Paulo Avelino inamin na minsan na siya ay nagtangkang magpakamatay noong nasa kalagitnaan siya ng kaniyang depresyon.
Warning graphic content post
Kamakailan lamang, ika-5 ng Nobyembre, Martes, nag-post si Paulo Avelino sa kaniyang Instagram ng babala patungkol sa kaniyang graphic content post.
Paunang sambit nga niya sa kaniyang caption, “Warning graphic content, content that can trigger those who suffer from depression and other mental illnesses.”
“RARELY do I share personal stuff on my social media accounts but I think its time I talked about this dark period in my life because I know that someone out there is going through the same thing,” aniya pa ni Paulo.
“I want you to know that everybody has issues and sometimes you seeing other people have them will help you cope with your own,” pagbabahagi pa niya.
Na-share nga rin ni Paulo na dati raw ay wala siyang makitang paraan upang makawala kung nasaan man siya noon at iisa lamang ang paraan upang makawala nga rito.
“Spiraling journey” nga raw di-umano ang kaniyang journey ng depresyon at mga suicidal thoughts, kung saan kahit ano man ay wala ng halaga.
Pagku-kuwento nga niya, “Locked myself at home, turned down almost every job that came in and shut myself off from work, friends, family, the world.”
“I am introvert. And as an introverted person I was so used to keeping my thoughts to myself. Even when I wanted to share stuff, I truly didn’t know how to,” pagpapatuloy pa niya.
Dagdag pa ni Paulo, “I didn’t know how to voice out all these feelings and thoughts inside me. So here I am sharing with you guys that even the people who appear to be okay or who seem to “have it all” might be going through their own struggles, fighting their own demons.”
Paalala pa ni Paulo sa mga may depresyon, “Please, don’t be afraid to reach out to your friends, family, and loved ones. Often times people will brush it off thinking it’s nothing to be concerned about or it’s a small matter. Don’t be scared to voice out what you feel no matter how hard it is. Never lose HOPE.”
“If you aren’t ready to open up to the people closest to you, you can also reach out and call hopeline,” pagbabahagi pa niya.
Sintomas na suicidal na ang isang tao
Photo by Sydney Sims on Unsplash
Ang mga suicidal thoughts ni Paulo Avelino ay karaniwang nararanasan ng mga taong may depresyon. Akala ng iba na nasa isip lang ito at kayang labanan ng gano’n lang, kung iwawaglit mo sa isip ang pagpapakamatay.
Base sa aking experience, hindi ito biglaang nasa isip mo lang at mawawaglit lang ng ganun lang din kabilis.
Ang suicidal thoughts ay isang reaksyon ng isang taong punung-puno na sa kaniyang buhay, in short pagod na ito sa mga nangyayari sa kaniyang sarili kung kaya’t ang pagpapakamatay lamang ang naiisip nitong paraan upang makawala sa mundo niyang puno ng pagkalugmok.
Marahil wala ng ibang paraan upang masolusyunan ang iyong problema kundi ang pagpapakamatay na lamang, pero marahil ding may ibang makatulong sa iyo na maresolbahan ang pag-iisip ng ganito.
Dito nga sa Pilipinas noong taong 2016, ang Department of Health o DOH ay opisyal na binuksan ang “Hopeline Project,” kung saan ang layunin nito ay maiwasan ang mga pagpapakamatay sa ating bansa.
Ang “Hopeline” ay isang phone-based counseling service na available 24/7 sa mga indibidwal na dumaranas sa isang krisis na sitwasyon at mga taong mayroong depresyon.
Photo by Cherry Laithang on Unsplash
Ito ang mga ilang sintomas ng isang suicidal na tao:
- Nagku-kuwento o nagsasalita na gusto na niyang magpakamatay
- Gumagawa ng paraan upang makabili o makakuha ng mga parapernalya para sa pagpapakamatay tulad ng baril o pills
- Hindi na masyado nakikipag-usap sa mga tao o kaibigan
- Sobra-sobrang mood swings
- Pre-occupied sa mga marahas na sitwasyon o death
- Paglalasing o pagda-drugs
- Biglang nawawalan ng pag-asa sa buhay
- Pagbabago ng mga routine, katulad sa pagkain at pagtulog o di kaya naman pagpunta sa trabaho o pakikisalamuha sa mga tao
- Biglang nagpapaalam sa mga tao
Sa mga nais na kumontak sa HOPELINE, narito ang kanilang numbers: 804-HOPE (4673); 0917-558-HOPE (4673)
Source: Paulo Avelino
Main photo courtesy of ABS-CBN
Basahin: Depresyon: Mga sintomas, sanhi, at paraan upang matulungan ang kabataang dumaranas nito
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!