X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Singapore-based BPO firm naghahanap ng 2,000 work-from-home staff sa Pilipinas

4 min read
Singapore-based BPO firm naghahanap ng 2,000 work-from-home staff sa Pilipinas

Good news moms and dads dahil naghahanap ng work from home staff ang isang BPO firm sa Singapore dito sa Philippines! Alamin ang ibang detalye rito. | Lead Image from Freepik

Good news para kina moms and dads na hindi pa rin maka-alis ng bahay dahil sa COVID-19! Dahil naghahanap ng work from home staff ang isang BPO firm sa Singapore dito sa Philippines!

Singapore-based BPO firm naghahanap ng 2,000 work-from-home staff sa Pilipinas

Kahit na nasa ilalim ng General Community Quarantine ang Metro Manila at nagbalik trabaho na ang ating mga manggagawa, hindi pa rin lahat ay may kakayahan na magbalik trabaho. May ilan kasi sa ating mga kababayan ang nawalan ng trabaho dahil tuluyan nang nagsara ang kanilang mga pinagtatrabahuan.

Dahil dito, bigo pa ring magbigay ng sapat na suportang pinansyal ang ibang mangagawa lalo na ang ating mga moms and dads na may binubuhay na pamilya.

Ngayong quarantine, marami ang nakaisip ng pagkakakitaan na kasalakuyang bumubuhay sa kanila sa gitna ng COVID-19. Nandyan na ang mga pagbebenta online ng mga pagkain, damit o kahit na iba pang essential goods.

work-from-home-philippines

Home based jobs in Philippines | Image from Freepik

Work from home job in Philippines

Para makadagdag kita sa ninyo, alam niyo bang may alok na trabaho ang isang BPO firm sa Singapore dito sa Pilipinas?

Naghahanap ng 2,000 work from home employee ang Business Process Outsourcing (BPO) na naka base sa Singapore na Everise Holdings dito sa Philippines.

Ayon sa Everise Holdings, ang job hiring na ito ay dahil gusto nilang palakasin ang Manila headcount na magmumula sa 3,000. Nasa 12,000 naman ang bilang nito globally.

Mensahe ni Sudhir Agarwal, founder at chief executive ng Everise Holdings, “We are a people-first company who has entrepreneurship and innovation in our DNA.” Dagdag pa nito na naiintindihan niya ang hirap na pinagdadaanan ng bawat mamamayan sa krisis na kinakaharap natin sa COVID-19.

“The operational metrics point to us having an appetite for growth, and as such we are poised for strong recovery post-Covid-19 and the necessary restrictions on movement.”

Sa pahayag ng Everise Holdings, ginagawa rin nila ang ang paraan para madevelop ang talent o ibang tool ng kanilang staff para makapagbigay ng magandang serbisyo sa mamamayan kahit na ito ay work from home.

“We engineered home-based operations such as remote recruiting, virtual training and on-boarding, and business intelligence. As a result, all of our solutions, including omnichannel customer service, tech support, fraud detection, and community moderation, chatbots and natural language interactive voice response systems, can be delivered from home,”

Kinumpirma din ni Labor Secretary Silvestre Bello III na mayroong halos 6,000 na BPO job openings ngayon na maaaring mangyari.

work-from-home-philippines

Work from home job in Philippines | Image from Freepik

Paano nahahawa sa COVID-19?

Paano nga ba nahahawa sa COVID-19 ang mga tao? Ayon sa World Health Organization (WHO), ang COVID-19 ay isang virus na sobrang delikado dahil mabilis itong kumalat. Maaari itong maipasa sa hayop pero sobrang bihira lamang.

Naipapasa ang COVID-19 kapag ang isang taong carrier ng virus ay umubo o bumahing. Ang mga malilit na water droplets na galing dito ay mapapasa sa hindi infected na tao. Dito magsisimula ang pagkakaroon ng exposure.

Sintomas ng COVID-19

Ito ang mga karaniwang sintomas na maaaring makita sa mga matatanda. Sa ibang kaso naman, matatawag silang asymptomatic o walang mararamdamang mga sintomas sa katawan.

Ang sintomas ng COVID-19 sa tao ay kadalasang nararamdaman at nakikita pa pagkatapos ng 2-14 days matapos ang exposure sa isang carrier ng virus.

  • Dry cough
  • Mataas na lagnat
  • Panghihina
  • Pananakit ng katawan
  • Diarrhea
  • Pananakit ng ulo
  • Pagkawala ng panlasa
  • Pananakit ng lalamunan

Narito ang mga seryosong sintomas na kailangang bigyang pansin. Kung sakaling maramdaman ang mga ito, agad na humanap ng medical assistance.

  • Hindi makagalaw
  • Hindi makapagsalita
  • Hirap sa paghinga
  • Pananakit ng dibdib
work-from-home-philippines

Home based jobs in Philippines | Image from Freepik

Ang mga taong mataas ang risk factor sa COVID-19 ay ang mga mayroong chronic lung disease. Ang iba pang kaso nito ay:

  • Buntis
  • 65 years old pataas
  • Mga taong may travel history
  • Mga taong nag-aalaga ng COVID-19 patients
  • May mga medical condition katulad ng liver disease, asthma, renal failure, heart disease, high blood, diabetes

COVID-19 Health protocols

Ayon sa CDC, ang mga taong delikado sa COVID-19 ay kailangan ng matinding pag-iingat sa panahon ngayon. Narito rin ang mga bagay na dapat tandaan at gawin:

  • Palaging pagsusuot ng mask
  • Iwasan ang mga matataong lugar
  • Iwasan ang mag-travel
  • Panatilihin ang social distancing
  • Palagiang paghuhugas ng kamay
  • Iwasan ang paghawak sa mukha
  • Maging malinis

 

Source:

Partner Stories
DERMTROPICS: The Next Holy Grail Green Beauty Body & Hair Care Brand
DERMTROPICS: The Next Holy Grail Green Beauty Body & Hair Care Brand
PLDT Home launches all-new Prepaid FamLoads for Videos Every Day
PLDT Home launches all-new Prepaid FamLoads for Videos Every Day
Enjoy online shopping insurance with PayMaya's Buyer Protect
Enjoy online shopping insurance with PayMaya's Buyer Protect
Tili Bolzico’s Arendellian Dreams come true in the  newly opened World of Frozen!
Tili Bolzico’s Arendellian Dreams come true in the newly opened World of Frozen!

GMA News

BASAHIN:

8 effective work from home tips para sa mga parents

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Mach Marciano

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pandemya ng COVID-19
  • /
  • Singapore-based BPO firm naghahanap ng 2,000 work-from-home staff sa Pilipinas
Share:
  • 12 Bagong Haligi ng Senado: Sino ang May Puso para sa Pamilyang Pilipino?

    12 Bagong Haligi ng Senado: Sino ang May Puso para sa Pamilyang Pilipino?

  • RA 12199: Bagong Batas Para sa Kinabukasan ng Batang Pilipino

    RA 12199: Bagong Batas Para sa Kinabukasan ng Batang Pilipino

  • Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

    Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

  • 12 Bagong Haligi ng Senado: Sino ang May Puso para sa Pamilyang Pilipino?

    12 Bagong Haligi ng Senado: Sino ang May Puso para sa Pamilyang Pilipino?

  • RA 12199: Bagong Batas Para sa Kinabukasan ng Batang Pilipino

    RA 12199: Bagong Batas Para sa Kinabukasan ng Batang Pilipino

  • Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

    Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko