Maraming mga benefits ang sex o pakikipagtalik para sa mga mag-asawa. Nakakatulong ito para maging mas intimate sila sa isa’t-isa, at nakakatulong rin ito para bumuti ang kalusugan ng mga mag-asawa. Pero paano kung matagal nang hindi nakikipagtalik ang isang babae? Mayroon bang masamang epekto sa pepe ng babae ang hindi pakikipagsex?
Ating aalamin ang kasagutan sa mga tanong na iyan, at kung ano ang magandang paraan para mapanatiling healthy ang pepe ng babae.
Masama ba sa pepe ng babae ang hindi pakikipagtalik?
Isang sikat na urban legend tungkol dito ay magsasara raw ang vagina ng babae kapag hindi siya nakipagsex ng matagal. Ang sabi naman ng iba ay posible raw na tumubo at bumalik ang hymen ng isang babae.
Parehas na walang katotohanan ang mga kwentong ito, at walang kahit anong masamang epekto sa vagina ng baba ang hindi pakikipagtalik.
Ito ay dahil naglalabas naman ng mga hormones ang katawan ng babae na pinapanatiling flexible at moisturized ang vagina ng babae. Ibig sabihin, hindi kailangang makipagsex ng babae upang magkaroon ng malusog na vagina.
Ngunit kapag nagsimula nang magkaroon ng menopause ang isang babae, posibleng lumiit ng kaunti ang butas ng vagina. Pero dahil ito sa pagbaba ng levels ng estrogen sa katawan.
Isa ring epekto ng hindi pakikipagsex ang pagbaba ng libido o sex drive ng isang babae. Posibleng mas matagal ka ma-arouse kapag matagal kayong hindi nagtalik ng iyong asawa.
Nakakatulong rin naman ang sex sa kalusugan ng iyong vagina
Minsan, hindi sapat ang natural na proseso ng katawan upang mapanitili ang kalusugan ng vagina.
May mga pagkakataon kasing nagiging masyadong dry ang vagina, at hindi ito komportable para sa mga babae. Sa mga ganitong pagkakataon, nakakatulong ang pakikipagsex, o kaya masturbation para ma-moisturize ang vagina.
Nakakatulong rin ang regular sex para tumaas ang sex drive ng isang babae, at nakakatulong rin sa flexibility ng vagina.
Tandaan, mahalaga ang sex sa buhay ng mga mag-asawa. Pero hindi naman dapat ikatakot ng mga ina kapag matagal na silang hindi nagtalik ng kanilang asawa, lalo na kung sadyang walang paraan o panahon para gawin ito.
Pinapababa ang blood pressure
Naitala ng isang pag aaral ang kaugnayan ng sex sa blood pressure. Ayon sa CEO at medical director ng Amai Wellness na si Joseph J. Pinzone, ang pakikipagsex o pakikipagtalik ay nakakatulong sa iyong dugo. Nakakatulong ito sa pagpapababa ng systolic blood pressure. Ito ang unang numero sa iyong blood pressure test.
Napapabuti ang bladder control
Ang pakikipagtalik ay nakakatulong sa magandang takbo ng iyong pelvic floor muscles. Kapag ikaw nagkakaroon ng orgasm, ang mga muscle dito ay gumagalaw dahilan para tumibay ito.
Magpapabata
Ayon sa clinical neuropsychologist ng Royal Edinburgh Hospital na si Dr David Weeks, ang mga matandang babae at lalaki na may active sex life ay bumabata ng 7 years kesa sa kanilang totong edad. May ibang pag-aaaral rin na maaari ring magpahaba ng buhay ang pakikipagtalik. Ito ay nasa 50% ang naakakapagpababa ng pagkamatay sa ibang medical reason.
Makakaiwas sa depresyon
Ang pakikipagtalik ay nakakapgdala ng kasiyahan sa bawat isa. Ang serotonin sa katawan ay ang antidepressant chemical at ang dahilan kung bakit tumatawa o ngumingiti ang isang tao kapag nakikipagsex.
Ayon kay Gordon Gallup, isang psychologist ng American Archives Of Sexual Behavior, sa 300 na babae, karamihan sa kanila ay sexually active at nasa long-term relationship. Less likely depress ang mga ito kesa sa mga hindi active sa sex na kababaihan.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.