X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Pauleen Luna on husband Vic: Never niya akong pinagtaasan ng boses

5 min read
Pauleen Luna on husband Vic: Never niya akong pinagtaasan ng boses

Ikaw paano mo ipinapakita ang respeto mo sa iyong asawa? Kung wala kang ideya ay narito ang mga maari mong gawin.

Pauleen Luna ibinahagi ang sikreto kung bakit peaceful at happy ang relationship nila ni Vic Sotto sa kabila ng kanilang 34 years na age gap.

Ang sikreto sa masayang relasyon nila Pauleen Luna at Vic Sotto

Nitong Sabado ay naipalabas sa TV5 ang panayam ng veteran journalist na si Luchi Cruz-Valdes sa mag-asawang sina Vic Sotto at Pauleen Luna. Sa panayam ay naitanong si Pauleen kung paano siya nakikipag-deal sa age gap nila ni Vic Sotto. Hindi ito nasagot ng maayos ng actress-TV host. Pero ang tanong pala na ito ay nanatili sa isip ni Pauleen at ninais niyang mabigyan ng sagot. At sa isa sa kaniyang pinaka-latest na Instagram post ay ibinahagi ni Pauleen ang sagot niya rito. Sagot na nahirapan siyang makuha dahil ni minsan daw ay hindi niya naramdaman na may gap sa pagitan ng mga edad nila ng mister na si Vic Sotto.

 
View this post on Instagram
A post shared by Marie Pauleen Luna- Sotto (@pauleenlunasotto) on Sep 17, 2020 at 7:42pm PDT

“A few weeks ago, we were interviewed by Miss @luchicruzvaldes for her show. She asked me “How do you deal with the age gap?” I wasn’t able to give a good answer because i honestly do not feel the “gap” that we have. That afternoon, I thought hard about that question and I came up with an answer, a real answer.”

Ito ang panimulang pahayag ni Pauleen sa kaniyang Instagram post. Dagdag pa niya mahal na mahal daw siya ng asawa na nagbibigay sa kaniya ng confidence at security sa kanilang relasyon. At higit sa lahat ay nirerespeto siya nito.

Respeto sa isa’t isa

“My husband loves me very much and gives me a certain kind of confidence and security about our relationship but i think the thing i love most about him is the amount of respect he gives me. He respects my life decisions. He respects my room to grow and he respects me like an equal.”

Sa katunayan nga raw ni minsan ay hindi niya narinig si Vic na pinagtaasan siya ng boses. Hindi siya itinuring nito na mas bata sa kaniya at laging ipinaparamdam na mahalaga siya. Ang respetong ibinibigay nito ang pinaniniwalaan niyang isa sa mga dahilan kung bakit sa kabila ng agwat sa kanilang edad ay naging madali at masaya ang relasyon nila.

“Never did i hear my husband raise his voice and felt like i was younger and didn’t matter. I always felt validated. I always feel important around him. Respect plays a big role in any relationship. I know deep in my heart that it’s one of the main reasons why this relationship is so easy.”

Ito ang pahayag pa ni Pauleen na maraming netizen at followers niya ang naka-relate.

pauleen luna and vic sotto

Image screenshot from Pauleen Luna’s Instagram account

Pero tulad ng ginagawa ni Vic Sotto sa kaniya, ano pa nga ba ang iba pang paraan upang maiparamdam sa iyong asawa na inirerespeto mo siya. Ayon sa mag-asawang relationship experts na si Linda Bloom at Charlie Bloom, narito ang 25 na paraan.

Mga paraan para maiparamdam sa iyong asawa na nirerespeto mo siya

Makinig ng maayos sa mga sinasabi ng iyong partner o asawa

  • Ipakita na naintindihan mo ang sinasabi niya sa pamamagitan ng pag-aksyon o pagre-react dito.
  • Kung may request ang iyong asawa o partner ay agad na gawin ito at huwag ng magmatigas pa.
  • I-acknowledge, i-appreciate at pasalamatan hindi lang ang ginagawa ng iyong asawa, kung hindi pati narin sa kung sino siya sa ‘yo at sa inyong relasyon.
  • Maging maingat sa mga salitang binibitawan sa iyong asawa. Siguraduhing hindi masasaktan nito ang kaniyang damdamin.
  • Huwag ikukumpara sa iba ang iyong asawa.
  • Panatilihing nasa pagitan ninyo lang dalawa ang mga intimate details sa inyong pagsasama.
  • Mag-adjust kung kinakailangan sa iyong asawa para maiwasan ang conflict sa inyong relasyon.
  • Kung may reklamo o concern, ingatan na mauwi ito sa kritisismo patungkol sa iyong asawa.
  • Iwasan ang mga sarcastic remark sa iyong asawa at maging deretso ngunit dahan-dahan sa iyong sinasabi.
Pauleen Luna on husband Vic: Never niya akong pinagtaasan ng boses

Image from Freepik

Makipag-usap ng deretso sa iyong asawa tungkol sa inyong problema kaysa ibahagi o magreklamo ka sa iba

  • Alisin ang mga gestures mo ng pagkainis sa iyong asawa tulad ng pang-iisnab o pagpapatirik mo ng mata.
  • Tanggalin rin ang mga impatient o irritable tones sa tuwing makikipag-usap sa iyong asawa.
  • Sa oras na makagawa ng pagkakamali ang iyong asawa, sabihin sa kaniyang normal lang ang pagkakamali. Pero dapat niyang gamitin itong dahilan para matuto.
  • I-validate ang mga ginagawa o suggestions ng iyong asawa.
  • Magbigay ng space o room sa mga gusto o style ng asawa mo. Saka ito i-adjust o ipagsama sa mga gusto mo.
  • Iparamdam sa iyong asawa na handa kang makinig sa kaniyang mga opinyon sa lahat ng oras.
  • Suportahan ang mga choices ng iyong partner o asawa.

I-acknowledge ang financial contribution ng iyong asawa o partner sa inyong pamilya, maliit man ito o malaki

Pauleen Luna on husband Vic: Never niya akong pinagtaasan ng boses

Image from Freepik

  • I-acknowledge din ang mga contribution niya sa ibang mga bagay sa inyong pamilya.
  • Kung makagawa ka ng pagkakamali, humingi ka agad ng tawad sa kaniya.
  • Huwag gumawa ng mga bagay na makakasama sa inyong relasyon.
  • Maging mapagpatawad sa iyong partner sa oras na siya ay nakagawa ng pagkakamali.
  • Sabihin sa iyong partner o asawa na proud ka sa kaniya.

Mas mainam ang pagkakaroon ng magandang komunikasyon at isa sa mga susi nito ay pagrespeto niyo sa isa’t isa ng iyong asawa.

Source:

Psychology Today

BASAHIN:

Partner Stories
Vincenzo and sisyphus set to heat up February with thrills suspense
Vincenzo and sisyphus set to heat up February with thrills suspense
Globe FamSURF199: Fast, affordable, and family-friendly internet connection
Globe FamSURF199: Fast, affordable, and family-friendly internet connection
Keep calm and bake on with The Maya Kitchen
Keep calm and bake on with The Maya Kitchen
Brother products win in the 2021 iF Design Awards
Brother products win in the 2021 iF Design Awards

Solenn Heussaff inamin na 8 buwan na silang hindi nagtatalik ni Nico Bolzico

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Mga kilalang tao
  • /
  • Pauleen Luna on husband Vic: Never niya akong pinagtaasan ng boses
Share:
  • A Day in the Life of a Full Time 'Raketera' and Single Mom

    A Day in the Life of a Full Time 'Raketera' and Single Mom

  • Mommy Reyn Found Her Best Business Partner Through Crochet—And It's Her Daughter!

    Mommy Reyn Found Her Best Business Partner Through Crochet—And It's Her Daughter!

  • Behind the 'What Hafen Vella' Meme is a Dad with a Dream

    Behind the 'What Hafen Vella' Meme is a Dad with a Dream

  • A Day in the Life of a Full Time 'Raketera' and Single Mom

    A Day in the Life of a Full Time 'Raketera' and Single Mom

  • Mommy Reyn Found Her Best Business Partner Through Crochet—And It's Her Daughter!

    Mommy Reyn Found Her Best Business Partner Through Crochet—And It's Her Daughter!

  • Behind the 'What Hafen Vella' Meme is a Dad with a Dream

    Behind the 'What Hafen Vella' Meme is a Dad with a Dream

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko