Pauleen Sotto masayang ibinahagi ang first day of school ng anak niyang si Tali. Celebrity mom nag-share rin sa nararamdaman sa bagong chapter na ito ng buhay ng kaniyang anak.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Pauleen Sotto sa first day of school ng anak niyang si Tali.
- Pag-amin ni Pauleen mas excited pa siya sa anak na si Tali.
- Paano i-handle ang separation anxiety ng iyong anak?
Pauleen Sotto sa first day of school ng anak niyang si Tali
Nagsimula ng pumasok sa big school ang anak nina Vic at Pauleen Sotto na si Tali. Ang masayang balitang ito ay ibinahagi ni Pauleen sa kaniyang Instagram account. Si Tali makikitang very happy rin sa kaniyang school uniform habang nakangiting nag-aantay sa pagsisimula ng klase sa loob ng kaniyang room. Siya ngayon ay grade 1 na.
Pagbabahagi ni Pauleen, mixed emotions siya sa pagsisimula ng anak sa grade school. Pero magkaano pa man, silang dalawa ng mister na si Vic ay lagi lang nakasuporta at gagabay sa kanilang panganay na anak.
“Tali’s 1st day of big school. I can’t believe you’re now grade 1 my love… so excited for you to make new memories, new friends and hit more milestones! Mommy and daddy will always be here to cheer you on! We love you!”
Ito ang mensahe ni Pauleen sa anak na si Tali sa first day of school nito.
Pag-amin ni Pauleen mas excited pa siya sa anak na si Tali
Larawan mula sa Facebook
May nakakatuwa ring pag-amin si Pauleen sa first day ng anak niyang si Tali sa grade school. Ito ay ang katotohanan na marami sa ating mommies for sure ang makakarelate na mas excited pa siya kaysa sa anak.
“I honestly think the parents were more excited than the student 🤣.”
Ito ang sabi pa ni Pauleen Sotto tungkol sa first day of school ng anak.
Paano i-handle ang separation anxiety ng iyong anak?
Larawan mula sa Facebook
Sa post ni Pauleen at sa masayang mukha ni Tali ay makikitang hindi sila nahirapang iwan ito sa school. Ito ay isang challenge na marami sa ating mga magulang ay nararanasan sa tuwing nagbubukas ang klase. Partikular na sa mga maliliit na bata na papasok palang sa kinder o grade school na mag-iiyak kung bigla nating iiwan. Pero paano nga ba haharapin o ihahandle ang separation anxiety sa iyong anak? Narito ang maarin mong gawin.
Mahalaga ang timing.
Mabuting sa batang edad ay masanay na ang iyong anak na nawawala ka o umaalis sa kaniyang tabi. Simulan ito sa oras na siya ay mag-isang taong gulang na. Siguraduhin rin na sa tuwing aalis ka, ang iyong anak ay hindi pagod, gutom o masama ang pakiramdam.
Unti-unting ipakilala sa iyong anak ang ibang tao o lugar.
Bago tuluyang iwan ang iyong anak ay mabuting hayaan muna siyang mag-adjust o mag-familiarize sa kaniyang paligid. Ipakilala siya sa kaniyang mga kaklase at hayaan silang makapaglagayan muna ng loob bago tuluyang iwanan siya.
Maging kalmado.
Mas mabuti rin na manatiling kalmado sa oras na iiwan ang iyong anak. Ito ay para maiparamdam sa kaniya na wala siyang dapat ipag-alala at magiging maayos din ang lahat kahit wala ka sa tabi niya.
Siguraduhing tutuparin mo ang pangako mo sa iyong anak at maging consistent dito.
Tayong magulang mahilig mangako sa ating anak para magawa natin ang ating gusto o para makaalis at hindi siya maghabol. Siguraduhin mong matutupad mo ang ipinangako mo sa kaniya. Maging consistent ka rin sa mga salitang iiwan sa kaniya. Kung sinabi mong susunduin mo siya ay gawin ito. Ito ay para mas magtiwala siya sa mga sinasabi mo at maging mas palagay pa ang kaniyang loob.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!