Pregnant mom ka ba at mahilig gumamit ng perfume?
Perfume For Pregnant: Best Brands Na Ligtas Para Sa Mga Moms-To-Be
Napakaraming pagbabago ang nararanasan ng isang pregnant mom. Bukod sa katawan ay magbabago rin ang iyong lifestyle upang mapanatiling safe at healthy ka at ang iyong little one. Kaya naman kahit sa pagpili ng produktong gagamitin ay tiyak na magbabago at magiging mabusisi ka.
Gaya na lamang sa pagpili ng perfume na gagamitin all throughout your pregnancy journey. Kinakailangang pumili ng produkto na ligtas at akma para sa iyong kalagayan.
At kung kasalukuyan kang naghahanap ng best perfume for pregnant, tamang-tama ang artikulong ito para sa’yo! Alamin ang aming 6 recommended pregnancy-safe perfume brands na mabibili mo online!
Paano pumili ng best perfume for pregnant
Mommy! Bago ka bumili ng pabango, narito ang ilan sa mga factors na dapat mong i-consider sa pagpili:
Ingredients
Maaaring nagtataglay ng harsh substances ang ibang perfumes na posibleng magdulot ng kapahamakan sa buntis. Kaya naman dapat lang na i-check ang ingredients ng produktong bibilhin. Makabubuting pumili ng perfume na gawa sa natural ingredients para makatiyak na ito ay ligtas para sa iyo.
Scent
Mahalaga ring isaalang-alang sa pagpili ng pabango ang amoy nito lalo na kung ikaw ay maselan magbuntis. May mga scent kasi na maaaring makairita sa pang-amoy. Magandang pumili ng perfume na may relaxing na amoy gaya ng fruity, floral at woody scent.
Best Perfume for Pregnant Brands
Perfume for Pregnant
| The Face Shop Soul Secret Blossom Best fruity floral scent | | View Details | Buy Now |
| The Body Shop British Rose Eau De Toilette Best floral scent | | View Details | Buy Now |
| YVES ROCHER Naturelle Eau de Toilette Women's perfume | | View Details | Buy Now |
| Mustela Musti Eau de Soin Best for moms and babies | | View Details | Buy Now |
| Elizabeth Arden Green Tea Best fresh scent | | View Details | Buy Now |
| Snoe Body Ritual Recipes Honey Dew Melon Yogurt Best body spray | | View Details | Buy Now |
Best Fruity Floral Scent
Perfume For Pregnant: Best Brands Na Ligtas Para Sa Mga Moms-To-Be | The Face Shop
Mahilig ka ba sa perfume na may fruity o floral scent? Perfect para sa iyo ang The Face Shop Soul Secret Blossom Natural Spray. Siguradong magugustuhan mo ang kombinasyon ng lemon tea, green tea leaf, lilac, osmanthus, red peony, peach flower, wisteria, white sandalwood, amber at soft musk scent.
Napaka relaxing nito amuyin kaya at hindi matapang ang amoy. Ang kagandahan pa sa produktong ito ay isa itong natural spray kaya naman makakatiyak kang wala itong halong strong chemicals na maaaring makasama sa iyong kalagayan.
Features we love:
- Natural spray
- Fruity floral
Best floral scent
Perfume For Pregnant: Best Brands Na Ligtas Para Sa Mga Moms-To-Be | The Body Shop
Kung paborito mo naman mga perfumes na may mild at floral scent, magandang subukan ang The Body Shop British Rose Perfume. Gawa ito sa 91% natural ingredients kaya naman ligtas gamitin ng mga pregnant moms.
Higit pa riyan ay long-lasting ang amoy nito kaya naman matipid gamitin. Ikatutuwa mo rin ang pagiging eco-friendly ng produktong ito dahil gawa sa recyclable materials ang packaging nito.
Features we love:
- 91% natural ingredients
- Floral scent
- Long-lasting
Best natural
Perfume For Pregnant: Best Brands Na Ligtas Para Sa Mga Moms-To-Be | Yves Rocher
Light at refreshing naman ang scent ng Yves Rocher Naturelle Perfume. Mayroon itong fresh, floral at woody scent na nagmula sa pinagsama-samang amoy ng green apple, Egyptian jasmine, peach, Virginian cedar, amber at musk.
