nang simulan ang iyong sariling blog site! Karamihan sa atin gayon ay nakatutok na sa internet kaya naman madaling makita ang iyong blog sa isang search pa lamang.
Siguraduhin lamang na isipin nang mabuti ang dapat mong isulat na blog na tatangkilikin ng masa.
7. Online business ideas Philippines: Magbenta ng mga grocery at essentials
Marami na sa atin ang mas pinipiling mamili online kaysa pumunta pa ng mga mall at pumila sa mga grocery store. Kaya pwede mo ring subukang magtinda ng grocery at iba pang essentials online.
Kailangan mo lang maghanap ng mapagkakatiwalaang supplier na magkapagbibigay sa iyo ng competitive pricing.
Pwede mong i-post sa social media ang mga paninda mo at mag-offer ng free delivery para maka-attract ng customers. Bumili ka ng mga produkto nang bulto-bulto o maramihan at ibenta ito sa retail price.
8. Online fashion store
Ngayon ngang nakalalabas na ulit ang mga tao, ‘di tulad noong quarantine pa tayo, nariyan ang mga fashionista na readyng irampa ang mga naggagandahan nilang mga OOTD.
Kaya naman maaaring pumatok din ang iyong negosyo kung sisimulan mong magbenta ng mga comfy at stylish na mga damit. Syempre dapat affordable ito.
Ang tip dito mommy, pwede kang pumunta sa Taytay Rizal at mamili ng magagandang damit sa mga tiangge doon. Mura lang ang mga tinda roon. Halimbawa ay may mabibili kang damit sa halagang P50, pwede mo na itong ibenta ng P200 sa social media.
Bukod sa Taytay ay pwede ka ring mamili sa Divisoria na mura din ang mga paninda kung bulk orders ang bibilhin.
Updates mula kay Jobelle Macayan
BASAHIN:
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!