Payo ng DOH sa mga paaralan: Huwag munang magsagawa ng sports activities, field trip!

Payo ng DOH na kanselahin muna ang mga field trip at sports activities sa mga paaralan na nasa lugar na mataas ang heat index.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Payo ng Department of Health sa education stakeholders na dapat kanselahin ang mga field trip at iba pang outdoor activities ng mga estudyanteng nag-aaral sa mga lugar na may mataas na heat index o ‘yong mga nasa ilalim ng extreme danger category.

Outdoor activities iwasan muna dahil sa mataas na heat index –DOH 

Highly recommended umano na magkaroon ng modality shift sa mga school at pati na rin sa mga workplace na mataas ang heat index o damang init.

Larawan mula sa Shutterstock

Ang modality shift ay tumutukoy sa mga alternatibong paraan upang matuto ang mga mag-aaral at makapagtrabaho ang mga employee nang di na kailangang pumunta ng pisikal sa school o workplace.

Ayon sa department circular, sinabi ng DOH na kapag ang area ay nasa ilalim ng extreme danger category, ibig sabihin, nakararanas ang lugar ng heat index na aabot o lalampas ng 52 degrees celcius.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa ganitong pagkakataon umano dapat na kanselahin ang ano mang organized outdoor o physically intensive activity. Tulad ng field trip at sports activities.

Larawan mula sa Shutterstock

Samantala, para naman sa mga lugar na nasa ilalim ng danger category. O ‘yong ang heat index ay pumapalo ng 42 hanggang 51 degrees celcius. Payo ng DOH na ang mga activities na nabanggit ay dapat na ipagbawal. Kung ang indibidwal ay may mataas na risk na magkaroon ng heat illness. Kabilang na rito ang mga vulnerable workers at mga matatanda.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kung nasa ilalim naman ng extreme caution. O ang heat index ay 33 hanggang 41 degrees Celcius. Nirerekomenda pa rin ang pag-reschedule ng activities. Dapat ding dagdagan ang rest periods at hydration breaks.

Larawan mula sa Shutterstock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pwede naman daw ang mga activity na ito sa mga area na nasa ilalim ng caution category. O ‘yong mga lugar na may heat index na 27 hanggang 32 degrees Celcius. Pero tiyaking namo-monitor ang mga participant. At bantayan ang ano mang senyales ng heat-related illnesses.

“Exposure to high heat and extreme temperatures can lead to heat-related illnesses, symptoms of which include dehydration and electrolyte imbalance, diarrhea and digestion disorders, infections, asthma and wheezing and other injuries,” saad ng DOH.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Jobelle Macayan