Pediatric COVID Vaccination in the Philippines, sisimulan na! Ilang mga magulang umapela sa korte para pigilan ito.
Mababasa sa artikulong ito:
- Pagsisimula ng pediatric COVID vaccination in the Philippines.
- Ano ang mga dapat malaman tungkol sa COVID vaccination sa mga batang edad 5-11 anyos dito sa Pilipinas.
Pediatric COVID vaccination in the Philippines
Mula sa orihinal na schedule noong February 4, 2022 ay nailipat sa February 7, ngayong araw, Lunes ang pagsisimula ng pagbabakuna ng COVID-19 vaccine sa mga batang edad 5-11 anyos.
Ito ay base sa joint statement na inilabas ng Department of Health (DOH), National Task Force (NTF) Against Covid-19 at National Vaccination Operation Center (NVOC) noong nakaraang Huwebes, February 3.
Base sa statement na inilabas ng mga naturang ahensya, napakahalaga ng pagbabakuna ng COVID vaccine sa mga bata. Dahil sa ito ang kanilang dagdag na proteksyon mula sa kumakalat at maaring makamatay na sakit na COVID-19.
“Vaccinating children is critical to the country’s national vaccination program to ensure they have the added protection they need against Covid-19.
National Vaccination Operation Center (NVOC) of the National Task Force (NTF) Against Covid-19 remains committed to ensure that all Filipinos, including children, get vaccinated.”
Ito ang bahagi ng inilabas nilang pahayag.
Ang ibibigay ng COVID vaccine sa mga bata ayon parin sa mga nasabing ahensya ay ang Pfizer-BioNTech. Pero hindi tulad ng ibinibigay sa mga nakakatanda ay mas mababa ang dosage at formulation nito. Base sa pag-aaral, ito ay napatunayang ligtas para sa mga batang edad 5-11 anyos.
Nakatakdang simulan ang pagbabakuna ngayong araw sa anim na vaccination sites sa Maynila. Ang mga ito ay ang sumusunod.
- Philippine Heart Center
- Philippine Children’s Medical Center
- National Children’s Hospital
- Manila Zoo
- Skydome, SM North Edsa
- San Juan City Fil Oil Gym
Ilang magulang umaapela sa pagbabakuna sa mga batang edad 5-11 anyos
Baby photo created by jcomp – www.freepik.com
Samantala, kaugnay ng isasagawang pagbabakuna ay may ilang mga magulang ang lumapit sa korte at inaapela na tigilan ito. Sila ay nag-petisyon sa Public Attorney’s Office o PAO.
Ang petisyon nila ay isulong ang karapatan nila bilang mga magulang na pumili kung nais ba nilang pabakunahan o hindi ang kanilang anak.
Ito ay dahil natatakot sila sa maaaring maging epekto nito sa kalusugan at buhay ng maliliit na bata. Lalo pa’t sa ngayon ay nasa experimental stage pa raw ang ginagawang pagbabakuna.
Ginawa ito ng mga magulang bilang aksyon sa inilabas ng memoramdum ng Department of Health. Ayon sa inilabas ng DOH memoramdum ang estado o gobyerno ay maaaring tumayong guardian sa mga batang nais magpabakuna na mayroon magulang o guardian na hindi nagbibigay ng consent o sinasang-ayunan ito.
“In case the parent/guardian refuses to give consent to the vaccination despite the desire and willingness of the minor child to have himself/herself vaccinated, or there are no persons that may legally exercise parental authority over the child, the State may act as parens patriae and give the necessary consent.”
Ito ang bahagi ng nasabing DOH memoramdum kaugnay ng pagbabakuna sa mga batang edad 5-11 anyos.
Pahayag ng DOH
Sumagot naman ang DOH sa petisyon na ito ng mga magulang at sinabing kinikilala nila ang petisyon nilang ito. Pero hindi mapipigilan nito ang nakatakdang pagbabakuna sa mga batang edad 5-11 anyos.
Sapagkat naniniwala sila na ito ang nangungunang paraan para maproteksyonan ang bawat Pilipino sa kumakalat na sakit. Pahayag ng DOH ukol sa usapin,
“We recognize their right to file a case, and we will wait for the legal process to take its course. However, as far as the national government is concerned, we remain steadfast in our commitment to protect all sectors of society, including children and other vulnerable groups. As such, we will proceed with the vaccination rollout for the said age group as planned.”
BASAHIN:
Parents, here’s what you need to know about COVID-19 Pfizer vaccine for kids under 12
REAL STORIES: “I never stopped breastfeeding—kahit na nag-positive ako sa COVID”
Yasmien Kurdi at pamilya, nagpositibo sa COVID: “Tatlo tayong positive. Oh my, together forever.”
Mga dapat malaman tungkol sa COVID-19 vaccine para sa mga bata
Photo by Zoltán Bencze from Pexels
Hindi ang Pilipinas ang unang bansa na magbibigay ng COVID vaccine sa mga batang edad 5-11 anyos. Sa katunayan, sa Amerika ay ginagawa ito simula pa noong nakaraang taon.
Ang COVID-19 vaccine ay libreng ibinibigay sa bawat Pilipino. Ipinapaalala lang na ang mga may comorbities ay mag-present ng kanilang medical clearances sa oras na sila ay magpapabakuna.
Para sa mga batang 5-11 anyos, ang mga guardian o magulang ng bata ay dapat ring magpakita ng patunay sa relasyon nila sa batang babakunahan tulad nalang ng birth certificate nito.
Ang Pfizer COVID-19 vaccine para sa mga batang edad 5-11 anyos ay ibinibigay sa dalawang dose na may 3 linggong pagitan o interval. Ang dosage nito ay 10 micrograms na mas mababa sa mga ibinibigay sa mga batang edad 12-anyos pataas.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.