Pauleen Luna-Sotto, ibinahagi ang kaniyang mensahe para sa kanilang ika-6 anniversary ng asawang si Vic Sotto.
Mababasa sa artikulong ito:
- Pauleen Luna at Vic Sotto 6th anniversary
- 6 tips para mapanatiling exciting ang inyong long-term relationship
Pauleen Luna at Vic Sotto 6th anniversary
Isa sa mga hindi malilimutan at kontrobersyal na revelation noong taong 2013 ay ang pag-amin nina Pauleen Luna at Vic Sotto tungkol sa kanilang relasyon.
Iba’t iba ang naging reaksyon ng mga tao ukol sa kanilang naging relasyon. Nito lamang January 30, 2022 ay ibinahagi ni Pauleen Luna sa kaniyang Instagram post ang ika-anim na anibersaryo ng kasal nila ni Vic Sotto.
Ayon sa kaniya,
“6 years ago, I married the man I love the most.”
Dito ay binalikan niya ang unang pagsubok na kinakailangan nilang harapin ilang taon na nakalilipas. Pagbabahagi ng aktres,
“The start of our relationship was very challenging. A lot of people didn’t want us to succeed.”
Hindi umano naging madali ang naging unang bahagi ng kanilang relasyon ni Vic. Ayon sa aktres, maraming tao ang hindi nagtiwala at hindi sumoporta sa kung anuman ang namamagitan sa kanila.
Larawan mula sa Instagram account ni Pauleen Luna
Matatandaan na noong mga panahong iyon, halo-halo ang naging pagtanggap at hindi pagtanggap ng mga tao. Maraming natuwa, ngunit marami rin ang nangutya at humusga.
34 taon age gap o ang pagitan sa edad nina Pauleen Luna at Vic Sotto. Hindi madali dahil tila naging isang kasalanan sa mata ng mga tao ang pakikipagrelasyon sa taong malayo ang edad sa’yo.
Isa lamang ito sa mga bagay na ibinabato sa kanila ng ilang mga mapanghusgang tao sa lipunan. Hindi nagtagal at natutunan din nilang harapin at lampasan ang pagsubok na ito.
Nangibabaw ang pagmamahalan ng dalawa at ‘di nagtagal ay nagbunga rin ito. Si Talitha Maria Sotto ang naging bunga ng pagmamahalan ng dalawa na ngayon ay apat na taong gulang na.
Bukod pa rito, hinayaan na lamang ng aktres na ang Diyos ang kumilos para sa kanilang relasyon na hanggang ngayon ay kaniyang ipinagpapasalamat.
Larawan mula sa Instagram account ni Pauleen Luna
Ayon kay Pauleen,
“So, just like with a lot of things in my life, this part I’ve surrendered to God. And boy He had plans for us!”
Sa mga panahong sila ay lito at hindi alam ang susunod na gagawin, pinili nilang maniwala sa Diyos. Ang kanilang paniniwala at pagtitiwala ang nagpabago ng kanilang sitwasyon at pagsasama.
Samantala, magpahanggang ngayon ay labis na pasasalamat para sa kanilang relasyon ang nangingibabaw.
“God couldn’t have chosen a better husband for me. Every day (every night and random times in the day) I would thank Him that it is you babe.” pagsasalaysay ng aktres.
Araw-araw ay patuloy niyang ipinagpapasalamat pagmamahalan na namamagitan sa kanila ng sikat na aktor at TV host na si Vic.
Dagdag pa ni Pauleen, malaki rin ang naging epekto ng pandemya sa kanilang relasyon. Nakatulong ‘di umano ito upang higit na patunayang sila ang itinadhana para sa isa’t isa.
Larawan mula sa Instagram account ni Pauleen Luna
“Thank you. Thank you for loving me, for letting me be myself, for looking out for me, for giving me a sense of security, for always making me laugh, and most of all, for giving me so much respect.”
Gaya ng paulit-ulit na sinasambit ng aktres, pasasalamat muli. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi para sa Diyos kundi para sa kaniyang asawa.
Dito makikita kung paano bigyang importansiya at pagpapahalaga ni Pauleen ang bawat bagay na ginagawa para sa kaniya ng asawa. Mula sa maliit hanggang malaki ay punong-puno ng pagmamahal at pasasalamat.
