Sa panahong ito, sadyang napakahirap pagtibayin ang relasyon ng mag-asawa. Napakarami kasing tukso at pagsubok kaya’t kailangan ng higit pang pagpupursigi para mas tumagal ang pagsasama. Sino ba naman ang ayaw magtagal ang kanilang “married life”, hindi ba? At pagdating sa matagalang pagsasama, si Lolo at Lola ang makakapagbigay ng mga payo at aral dahil napagdaanan na nila ang lahat, at nalagpasan na ang maraming pagsubok sa pagdaan ng taon. Ano nga ba ang mga payo ni lola at lolo para sa mga mag-asawa ngayon?
Napapanahong Payo para sa Mag-asawa
-
“Ang pag-aasawa ay hindi katulad ng mainit na kanin na kapag isinubo mo at napaso ka ay pwede mong iluwa.”
Ang pag-aasawa ay isang lifelong commitment, at walang dahilan para masira ang commitment na ito. Ang goal ay para tuparin ang sinumpaang pagmamahalan nung ikasal kayo, na aalagaan at mamahalin ang isa’t isa sa hirap at ginhawa, “in sickness and in health, for richer or poorer.” Hanggang kamatayan, hindi ba?
Pangalagahan ang pangakong ito at gawin ang lahat para mapanatili ang pagmamahalan hanggang sa huli. Anuman ang mangyari, dapat mapanatili ang pagmamahalan, panghabambuhay. May forever pa rin, kung gugustuhin at paghihirapang mapanatiling buo ang pagsasama.
-
“Ang pag-ibig at tiwala ay parang isang pares ng tsinelas, walang kuwenta ang isa kung di kasama yung isa.”
Ang sikreto ng masaya at pagsasamang puno ng pagmamahal ay ang pakikinig sa isa’t isa, at mabuting pakikitungo, at pagbibigay ng respeto sa kabiyak at sa pangangailangan niya. Gawing priority ang asawa, at mas magiging maayos ang samahan.
Tandaan na ang asawa mo ang best friend mo—ang no.1 fan at pinakamahalagang supporter mo!
-
“Pag may hirap, may ginhawa.”
Ang buhay may asawa ay hindi laging masaya. Hindi ito “happy ever after”. Maraming magiging pagsubok, maraming magiging hirap, at maraming magiging pagsubok sa pagmamahalan at loyalty ninyong mag-asawa. Ang payo ni lola? Kapag magkasamang haharapin ang mga problema, mas magiging matatag ang samahan. May mga bagong kasal nga na konting problema lang e divorce na agad ang solusyon.
Tama ba yun?
Sa Pilipinas, ang sakramento ng kasal ay sagrado, at ang divorce ay hindi man lamang naiisip. Bagamat sa ibang bansa, e legal na ito.
Para sa mga matatanda, ang commitment ay nangangailangan ng disiplina, at isang proseso na mas nagiging matibay kung ginagawa na nang matagal. Huwag daw sumuko agad. Mag-isip ng milyong beses at pag-aralan ang sitwasyon bago sabihing wala na talagang magagawa pa.
-
“Pag may tiyaga, may nilaga.”
Di ba’t fruits of labor ang tawag? Kailangan kasi ng masigasig na trabaho at pagtitiyaga para maabot ang “relationship goals” sa isang pagsasama. Kung ikaw at ang asawa mo ay matiyagang kinikilala ang isa’t isa, nagmamahal, nagpapatawad, at nagpapasensiya, at ginagawa ang lahat para sa inyong relasyon at pamilya, matatamasa niyo din ang saya at bunga ng inyong pagod at sakripisyo.
Ito na marahil ang isa sa pinakamahalagang relationship advice mula sa mga nakatatanda. Kailangang magtiwala sa proseso, dahil ang mga pagsubok ay patuloy lang. Hindi madali ang pag-aasawa, at dapat maging handa sa pinakamahirap na problema sa simula pa lang.
-
“Matibay ang walis palibhasa’y magkabigkis.”
Parang sa bansa din—kapag hindi nagkakaisa, hindi magtatagumpay. Kapag sama-sama, mas magiging matibay at makakayang lagpasan ang lahat ng problema. Bilang mag-asawa, dapat ay suportado ninyo ang isa’t isa, anuman ang mangyari.
Ang payo ni lola at lolo: teamwork ang kailangan sa isang pagsasama. Dalawa kayo, magkahawak, magkasama, para makayanan ang pinakamahirap na problema.
-
“Ang ‘di marunong mag-ipon walang hinayang magtapon.”
Pera ang pinakapangit na pag-awayan ng mag-asawa. Mag-ipon at pahalagahan ang kinikita at pinaghihirapan ng asawa at ng sarili, para sa kinabukasan ng pamilya. Hindi lang puro romance at pag-ibig ang pinapagtrabahuhan. Respeto at pagpapahalaga sa commitment na magkatulong kayong mag-aalaga sa pamilya ang susi sa pangmatagalang samahan. Dapat mag-aral ng tamang pagba-budget para walang pag-awayan. Iwasan din na mag-away o magkasakitan ng damdamin dahil lang sa pera. Mahalaga ang may pera, pero hindi sapat na dahilan ito para saktan ang damdamin ng kabiyak, o masira ang inyong pagtitinginan.
-
“Bago ka bumati ng sa ibang uling, uling mo muna ang iyong pahirin. “
Hindi lahat ng plano ninyo ay mangyayari o magaganap. Maraming sorpresa ang naghihintay sa inyong pagsasamahan—at hindi lahat ay nakagagalak. Habang may new experiences, may bagong problema din. Sa bawat bagong natututunan, may mga bagong madidiskubre tungkol sa isa’t isa at sa buhay na rin.
At dahil hindi kayo perpekto, madaling mapansin ang pagkakamali at mga negatibong aspeto ng kabiyak. Kaya naman dapat na mag-practice na bigyan ng atensiyon ang mga positibong aspeto ng inyong samahan, at indibidwal na katangian. Maging mapagmahal at sensitibo sa pagbibigay ng crticism at puna, at maging bukas din sa feedback ng iyong asawa.
Tandaan, pareho kayong nagbibigay ng lahat ng kaya para sa pamilya at sa isa’t isa.
Sadyang may kagandahan at kaligayahan kapag kasama mo ang pinakamamahal mo. Siya ang kilala at katuwang mo sa loob ng 25, 50, o 70 taon. Para patuloy na maging masaya ang journey at adventure ninyo, kailangang maibigay ang walang kapantay na respeto at suporta sa isa’t isa.
Ang reward? May peace of mind, security, kaligayahan at fulfillment, na siyang tinamasa ng ating mga lolo at lola sa mahaba nilang pagsasamahan. Sila ang nagpapatunay na ang pag-aasawa ay panghabambuhay, at binubuo ng saya at lungkot, problema at tagumpay.
Isinalin sa wikang Filipino ni ANNA SANTOS VILLAR
Kapag mas mataba raw kayong mag-asawa, ibig sabihin mas masaya kayo? Alamin dito.