Makalumang parenting advice na hindi na dapat sundin ng mga magulang

Ang mga maling payo sa mga magulang na ito ay nagmula sa sa makalumang panahon kung saan hindi pa lubos na nauunawan ang pagpapalaki ng bata.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Para sa ating mga Pilipino, mahalaga ang payo ng mga nakatatanda. Siyempre, ito ay dahil marami na silang pinagdaanan sa buhay, at halo-halo na ang kanilang naging mga karanasan. Ngunit pagdating sa payo sa mga magulang, hindi lahat ng ito ay tama, lalo na sa panahon ngayon.

Ito ay dahil, ibang-iba ang pagpapalaki ng mga bata noong unang panahon kumpara sa panahon natin ngayon. Ngayon, mas marami na tayong alam tungkol sa development at paglaki ng mga bata. Bukod dito, nagbabago na rin ang panahon, kaya’t dapat sinasabayan din ng mga magulang ang pagbabagong ito.

Ngunit anu-ano nga ba ang mga makalumang payo sa mga magulang na sa halip na magdulot ng kabutihan, ay nakakasama sa bata? Ating alamin ang mga ito.

Anu-ano ang mga makalumang payo sa mga magulang na ito?

Simulan muna natin sa mga medyo kakaibang payo sa mga magulang. Alam niyo ba na noong unang panahon, dapat raw ay pinapahiran ng asin ang balat ng mga sanggol, upang tumibay raw ito. Siyempre, alam naman natin na hindi tamang gawin ‘yun, at makakasama pa sa balat ng sanggol.

Isa pang kakaibang makalumang payo ay ang pag “expose” sa mga sanggol na ginagawa sa sinaunang Rome. Ang pag “expose” na ito ay ibig sabihing aabandunahin lang nila ang bata sa gubat, o kaya binebenta na alipin. Ginagawa raw nila ito dahil magastos ang magkaroon ng anak, at hindi ganoong ka-importante para sa kanila ang mga sanggol.

Hindi naman lahat ng makalumang payo sa magulang ay ganito ka-“extreme.” Halimbawa, noong unang panahon ay mayroong alcohol ang mga syrup at gamot na iniinom ng mga bata. Noon ay inaakala nilang mabuti ito sa kalusugan ng mga bata, pero sa panahon ngayon, alam nating masama pala ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang isa pa ay ang paniniwala na dapat simulan ang potty training kapag 1-2 buwan pa lang ang sanggol. Ngayon, madalas ay nasa 35 hanggang 39 na buwan ang sanggol bago simulan ang potty training.

Mas mahigpit ang mga magulang noong unang panahon

Noong unang panahon din ay di hamak na mas mahigpit din ang mga magulang pagdating sa pagpapalaki ng kanilang mga anak.

Ito ay ang paniniwalang pinalaganap ng isang grupong tinatawag na mga ‘behaviorists’ na nagsasabing strikto raw dapat ang mga magulang. Ayon sa kanila, isang beses lang raw dapat halikan ang mga bata. Bukod dito, hindi raw sila dapat nilalambing, at dapat daw iwasan ang pagyakap sa mga bata.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ngunit noong 1940s ay nagsimulang magbago ang paraan ng pagpapalaki sa mga bata. Mas napunta ang focus ng mga magulang sa tinatawag na “child-centered approach.” Sa ganitong paraan, inuuna ang pangangailangan ng bata, at sinulong nito ang mas malambing na approach sa pagpapalaki ng bata.

Bagama’t marami pa rin ang hindi sang-ayon dito, ang child-centered approach ang naging popular na paraan ng pagpapalaki ng bata. Kaya’t nabawasan na ang pagiging strikto ng mga magulang, at mas napunta ang focus sa pag-aaruga sa mga bata.

Kahit sa kasalukuyan ay marami pa ring debateng nagaganap pagdating sa pagpapalaki ng bata. Halimbawa nito ay kung dapat bang paluin ang mga bata, kung masama ba ang formula milk, kung dapat silang hayaan kapag umiiyak atbp.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Marami pa rin tayong hindi alam pagdating sa pagpapalaki ng bata, at siguradong balang araw ay mag-iiba rin ang paraan ng pagpapalaki ng mga bata. Ngunit ang mahalaga ay buhsan natin ang ating mga anak ng pagmamahal, at siguraduhing lumaki sila na mabuting mga tao.

 

Source: NY Post

Basahin: 15 Bad parenting tips that you shouldn’t follow

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Jan Alwyn Batara