Pauleen Luna to husband Vic Sotto: “Happiest birthday to my BETTER HALF ?”

Pauleen nagpapasalamat sa Diyos na tulad ng mister na si Vic Sotto ang ibinigay sa kaniya.

Pauleen Luna may sweet na mensahe sa mister na si Vic Sotto sa 70th birthday nito.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Pauleen Luna birthday message to Vic Sotto.
  • Pamilya ni Pauleen Luna at Vic Sotto.

Pauleen Luna birthday message to Vic Sotto

pauleen luna sotto Larawan mula sa Facebook account ni Pauleen Luna-Sotto

Nitong April 28 ay nagdiwang ng kaniyang 70th birthday ang aktor at kilalang komedyante na si Vic Sotto. Isa syempre sa unang mga taong bumati sa kaniyang kaarawan ay walang iba kung hindi ang misis niyang si Pauleen Luna. Sa Instagram ibinahagi ni Pauleen ang sweet niyang birthday message para sa kaniyang mister.

“Happiest birthday to my BETTER HALF ? God couldn't have chosen a better life partner for me because loving you is so easy!”

Ito ang bahagi ng birthday message ni Pauleen para kay Vic.

pauleen luna and vic sotto with kids Larawan mula sa Instagram account ni Pauleen Luna-Sotto

Pagpapatuloy pa ng celebrity mom ay nagpapasalamat siya sa Diyos na siya ay nagbigyan ng mister na tulad ni Vic. Pangako niya pa ay lagi lang siyang nakasuporta sa mister kasama ng dalawa pa nilang anak.

“I thank Him everyday for your life and I thank you for embracing me and my imperfections. Know that you will always have me and our kids in this life ? I love you!”

Ito ang sabi ni Pauleen kay Vic Sotto.

Pamilya ni Pauleen Luna at Vic Sotto

pauleen luna and vic sotto family in the beach Larawan mula sa Instagram account ni Pauleen Luna-Sotto

Samantala, kamakailan lang din ay nag-tatlong buwan na ang bunsong anak nina Vic at Pauleen na si Mochi. At tulad ng inaasahan ay maraming netizens ang tuwang-tuwang sa ka-kyutan nito. Si Pauleen aminadong addicted sa kaniyang bunso. Pero makikita rin na nag-eeffort siya na magkaroon parin sila ng quality time ng panganay niyang si Tali.

Sa mga larawan na ibinabahagi ni Pauleen ay makikita kung gaano sila kasaya sa pagsasama at pamilya nila ni Vic Sotto. Lalo pa’t makikita rin na kasundo ni Pauleen ang mga nauna ng anak ni Vic na halos ka-edaran niya. Ang mga ito laging present sa mga mahahalagang okasyon ng kanilang pamilya.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!