Confession of a PCOS Mommy: "Wait, two lines means?"

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

It is and it will always be a dream of mine na maging Mommy. Funny or weird you may find it but ultimate dream ko siya knowing na I have PCOS. It was detected when I was 16 years old. I have irregular periods then. Sometimes nagla-last siya ng 2- 3 weeks na heavy yung menses. I had myself checked and nakita nga na madaming maliliit na cysts sa both ovaries ko. Hence, Polycystic Ovarian Syndrome (PCOS) nga. I had to take pills para pamparegulate ng period ko but I stopped nung mga 20’s ako kasi baka magka-side effect.

Then, after we got married, we decided to see our OB-GYNE para magpa-check and ma-work up na si baby. Kaso sobrang na-pressure kami dun sa one cycle pa lang ng pampa-ovulate. Parang mas na-focus na lang kami dun sa schedule kaya nag-stop kami ng husband ko at in-enjoy muna namin yung first year ng marriage.

Pinalitan din namin ang lifestyle namin ng husband ko. Every afternoon, 1-hour walking kami yun ang pinaka-bonding namin saka yung diet talaga. From 110 pounds nag-lose ako ng 10 pounds before ako nabuntis. Saka nag-take na ako ng vitamins lalo na yung Folic Acid.

Normal sa mga may PCOS ang irregular ang period minsan 1 week or 1 month pa nga eh. Pero hindi ko alam bakit nung May 5 naisipan ko na mag-check, eh 1 week delayed pa lang ako. May spare kasi ako na PT sa bahay. Pero waley, hindi pa din nagamit ang PT nung nagtry kami ng one cycle.

Ginamit ko siya kasi baka maexpire lang haha. So, trip ko lang talaga that day na ma-check. PEROOOOOOOO…

Nagulat ako na nag2 yung lines tapos yung isa faint. Sabi ko baka EXPIRED lang yung PT.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Di ako mapalagay, nagyaya akong mag-unli wings para may excuse na makabili ng PT sa pharmacy. Sabi ko pa dun sa nagtitinda “Ate, iba’t-ibang PT nga po pero yung mura lang” hehe, may 2 brands sila. Bumili ako ng dalawa dun sa mura at isa dun sa mahal. Nagcheck ako paguwi gamit yung mura, same pa din yung isa faint yung line.

Di ako nakatulog. Nag-research ako kasi may tinatawag na “CHEMICAL PREGNANCY.” Eto yung positive ka sa PT pero after 5-6 weeks negative or bigla na lang magkaka-period. Ibig sabihin early pregnancy lost yun kasi hindi naging successful yung implantation.

Ako technically 5 weeks that time, nag-check ako ulit ng morning 3 am ayun positive! Pero lumilinaw na yung faint line. Yung mahal kasi na PT ginamit ko. 7 am check ulit halos same na dun sa murang PT.

Then, nireveal ko na kay ERIC  kasi pupunta kami ng Bataan para sa event nun. Baka mahilo ako or what. Kasi ayun pa isa pang sign na parang iba kasi may one time na na-out of balance ako as in derecho ako sa kama. Hindi naman ako lasing. Haha!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kagigising lang niya nun, pinakita ko unang PT. Sabi ko, “Love, I have 3 PTs… this was from yesterday”, 2nd PT: “this naman from 3 am”…

ERIC: “WAIT… 2 lines means? (expecting na 1 line lang yung last na PT) POSITIVE?”

JOIE: 3rd PT… YES, 2 lines…POSITIVE!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

ERIC: That means? We’re pregnant? Awww

Perooooo, hindi pa ako nakuntento ah. Pumunta pa ako ng hospital nagpa-pregnancy test kasi akala ko meron sila nung parang sa blood test. Urine test din pala yung sa kanila. Binalikan ko ng hapon yung result at naniwala na ako na POSITIVE 🙂 Pregnant na ako nasa papel na! Hehe

Alam ko OA ako pero bago yung first visit namin sa OB ko nag-test pa ako ulit hehe saktong 6 weeks ako nun. 2 lines pa din yehey! Sabi ng OB ko for as long as meron ng 2 lines nadetect na yung presence ng HCG (human hormone) so pregnant na talaga.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

At 29 weeks, sobrang chill ng pregnancy ko walang morning sickness as in matakaw lang talaga ako. Sobrang grateful ako kasi talagang naenjoy ko siya, nakapagtravel pa kami saka nakakapagwork pa ako.

Walang impossible kahit na may PCOS ka. Madaming dasal talaga at lifestyle change. Huwag din masyadong pa-pressure. Mas maganda na pareho kayong hindi stressed ni husband kapag assembly time 🙂 Hopefully this helps.

Mommy Joie & Daddy Eric

(LIFE IN BITUIN)

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

29 Weeks Pregnant with Little Star