PayMaya vs. GCash: Ano ang best para sayo?

Nagbabalak gumamit ng E-wallets sa iyong mga money transactions? Narito ang dalawa sa mga nangungunang E-wallets ngayon sa bansa na maari mong pagpilian. Pati na ang mga features nila na dapat mong i-kunsidera.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

PayMaya GCash E Wallet, ano nga ba sa dalawang mobile wallet na ito ang the best para sayo?

PayMaya GCash E Wallet

Malamang ay minsan mo ng narinig ang pangalan ng dalawang mobile app na ito. Ito sa ngayon ang dalawa sa mga mobile app na nagpapadali ng buhay ng mga Pilipino. Lalo na pagdating sa pagpapadala ng pera, pagbabayad ng bills, pag-shoshopping at iba pa. Ngayon panigurado ang tanong mo ay kung paano sila gagamitjn ng wasto. At syempre kung paano ka makaka-sigurado lalo na’t ang mga apps na ito ay may kaugnayan sa paggamit ng funds mo.

Image from Freepik

Paano magagamit ang GCash at PayMaya E wallet

Ang PayMaya GCash E Wallet ay maaring gamitin ng kahit sinong may Android o IOS powered phone. Mapa-kahit anumang network basta may active mobile number na mahalaga sa paggawa ng account sa dalawang E-wallet na ito. Sa madaling sabi karamihan sa mga Pilipino ngayon ay may kakayahang gumamit nito. Una lang kailangang gawin ay i-download ang mobile app nito sa App Store para sa iOS. At Play Store para sa mga Android phone users.

Sa ngayon, ayon sa SimilarWeb, para sa mga iOS users ay nangungunang ginagamit ang GCash. Habang pumapangalawa sa pwesto ang PayMaya.

Para sa mga Android phone users naman ay nangunguna parin ang GCash. Habang nasa pang-apat na puwesto naman ang PayMaya.

Kung ikukumpara naman ang dami ng gumagamit ng dalawang mobile wallets ay nangunguna din ang GCash na may 20,000 users ayon sa kanilang customer data nitong 2019. Habang may higit 8,000 users naman ang PayMaya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paano mag-signup sa GCash at PayMaya

Parehong madaling gumawa ng account sa dalawang E wallet. Ang kailangan mo lang ay i-register ang iyong mobile number para masimulan ito.

Sa ngayon para sa GCash ay may apat na paraan kang maaring subukan sa pagsa-signup. Una ay sa pamamagitan ng GCash app sa iyong cellphone. Puwede rin gamit ang GCash website, ang *143# option sa Globe at TM subscribers. Pati na sa pamamagitan ng iyong Messenger account sa Facebook.

Samantala ang pag-reregister naman sa PayMaya ay magagawa lang sa isang paraan. Ito ay sa pamamagitan ng PayMaya app sa iyong mobile phone.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Security ng paggamit ng PayMaya at GCash Wallet

Sa pag-reregister sa PayMaya at GCash ay kailangan mong mag-setup ng password sa iyong account. Ito ang kailangan mong i-input sa tuwing bubuksan mo ang app o kaya naman ay gagawa ka ng transactions gamit ito.

Para sa GCash ay may 4-digit pin kang kailangang gawin at tandaan. Habang para sa PayMaya naman ay maari kang maglagay ng mas mahabang password para sa security ng iyong account.

Image from Unsplash

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Saan puwede gamitin ang PayMaya at GCash Wallet

Kapag successfully registered ka na sa PayMaya GCash wallet ay maari ka ng magsimulang gamitin ito.

Puwede mo na itong gamitin sa mga financial transactions mo. Tulad ng pagsesend at receive ng pera. Pagbabayad ng bills at pati ang pagshoshopping. Puwede ka ring mag-book ng flights gamit ang dalawang app. Pati na ang mag-load sa iyong mobile phone.

Ang kaibahan lang ng dalawa ay mas maraming features at functionalities ang GCash App. Dahil sa tulong nito ay maari kang mag-request ng pera sa kahit sinong nasa GCash list mo. Puwede ka ring mag-borrow ng load gamit ang app. At mayroon itong GCredit na may tulad ng functions ng credit card na kung saan puwede kang mangutang para mag-bayad ng bills o mag-shopping na mayroong interes.

Mayroon din itong GSave na kung saan puwede kang mag-save ng pera ng tulad sa mga bank accounts. At mag-invest sa money market gamit ang iyong GCash funds.

Ang isang bagay lang na wala pa sa GCash sa ngayon ay ang feature ng PayMaya na kung saan ang isang user ay maaring bumili ng e-vouchers sa mga merchants nito. At saka i-send ito bilang regalo o treat sa iba pang PayMaya users.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paano malalagyan ng funds ang iyong PayMaya at GCash wallet

Syempre upang magamit ang dalawang mobile app ay kailangan mo muna itong lagyan ng funds o balance. Magagawa ito sa pamamagitan ng iba’t-ibang paraan.

Una ay sa pamamagitan ng pagloload sa mga convenience stores tulad ng 7-Eleven. Puwede ring lagyan ito ng funds sa tulong ng mga remittance centers tulad ng Smart Padala, Globe Access, MoneyGramm at Western Union. Ganoon din sa mga payment centers tulad ng Bayad Center. At sa mga online-ATM banking channels o payment machines na TouchPay, eTap at Pay&Go.

Ang tanging option lang sa ngayon na wala pa sa PayMaya pagdating sa funding ng E-wallet na ito ay sa pamamagitan ng debit card na maaring gawin sa GCash app.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Unsplash

Paggamit ng PayMaya at GCash wallet

Pagdating sa paggamit ng dalawang E-wallet ay halos pareho ang features nito. Maari silang gamitin pambayad ng bills. Bagamat ang PayMaya ay limitado lang sa 20 billers tulad ng Manila Water,SSS, Meralco, HomeCredit, PAG-IBIG contributions at Smart at Globe Postpaid. Habang ang GCash naman ay may mas maraming partner billers na nasa higit 240 kabilang na ang mga nabanggit.

Pagdating sa partner merchants na kung saan maaring gamitin ang dalawang E-wallet ay nangunguna parin ang GCash. Dahil sa ito ay mayroong higit sa 50,000 QR payment partners. Habang ang PayMaya ay mayroon lang sa higit na 8,500 merchant partners sa ngayon.

Para magamit ang dalawang E-wallets para sa pagbabayad ng bills at pagbili sa mga partner merchants ay siguraduhin lang na may balance o funds ito pareho. Mahalaga rin na dapat alam mo ang account details ng biller na babayaram mo. Ito ay para masiguradong tama at sa nararapat na biller mapupunta ang bayad mo.

Ang GCash at PayMaya ay pareho ring mayroong virtual prepaid card na maari mong gamitin sa pareho ring features ng E-wallet nito.

Sa kabuuan ang GCash at PayMaya ay malaking tulong upang mapadali ang mga money transactions ng mga Pilipino. Pero tandaan na ang mga impormasyon nakalagay rito ay gabay lamang. Upang mas magkaroon ng malawak na kaalaman tungkol sa dalawang E-wallets ay mabuting magpunta sa kanilang website. O kaya naman ay subukan ng gamitin ang app sa ngayon upang malamam mo kung ano pa ang maitutulong nito sayo.

 

SOURCES: GCash, PayMaya, MoneyMax PH

BASAHIN: Shopping online? Protect yourself with these simple tips!