Pauleen Luna sa relasyon kay Vic Sotto: "The age gap was never an issue.”

Pauleen umaming intimidated kay Vic Sotto noong una kaya na-stress siya nang magsimula na silang mag-usap na simula na rin pala ng love story nila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pauleen Luna at Vic Sotto relationship, ibinahagi ng aktres kung paano nagsimula. Malaking age gap ng dalawa hindi naging isyu sa kanilang relasyon. Narito ang kuwento ni Pauleen.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Love story nina Pauleen at Vic
  • Pauleen Luna at Vic Sotto relationship

Love story nina Pauleen at Vic

Larawan mula sa Facebook account ni Pauleen Luna

Enero ngayong taon ng mag-celebrate ng kanilang 6th wedding anniversary ang kapwa aktor at TV host na sina Pauleen Luna at Vic Sotto. Ang kanilang pagsasama ay isa sa sinubaybayan ng mga Pilipino dahil sa malaking gap o agwat sa mga edad nila.

Thirty-four years — ganito kalaki ang age gap nila Pauleen at Vic. Pero ayon kay Pauleen, base sa panayam sa kaniya ng broadcaster na si Pia Arcangel, ni minsan hindi naging isyu ang edad nila sa kanilang relasyon.

"The age gap was never an issue.”

Ito ang isa sa malinaw na pahayag ni Pauleen tungkol sa relasyon nila ni Vic Sotto. Kung mayroon nga daw naging isyu sa pagsasama nila, ito ay ang estado ni Vic bilang isang kilala at beteranong artista.

Dahil si Pauleen umaming na-intimidate kay Vic noong una. Lalo pa’t ito daw ay may pagka-suplado o hindi mahilig magsalita. Si Vic at Pauleen ay nagkasama sa noon time show na 'Eat Bulaga' kung saan nagsimula ang pag-iibigan nila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

"Tahimik siya eh. Seven years in the show and I've not have a decent conversation with him. As in minsan, kilay-kilay lang. Parang ‘hi,’ ganoon lang. He is super mysterious and so quiet na like he comes of as suplado, so parang medyo takot kami sa kaniya.”

Ito ang kuwento pa ni Pauleen.

Dahil nga daw sa first impression niyang ito kay Vic ay hindi daw ito masyadong pinaglalapitan ni Pauleen. Lalo pa’t itinuturing niya itong superior ng kanilang programa. Kaya naman ng magsimula ng magkaroon ng pagkakataon na mag-usap sila ni Vic naging stressful daw ito para kay Pauleen.

“We respect him as our, you know, superior, and I don’t think I need to talk to him. So when we started to talk, it’s kinda stressful”

Pagpapatuloy niya, ang pag-uusap nila ni Vic nagsimula sa pamamagitan ng email. Siya ang kumuha noon ng email ni Vic para mai-send ang mga pictures nila noong minsan sila ay mag-group vacation sa Singapore.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hanggang sa naging madalas ang pagpapalitan nila ng pictures sa email at bigla nalang nag-text ang aktor sa numero niya. Nang gawin yun ni Vic ay na-stress si Pauleen sa pag-iisip. Hindi niya inakala na doon na sila magiging malapit sa isa’t-isa.

"Na-stress talaga ako nun. Sabi ko kay Ate Ruby (Rodriguez), ‘Bakit ganito? Bakit kailangan ko mag-reply?’ And then okay naman pala. Friendly friendly lang talaga. I guess we realized we have a lot of things in common. Hindi pala siya artista kumbaga, and then we got along very well.”

Ito ang kuwento pa ni Pauleen.

Mula daw sa paglabas na grupo sila ay unti-unti ng nakakalabas sina Vic at Pauleen na silang dalawa lang. Doon mas lumalim ang friendship nila na 'di kalaunan ay nauwi na nga sa intimate relationship.

Ang unang nakaalam nga daw sa kanilang relasyon ay ang aktres at host na si Ruby Rodriguez. Ito daw ang unang nakakita na bagay sila noon ni Vic o Bossing kung tawagin nila sa Eat Bulaga.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pauleen Luna and Vic Sotto relationship

Larawan mula sa Facebook account ni Pauleen Luna

Aminado si Pauleen na maraming kumekwestyon sa relasyon nila ni Vic Sotto. Maraming bashings na rin siyang natanggap. Alam niyang kahit hindi man ganoon ka-techy ay alam rin ito ng mister na si Vic. Ito ang sa tingin niyang mas nagpatibay pa sa relasyon nila.

"I'm sure ang dami ring comments na nakakarating sa kaniya, kaya I think that made our relationship stronger because we’re really in it together."

Ito ang sabi pa ni Pauleen.

Sa isa sa mga Instagram post ni Pauleen ay minsan niya ng sinabi na easy at smooth ang relasyon nila ni Vic sa kabila ng malaking agwat sa kanilang edad. Ang sikreto daw ay ang pagkakaroon nila ng respeto sa isa’t isa na napakahalaga sa isang relasyon.

“Never did I hear my husband raise his voice and felt like I was younger and didn't matter. I always felt validated. I always feel important around him. Respect plays a big role in any relationship. I know deep in my heart that it's one of the main reasons why this relationship is so easy.”

Larawan mula sa Facebook account ni Pauleen Luna

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ang sabi pa ni Pauleen Luna tungkol sa mister na si Vic Sotto at sa happy and strong relationship nila.

Sila Pauleen Luna at Vic Sotto ay ikinasal noong January 30, 2016. Sila ay may isang anak na si Tali na mag-lilimang taong gulang na sa ngayon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement