Tali Sotto hindi lang nakakagigil ang kakyutan kung hindi kahanga-hanga rin ang husay at talino sa kaniyang murang edad. Pinatunayan niya ito sa kaniyang galing pagdating sa flashcard reading.
Tali Sotto Flashcard reading skills
Proud na ibinahagi ni Pauleen Luna ang Instagram video ng kaniyang anak na si Tali Sotto habang pinapraktis nito ang kaniyang flashcard reading skills.
Sa edad na 1 ½ taon ay kabisado na ni Tali ang laman ng flash card sets bagamat hindi niya pa nasasambit ng maayos ang ibang salita.
View this post on Instagram
Paghanga ng mga netizens
Ganunpaman, ay na-amaze at hinangaan ng mga netizens pati narin mga celebrities ang galing ni Tali na pinuri rin ang kaniyang ina na si Pauleen.
marieltpadilla
Good job baby!!! And good job mommy 👏🏼👏🏼👏🏼
angelikadelacruz
👏🏻👏🏻 Very good si mommy @pauleenlunasotto and si baby Tali 😍💜
lovelyabella_
Galing ng baby girl 👏👏👏
May isang netizen pa nga ang napatanong kung paano tinuruan ni Pauleen si Tali sa flash cards at kailan niya ito sinimulang pag-aralan.
mattett08
Hello po ma pauline.. just want to know if how did you teach tali about the flashcards? What age po siya nag start? Very smart girl❤️
Very friendly and proud naman itong sinagot ni Pauleen.
pauleenlunasotto
@mattett08 as early as possible. You’ll get surprised that they’re absorbing it pala. At first parang wala lang but then eventually, ma-memorize nya lahat 👍🏻
Matatandaang nito lamang nakaraang buwan ay may isang netizen ang nagtanong kay Pauleen kung bakit hindi pa nakakakumpleto ng salita si Tali. Maayos naman itong sinagot ng aktres na hindi nag-alala para sa anak. Dahil ayon sa kaniya ay hindi naman daw dapat madaliin ang anak. Pero proud niya ring sinabi na sa murang edad ay alam na daw ni Tali ang halos lahat ng letters sa alphabet at kaya narin nitong magbilang ng 1-13. Dagdag pa ang kaniyang skills sa flashcards na pinatunayan niya ngayon.
Pero paano nga ba ang effective na paraan ng pagtuturo ng flashcards sa inyong anak? Narito ang ilang tips at paraan.
Paano pag-aralan ang flashcards
Ang unang step para epektibong maituro ang flashcards sa mga bata ay sa tamang paraan at environment. Ang ilan pang dapat gawin at tandaan ay ang sumusunod:
1. Maupo ng nakaharap sa iyong anak.
2. I-arrange ang flashcards sa order na gusto mong i-present ito sa iyong anak. Kung letters baa ng mauuna, colors o numbers.
3. Hawakan ang unang card para makita ito ng maayos ng iyong anak at ingatang hindi niya makikita ang iba pang flashcards para hindi siya ma-distract.
4. Kung kinakailangan ay basahin muna kung ano ang nasa flashcard para malaman ng iyong anak. Kung siya ay tatanungin magbilang ng isa hanggang tatlo sa iyong isipan para mabigyan siya ng oras para ito ay sagutin.
5. Ihiwalay ang flashcard na masasagot niya ng tama mula sa mga hindi o mali ang kaniyang sagot.
6. Kapag ubos na ang flashcard ay balikang muli ang mga hindi at mali niyang nasagot para kaniya itong maitama.
7. Kung mamaster na ng iyong anak ang pagbabasa ng flashcards ay ipagpatuloy o i-review parin ang pagbabasa sa kaniya para kaniya itong matandaan at hindi makalimutan.
Tips sa pag-aaral ng flash cards
- Tandaang dapat ay maging fun o masaya ang pag-aaral ng flashcard ng iyong anak.
- Magkaroon ng activity breaks mula sa pagbabasa ng flashcards.
- Bigyan ng healthy snack ang iyong anak para magkaroon siya ng dagdag energy sa pag-aaral.
- Sa bawat mataas o perfect flashcard reading score ay i-reward ang anak ng kaniyang favorite physical activity.
- I-motivate din siya sa pamamagitan ng pagbibigay ng hugs at cheers sa kaniyang job well done.
Source: GMA News, Very Well Family
Basahin: Pauleen Luna, hindi nababahala na hindi pa nakakapagsalita si 18-month old Baby Tali
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!