Hindi maikakailang narito na nga ang simoy ng pasko sa paligid. Sa pagpasok pa lamang sa mga malls at grocery stores, maririnig mo na pinapatugtog muli ang mga walang kupas ng kanta nina Jose Mari Chan at Mariah Carey. Ngayong, nalalapit nanaman ang pasko, uulit din ba ang mga dessert na hinain mo noong nakaraang taon?
Ang hindi mawawala sa paskong pinoy ay ang mga pagkaing hinahain sa Noche Buena. Siguradong susugurin ang mga grocery stores upang makabili ng pang-spaghetti, hamong pampasko at ang inaabangang lumpiang shanghai sa bawat handan. Syempre, sa bawat handaan, hindi mawawala ang dessert! Mga Pinoy pa ba? Iilan sa mga pinakasikat na dessert tuwing pasko ay ang mango graham cake, fruit salad at Ube halaya. Nakaugalian na nga ng mga Pilipinong ihain ang mga dessert na ito ngunit for sure mga, mommies at daddies, mas maeenjoy ng buong pamilya ang bonding ngayong pasko kung sasamahan mo ng kakaibang panghimagas na siguradong pag-uusapan hanggang sa susunod na pasko!
Narito ang ilan sa mga super yummy and super swak sa budget na recipes na pwede mong i-try ngayong pasko.
-
No-bake Cheesecake
Walang oven sa bahay? Walang problema! Ang kailangan mo lamang ay itong mga simple at murang ingredients na mabibili sa inyong local sari-sari at grocery stores!
Tip: Maaari mo ring lagyan ng iba’t ibang toppings kagaya ng blueberry jam, rainbow sprinkles, o crushed oreos!
-
Coffee Jelly
Na-try nyo na bang gawing dessert pang-Noche Buena ang coffee jelly? Para sa mga coffee-addicts ng pamilya, ito na ang bagong paborito niyo tuwing pasko! Ito ang iyong mga kailangan para makagawa ng inyong iconic coffee jelly.
-
Selecta Limited-edition Christmas Collection
Paano naman kung walang time magprepare? Huwag mabahala, mga mommies at daddies! Ngayong pasko, may yummy Christmas treat na handog ang Selecta na siguradong maeenjoy ng buong pamilya. Kahit hindi pa pasko, siguradong feeling mo Noche Buena gabi-gabi!
Chocolate Toffee Crunch for the sweet tooth!
Sino nga bang makakatanggi sa perfect combination ng chocolate at caramel sa bagong Chocolate Toffee Crunch? Siguradong mas enjoy ang bonding ng buong pamilya kapag may Selecta ice cream na
kasama!
Ube Langka Cheesecake for the old soul
Iba talaga ang sarap ng pagkaing pinoy! Kaya naman para sa christmas edition na handog ng Selecta, mas pina-creamy pa ang iconic pinoy combination na ube at langka na talagang hahanap-hanapin hindi
lang nila lolo’t lola, pati na ng mga chikitings!
Matcha Cookies and Cream for the #MatchaLovers
Dinala ng Selecta ang flavors from Japan! Sa limited Christmas edition ng Selecta, mas ginawang exciting ang matcha dahil hinaluan ito ng sarap ng cookies and cream na talaga namang perfect for every bonding moments!
Available lamang ito ngayong Christmas season! Kaya’t ano pang hinihintay ninyo? Sugod na sa nearest grocery at bumili na ng Selecta Ice Cream Christmas Limited Edition flavors! For more details, check out Selecta’s Facebook page at https://www.facebook.com/selectaphilippines/.
Talagang #sarapmagbonding with Selecta ice cream!
Also read: How to make your own breast milk ice cream