Sa huling parte ng post ay binati rin ng aktres ang asawa at sinabing,
“Happy 6th anniversary my love! I LOVE YOU!”
Larawan mula sa Instagram account ni Pauleen Luna
BASAHIN:
LOOK: Anak ni Vic Sotto at Pauleen Luna na si Tali, nagdiwang ng 4th birthday
Pauleen Luna on husband Vic: Never niya akong pinagtaasan ng boses
Pauleen Luna-Sotto: “Once you become a mom, you will do anything and everything to protect your child.”
6 tips para mapanatiling exciting ang inyong long-term relationship
Hindi maitatago ang katotohanan na nagbabago ang nararamdaman ng tao habang lumilipas ang panahon. Hindi permanente ang araw-araw na kilig sa relasyon, ngunit hindi ibig sabihin nito ay nawawala na ang pagmamahal.
Sabi ng marami, sa una lang yung excitement sa relasyon. Sa unang mga araw, unang mga linggo, buwan o taon.
Subalit, may isang pyschologist ang kontra sa ideyang ito. Ayon kay Dr. Lisa Firestone, hindi lamang sa unang parte mararamdaman ang excitement sa relasyon.
Narito ang ilang paraan upang ma-maintain ang excitement sa pangmatagalang relasyon:
1. Siguraduhing mayroong oras upang magkasiyahan nang magkasama
Ang kakayahan ng magkarelasyon na magkaroon ng oras upang magtawanan ay isang senyales na masigla ang kanilang pagsasama.
Mahalagang maranasan ang kagalakan o joy nang magkasama. Nakakatulong ito upang makaiwas sa madramang parte ng relasyon.
2. Maging open sa panibagong experiences
Habang tumatagal sa isang relasyon ay nagkakaroon ng posibilidad na mag-grow ang dalawang tao nang magkahiwalay. Isang salik nito ay ang pagkakaroon ng panibagong experiences na maaring maghatid ng limitasyon mula sa isa’t isa.
Subalit ang pagbibigay ng atensyon at pagpapahalaga sa kung ano ang magpapasaya sa iyong partner ay isang paraan upang mapanatiling masaya ang relasyon.
Mahalaga na pagsaluhan ng magkarelasyon ang ilang activities at mga bagay-bagay sa kanilang buhay.
3. Ipakita ang iyong pagmamahal, huwag pigilan
Higit na nagkakaroon ng kahulugan ang salitang ‘mahal kita’ kung hindi lamang ito sasabihin. Mas mahalaga na ito ay maipakita at maiparamdam sa iayong partner.
Ang paghahawak ng kamay, pagkakaroon ng eye contact, pagyakap ay ilan lamang sa mga simple ngunit epektibong paraan upang maiparamdam ang pagmamahalan. Ito at isang paraan upang maipakita ang pagmamahal at excitement sa relasyon.
4. Huwag kalimutan ang sarili
Ito ang isa sa pinakamalaking threat sa isang relasyon. Hindi ibig sabihin na nagmahal ka ay dapat mo na ring baguhin ang iyong sarili.
Mahalaga na maiparamdam at maipakita sa isa’t isa na binibigyan nitong pagpapahalaga kung ano talaga ang kanilang totoong pagkatao at pagiging magkaiba.
5. Pagkakaroon ng open communication
Sabi nga ng marami ‘communication is the key’ pagdating sa pagkakaroon ng maayos at masayang relasyon.
Upang malampasan ang mga pagsubok, mahalaga na ang bawat isa ay marunong makipag-usap at makinig. Bukod pa rito, importanteng isaalang-alang ang nararamdaman ng iyong partner.
6. Maging generous o mapagbigay
Kasama sa pagiging mapagbigay ay ang pagbibigay sa iyong partner at iyong sarili. Mahalaga ang pagpapakita ng pagpapahalaga sa kung anumang bagay ang ibinibigay sa’yo.
Sa pamamagitan ng pagbibigay, maipaparamdam mo sa iyong partner ang pagmamahal, pag-care, at concern sa isa’t isa.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!