Vic Sotto, ibinahagi sa isang interview kung bakit mas naging health conscious siya ngayon. Pati na rin ang dahilan kung bakit hindi pa mapagbigyan si Tali sa pagkakaroon pa ng isang pang kapatid.
Mababasa sa artikulong ito:
- Tali Sotto, gusto humihiling pa ng kapatid mula kila Vic at Pauleen
- Daddy Vic Sotto, mas naging health conscious
- 4 Tips upang higit na mapatatag ang parent-child relationship
Tali Sotto, gusto humihiling pa ng kapatid mula kila Vic at Pauleen
Anak ng TV host na si Bossing Vic Sotto at aktres na si Pauleen Luna na si Tali, gustong-gusto pa na magkaroon ng younger sister or brother.
Sa isang virtual interview ni Nelson Canlas mula sa Oras, ibinahagi ni Bossing Vic na ipinagdarasal parati ng kaniyang anak na si Tali Sotto ang pagkakaroon pa ng kapatid.
Pagbabahagi ni Vic Sotto,
“The truth, tuwing magdadasal sa gabi ‘yan, parating sabi kay Papa Jesus niya.. ‘Thank you for my dad,’ ‘thank you for my mom,’ ‘can you please give me a baby sister? Or baby brother?’”
Habang nadaragdagan ang edad ni Tali ay tila nadaragdagan din ang kaniyang kakulitan. Sobrang active at energetic kaya naman hindi maiiwasan ang paghahanap niya ng kalaro.
Larawan mula sa Instagram account ni Pauleen Luna
Natutuwang ibinahagi ni bossing sa interview ang kagustuhan ng anak na mabigyan pa ng nababatang kapatid. Subalit, ano nga ba ang pumipigil sa mag-asawang Vic at Pauleen kung bakit hindi mapagbigyan ang anak?
Ayon kay bossing Vic,
“Ang problema, parating katabi namin matulog eh!”
Hindi raw pumapayag ang kanilang baby girl na si Tali na matulog sa gabing nakahiwalay sa kanila. Dahil dito, wala silang pagkakataon na mkapag-solo na mag-asawa.
Kwento pa ni Vic,
“Ang problema ay parating katabi namin matulog. Hindi pa siya natutulog mag-isa, kailangan nasa gitna namin.”
Larawan mula sa Instagram account ni Pauleen Luna
Malambing si Tali sa kaniyang mommy at daddy. Kaya naman twing gabi, kailangan na nakayap siya sa kaniyang mommy Pauleen o kaya naman kay Daddy Vic. Iyong bagay na lamang daw na iyon ang “problema” o hadlang kaya hindi pa nagkakaroon ng baby sister or baby brother si Tali.
“Sabi ko nga, masusundan si Tali kapag matuto na siyang matulog mag-isa.” pabirong sambit pa ni bossing Vic Sotto.
Samantala, inamin naman ng Eat Bulaga host na sinusubukan pa rin nilang mag-asawa na mabigyan ng bunso pang kapatid si Tali. Naghihintay lamang daw sila ng perfect timing mula sa Diyos. Ayon pa sa kaniya,
“We’re trying, alam mo naman in God’s time… alam mo naman si Tali nun, we just waited for God’s timing.”
“Kung hindi naman, okay din naman si Tali, marami din naman siyang pamangkin na mas bata sa kanya. Marami naman siyang kalaro.” dagdag pa ni bossing Vic.
Larawan mula sa Instagram account ni Pauleen Luna
Daddy Vic Sotto, mas naging health conscious
Kumpara noon, mas nagiging conscious na si bossing Vic Sotto sa kaniyang sariling kalusugan. Ito raw ay dahil nais niyang masabayan ang liksi ng kaniyang bunsong anak na si Tali.
“Hindi pwedeng tatamad-tama ka dahil may kalikutan na ‘yong bata,” pagbabahagi ni bossing.
Nasa 4 na taong gulang na ito sa kasalukuyan, kaya naman nasa kasagsagan na rin siya ng kakulitan at pagiging very energetic.
Malapit ang mag-ama sa isa’t isa dahil si Tali nga raw ang sentro ng kasiyahan sa buhay ni Vic Sotto. Dahil nagkaroon ng pandemic, araw-araw silang magkasama sa kanilang tahanan.
Larawan mula sa Instagram account ni Pauleen Luna
Paggising pa lamang daw sa umaga, mayroon na agad silang bonding na mag-ama. Hindi sila nauubusan ng gagawin. Madalas, nakikipaglaro si Vic sa kaniyang anak na si Tali ng habulan at taguan.
Ayon kay Vic Sotto,
“Kailangan may energy ka. Hindi lang sa pisikal, pati sa pagsalita. Dahil parang talo yata si Pauleen nito sa kadaldalan”
Bukod rito, bibo din daw si Tali. Sa kasalukuyan ay agsisimula na silang madiscover ang talento ng bata. Matatagpuan ang ilan sa mga milestone ni Tali sa Instagram ng kaniyang proud na proud mom na si mommy Pauleen.
BASAHIN:
LOOK: Anak ni Vic Sotto at Pauleen Luna na si Tali, nagdiwang ng 4th birthday
Pauleen Luna sa relasyon nila ni Vic Sotto: “A lot of people didn’t want us to succeed”
WATCH: Anak ni Vic at Pauleen, nagpakitang gilas sa pag-identify ng flash cards
4 tips upang higit na mapatatag ang parent-child relationship
- Ipakita ang pagmamahal sa isa’t isa
Mahalaga na maramdaman at madama ng iyong anak ang iyong pagmamahal sa kaniya sa araw-araw. Huwag kang mahiyang ipakita ito sa kaniya, maaaring sa pamamagitan ng hug o pagyakap.
Mahalaga na ang bawat interaksyon sa pagitan ninyo ay ituring mong oportunidad upang mag-build ng connection sa pagitan ninyo. Lagi mo siyang kausapin ng masaya, mayroong eye contact, at ngiti.
- Dalasan ang pagsasabi ng “I love you”
Isa ito sa mga bagay na nakakalimutan gawin ng magulang. Marahil ito ay hindi kasama sa nakasanayan. Subalit ang pagsasabi ng mga salitang ito ay isang paraan upang ipaalala mo sa iyong anak kung gaano mo sila kamahal.
Ang simpleng pagsasabi ng “I love you” ay maaaring magdulot ng malaking impact sa pangmatagalan na relasyon ng magulang sa kaniyang anak.
- Mag-set ng boundaries, rules, at consequences
Habang lumalaki ang mga bata, kinakailangan nilang magkaroon ng guidance sa kanilang paglaki at pagkatuto. Mahalaga na malinaw ang usapan ninyo na iyong anak tungkol sa mga bagay na ito, siguraduhin lamang na ikaw ay kaniyang naiintindihan.
Samantala, kung sila man ay nagkamali o hindi nakasunod sa napag-usapan, siguraduhin maipakita sa kanila ang consequence ng kanilang ginawa na angkop sa kanilang edad.
Nagsisimula ang magandang koneksiyon sa pagitan ng dalawang tao sa pakikinig. Mahalaga na pinapakinggan mo kung anuman ang nais na iparating sa’yo na iyong anak. Siguraduhin din na maiparamdam mo sa kaniya na naiintindihan mo kung ano yung pinagdadaanan niya.
Sa pamamagitan nito, mararamdaman ng iyong anak at mare-reassure siya na mayroon siyang magulang handang tumulong at maaari niyang sandalan sa oras ng pangangailangan.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!