Kamakailan lang ay sumagot si Pauleen Luna sa isang netizen na nagtanong kung bakit raw hindi pa nagsasalita si Baby Tali. Ayon kay Pauleen Luna and Vic Sotto, wala naman raw silang nakikitang problema sa speech development ng anak.
Pauleen Luna and Vic Sotto, proud daw kay Baby Tali
Sa ngayon, 18 months na si Baby Tali, at dahil dito, nagpost ang isang netizen sa Instagram ni Pauleen at tinanong kung bakit hindi pa raw nagsasalita si Tali.
Heto naman ang naging sagot ng aktres: “Wala namang metro na naghihintay, let her take her time.
“And besides, this little baby knows most of the letters in the alphabet, can count 1-13 and can identify with animal names and sounds.
“We are so proud of whatever she can do at this age. Relax ka lang,” aniya.
At tama nga naman, walang dapat ipag-alala ang mag-asawa pagdating sa development ng kanilang anak. Ito ay dahil may kaniya-kaniyang pace ang mga baby kung kailan sila nagsisimulang magsalita.
Hindi rin naman dito nasusukat ang talino ng isang bata, dahil maraming factors ang inaalam pagdating sa development.
Kailan nga ba nagsisimulang magsalita ang mga baby?
Madalas ay sa loob ng 6 months ay sinusubukan nang magsalita ni baby. Madalas ay mga babble lamang ito, at hindi pa gaanong naiintindihan, pero mabuti itong senyales para kay baby.
Ngunit posible rin naman na mas late pa magsimulang magsalita ang iyong anak. Ito ay dahil iba-iba ang pace ng development ng mga bata. Posible rin na mahiyain lang si baby, at hindi pa siya nagkakaroon ng confidence na magsalita.
Ang mahalaga ay i-encourage ng mga magulang na magsalita ang kanilang anak, at magagawa ito sa pamamagitan ng mga sumusunod na tips:
- Magbasa ng mga storybooks sa iyong anak upang mapukaw ang kanilang imahinasyon, at ma-encourage silang magsalita.
- Kausapin palagi ang iyong anak para masanay sila sa pag-uusap
- Turuan sila ng mga bagong salita, at kausapin sa kanila gamit ito
- Iwasan ang TV sa hapag-kainan. Sa halip, mas magandang maglaan ng oras para mag-usap ang pamilya
- Sa halip na mga laruan, bilhan ng mga libro ang iyong anak
- Maglaan ng oras sa pagbabasa upang mahalin ng iyong anak ang pagbabasa
- Iwasan ang baby talk, dahil posibleng makasama ito sa development ng iyong anak
Source: GMA Network
Basahin: Baby talk, cries, at movement: Isang gabay para maintindihan ang gustong sabihin ni baby
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!