Skin-friendly at natural ang components ng perfume na ito at siguradong walang iritasyon o anumang masamang epekto kapag ito ay ginamit.
Features we love:
- Light at refreshing scent
- Skin-friendly
- Natural
Best for moms and babies
Perfume For Pregnant: Best Brands Na Ligtas Para Sa Mga Moms-To-Be | Mustela
Naghahanap ng perfume na pwede para kay mommy at baby? Check out Mustela Musti Perfume! Mayroon itong hypoallergenic at 97% natural formulation na ligtas gamitin maging sa mga newborn babies. Citrusy at floral ang amoy nito at hindi matapang o nakakairita sa ilong.
Karagdagan, mayroon din itong soothing effect dahil sa taglay nitong honey at chamomile extracts. Ang kagandahan pa sa perfume na ito ay hindi ito malagkit sa balat at walang iniiwang marka sa damit.
Features we love:
- Perfume for babies, kids and adults
- Citrusy, floral fragrance
- Soothing effect
- 97% natural ingredients
Best fresh scent
Perfume For Pregnant: Best Brands Na Ligtas Para Sa Mga Moms-To-Be | Elizabeth Arden
Energizing, refreshing at uplifting naman ang amoy na taglay ng Elizabeth Arden Green Tea Perfume. Mayroon itong top notes na lemon, bergamot, mint, orange peel at rhubarb. Ang middle notes naman nito ay kombinasyon ng green tea, peppermint, jasmine, fennel at celery spice. Sinamahan pa ng amber, oakmoss at musk para sa base notes ng perfume na ito.
Sulit na sulit din ang produktong ito dahil bukod sa pagiging long-lasting ay kahit na dalawa o tatlong spray lamang ay amoy na amoy na ang floral, musky at citrusy scent nito.
Features we love:
- Energizing and fresh scent
- Long-lasting
Best body spray
Perfume For Pregnant: Best Brands Na Ligtas Para Sa Mga Moms-To-Be | Snoe
Bukod sa mabangong amoy ay maganda rin i-spray sa balat ang Snoe Honey Dew Melon Yogurt Body Spritz. Naglalaman ito ng aloe leaf juice, flavonoids, vitamin C, beta carotene at vitamin E na nakakatulong sa paghydrate at pagpapanatili ng firmness ng balat.
Mayroon itong uplifting scent ng honey dew melon at yogurt na siguradong magugustuhan mo!
Features we love:
- Honey Dew Melon Yogurt scent
- Aloe leaf, flavonoids, vit C, beta carotene and vit E
- Beneficial on skin
Price Comparison Table
|
Brands |
Volume |
Price |
Price per ml |
The Face Shop |
30 ml |
Php 1,095.00 |
Php 36.50 |
The Body Shop |
100 ml |
Php 795.00 |
Php 7.95 |
Yves Rocher |
75 ml |
Php 1,249.00 |
Php 16.65 |
Mustela |
50 ml |
Php 756.00 |
Php 15.12 |
Elizabeth Arden |
30 ml |
Php 1,400.00 |
Php 46.67 |
Snoe |
120 ml |
Php 399.00 |
Php 3.33 |
Tips para maiwasan ang pregnancy body odor
Narito ang ilan sa mga tips na maaari mong sundin upang maiwasan o macontrol ang pregnancy body odor:
- Ugaliing maligo araw-araw. Banayad na linisin ang bawat parte ng katawan at gumamit ng mild soap o body wash upang hindi mairita ang balat.
- Huwag kalimutang i-moisturize ang balat. Maglagay ng pregnancy-safe lotion na safe para sa buntis.
- Gumamit ng deodorant na gawa sa natural ingredients upang masiguradong ligtas ito gamitin.
- Huwag kalimutang bigyang pansin ang private area at gumamit ng feminine wash at wipes na safe para sa mga pregnant women.
- Kapag lalabas ng bahay, magdala ng pamaypay o di kaya ay portable fan upang maiwasan ang labis na pagpapawis.
Sa pagsunod sa aming mga tips at pagpili ng perfume na swak sa budget at fragrance preference mo, tiyak na mapapanatiling mabango ang katawang araw-araw.