X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Pauleen Luna sa 11 years nilang relasyon ni Vic Sotto: “Glad we followed our hearts.”

5 min read
Pauleen Luna sa 11 years nilang relasyon ni Vic Sotto: “Glad we followed our hearts.”

Ayon pa kay Pauleen ang mister na si Vic at anak na si Tali ang biggest blessing na natanggap niya sa kaniyang buhay.

Pauleen Luna at Vic Sotto nag-celebrate ng 11 year anniversary nila bilang magkarelasyon. Maliban sa pagdiriwang ng milestone na ito sa kanilang pagsasama, Pauleen at Vic ipinagdiwang rin ang 5th birthday ng anak nilang si Tali.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Pauleen Luna at Vic Sotto 11th year anniversary bilang magkarelasyon.
  • 5th Birthday ng anak ni Pauleen Luna at Vic Sotto na si Tali.

Pauleen Luna at Vic Sotto 11th year anniversary bilang magkarelasyon

pauleen luna, at vic sotto

Larawan mula sa Instagram account ni Pauleen Luna-Sotto

Sunod-sunod ang mahahalagang events na dapat ipagdiwang ng celebrity couple na sina Pauleen Luna at Vic Sotto. Isa na nga rito ang kanilang 11th anniversary bilang magkarelasyon.

Si Pauleen may maikling mensahe para kay Bossing na ibinahagi niya sa kaniyang Instagram account. Saad ng aktres at TV host, mabuti nalang at sinunod nila ni Vic ang bulong ng kanilang puso. Dahil ngayong 11 years na silang magkarelasyon ay wala siyang naging pagsisisi at ang pagsasama nila ay naging payapa at masaya.

“11 years. Glad we followed our hearts ❤.”

Ito ang bungad ni Pauleen sa IG post niya tungkol sa 11th year anniversary nila ni Vic Sotto.

Sa post rin na ito ni Pauleen ay nag-share siya ng compilation ng mga videos nila ni Vic na magkasama. Kabilang na nga rito ang naging church wedding nila. Ang short video reel na ibinahagi ni Pauleen ay nilapatan niya ng kantang “Baby I Love Your Way” ni Joseph Vincent.

Ang kanta raw na ito ay minsang kinanta ni Bossing para kay Pauleen kaya naman espesyal at hindi na maalis ito sa isip niya. Pagpapagtuloy pa niya sa kaniyang IG post si Vic at anak nilang si Tali ang greatest blessing na natanggap niya.

“My husband once sang this song for me and it’s stuck like glue.”

“I love you babe, @mzet280 You and Tali are my biggest blessings! Happy Anniversary!”

Ito ang sabi pa ni Pauleen.

 
 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
    A post shared by Marie Pauleen Luna- Sotto (@pauleenlunasotto)

Matatandaang nitong Enero ay nag-celebrate rin sila Pauleen at Vic ng kanilang 6th wedding anniversary. Sa isa paring IG post ay ibinahagi ni Pauleen kung paano nagsimula ang relasyon nila ni Vic kung saan ito raw ay naging challenging. Kaya naman si Pauleen ipinagpasa-Diyos nalang ang lahat at masaya siya na sila rin sa huli ang nagkatuluyan.

“6 years ago, I married the man I love the most. The start of our relationship was very challenging. A lot of people didn’t want us to succeed.

People who knew so little about you and me. So, just like with a lot of things in my life, this part I’ve surrendered to God. And boy He had plans for us!

At that time where we thought everything was lost, He turned it around. He made is possible. He made it happen.”

Ito ang sabi pa noon ni Pauleen.

5th Birthday ng anak ni Pauleen Luna at Vic Sotto na si Tali

birthday ng anak nila pauleen luna, at vic sotto na si tali

Larawan mula sa Instagram account ni Pauleen Luna-Sotto

Samantala, maliban sa kanilang 11th anniversary, ay ipinagdiwang din ng mag-asawa ang kaarawan ng kanilang anak na si Tali. Si Tali ay 5 years old na ngayon at ipinagdiwang nila ito sa pamamagitan ng isang party sa mismong garden lang ng bahay nila Bossing at Pauleen nitong November 6.

Ito ay dinaluhan ng mga kapamilya at malalapit na kaibigan nina Pauleen at Vic. Ganoon rin ng mga batang kaibigan ni Tali na mas nagbigay kulay at saya sa kaarawan niya.

Si Pauleen sinabing hindi siya nagkamali na bigyan ng party ang anak sa edad niyang ito. Dahil si Tali sobrang masaya daw at labis na na-appreciate ang naging birthday celebration niya.

“I think yesterday was the best day of her life! She was so happy and really enjoyed every minute of her party! It’s so nice pala to give kids this age a party cos they show appreciation na.

She kept on telling stories about what happened yesterday. Thank you to everyone for making time to make my daughter happy. 🙏🏼❤”

Ito ang naging pahayag ni Pauleen sa naging 5th birthday celebration ni Tali.

 
 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
    A post shared by Marie Pauleen Luna- Sotto (@pauleenlunasotto)

Ilan nga sa makikitang present sa birthday ni Tali ay ang mga naunang anak ni Vic Sotto na sina Oyo Boy at Danica Sotto kasama ang kanilang pamilya. Nandoon rin sina Ryzza Mae Dizon at Baste na nakilala sa programang Eat Bulaga at naging malapit sa anak nila Vic at Pauleen na si Tali.

Sa naging kaarawan ng anak ay may maikling mensahe ring ibinigay si Pauleen kay Tali. Ito ang sabi niya.

“Seeing you happy is priceless, your dad and I will always always be here for you and we’ll guide you the best possible way we can! We are blessed to have a good and Godly child in you, Talitha! Happy birthday my love!”

Samantala, sa darating na November 10 si Pauleen naman ang magdiriwang ng kaniyang 34th birthday.

pauleen luna, at vic sotto kasama ang anak nilang si tali

Larawan mula sa Instagram account ni Pauleen Luna-Sotto

Partner Stories
Hairfall Rescue for Every Mom: Real Benefits, Real Results
Hairfall Rescue for Every Mom: Real Benefits, Real Results
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
Acts of Love Poured into Every Glass
Acts of Love Poured into Every Glass
Building Bonds: How MIRA by RLC Residences Can Bring Families Together
Building Bonds: How MIRA by RLC Residences Can Bring Families Together

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Pauleen Luna sa 11 years nilang relasyon ni Vic Sotto: “Glad we followed our hearts.”
Share:
  • TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

    TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

  • We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

    We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

  • Okay, We Get It—You’re Child-Free. Pero 'Wag Naman Judgy Kay Mommy!

    Okay, We Get It—You’re Child-Free. Pero 'Wag Naman Judgy Kay Mommy!

  • TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

    TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

  • We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

    We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

  • Okay, We Get It—You’re Child-Free. Pero 'Wag Naman Judgy Kay Mommy!

    Okay, We Get It—You’re Child-Free. Pero 'Wag Naman Judgy Kay Mommy!

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko