Pesimista kahulugan o meaning sa siyensa katumbas daw umano ng pagkakaroon ng maikling buhay. Ito ay ayon sa isang bagong pag-aaral.
Pesimista kahulugan at koneksyon sa maikling buhay
Ayon sa isang bagong pag-aaral, ang mga taong may mataas na level ng optimism ay mas humahaba ang buhay ng hanggang 11% to 15%. Kumpara ito sa mga taong konti lang ang pinapraktis na positive thinking sa buhay o yung mga pesimistic.
Maari rin daw umabot ng hanggang 85-anyos o mas matanda pa ang may pinakamataas na level ng optimism.
Ang findings daw na ito ay natuklasang totoo kahit tingnan pa ang socioeconomic status, health condition at social engagement ng isang tao.
Ito ay natuklasan ng tingnan ang data ng 69, 744 na babae at 1, 429 na lalaki.
Ang mga babae ay sinundan mula noong 1976 at saka pinasagot ng optimism assessment test nitong 2004. Habang ang mga lalaki naman ay sinundan mula noong 1961 at saka pinasagot ng optimism test noong 1986.
Kahulugan ng pagiging optimistic
Pero ano nga ba ang kahulugan ng pagiging positive o optimistic? At bakit ang pesismista kahulugan o katumbas ng pagkakaroon ng maikling buhay.
Sagot ng mga researcher ng ginawang pag-aaral, ang pagiging optimistic ay hindi nangangahulugang hindi mo na papansinin ang mga problema mo sa buhay. Sa halip ito daw ay sa pamamagitan ng pagtingin sa bawat negative na pangyayari sa iyong buhay bilang temporary o positive.
Ang mga optimistic na tao din daw ay naniniwalang sila ay may kontrol sa kanilang buhay at kaya nilang gumawa ng opportunities para sa magagandang bagay na mangyayari sa kinabukasan. Hindi katulad ng mga pesismista na isinisisi sa iba ang lahat ng nangyayaring negatibo sa kanila.
Para naman kay Josh Klapow, isang clinical psychologist at behavioral scientist sa School of Public Health sa University of Alabama, ang mga optimistic na tao ay mahusay mag-regulate ng kanilang emosyon. Sila ang hindi agad nagagalit o naiinis kapag sila ay nasa stressful na sitwasyon.
Sila rin ang maraming kaibigan o social connections dahil nakikita nila na ang kanilang kapwa ay mabuti at nakakapagpasaya sa kanila.
Reaksyon ng mga eksperto
Ayon kay Lewina Lee, assistant professor ng psychiatry sa Boston University School of Medicine at lead author ng ginawang pag-aaral, ang pagiging optimistic ay 25% hereditary. Nangangahulugan ito na may 75% pang tiyansa na ito ay ma-modify.
Optimistic individuals tend to have goals and the confidence to reach them. Those goals could include healthy habits that contribute to a longer life.”
Ito ang paliwanag ni Prof. Lee kung paano mas magiging optimistic ang isang tao.
Pero maliban sa pagkakaroon ng healthy habits at confidence sa pag-abot ng goals sa buhay, dapat daw ay magpakita din ng mga positive attributes ang isang tao. Ang mga positive attributes na ito ay mindfulness, kindness, compassion at ang pagkakaroon ng strong sense of purpose sa buhay.
Ito ay ayon naman kay Richard Davidson, isang neuroscientist at professor ng psychiatry sa University of Wisconsin-Madison.
Paano nga ba mas maging optimistic?
Kung pakiramdam mo ay hindi optimistic ang pagtingin mo sa buhay, hindi ka dapat mag-alala. Dahil dagdag ni Prof. Davidson ang optimism ay maaring ma-nurture sa pamamagitan ng training at ilang exercise.
“There is research which indicates that optimism can actually be enhanced or nurtured through certain kinds of training. So, it does open the possibility that cultivating optimism and other positive attributes may lead to significant improvements in health-related outcomes, including longevity.”
Ito ang dagdag na pahayag ni Prof. Davidson.
Ang mga training o exercise na maaring gawin ng isang tao para mas maging optimistic ay ang sumusunod:
1. Pag-memedidate
Kabilang sa training at exercise para mas maging optimistic ay ang meditation na nakakabago ng brain structure at function ng isang tao.
Ngunit hindi naman nangangahulugan na kailangan mong magbabad sa medidation buong araw. Ang 30minutes meditation araw-araw sa loob ng dalawang linggo ay malaki na ang pagbabagong maidudulot sa pagiging positive o optimistic ng isang tao.
2. Paggamit ng “Best Possible Self” Method
Ito ay sa pamamagitan ng pag-iimagine sa iyong sarili sa future na nagawa o nakamit mo na lahat ng goals mo sa buhay.
Ang paggawa nito 15 minutes araw-araw ay mas nakakapag-improve at nakakapagbigay ng positive feeling sa isang tao.
3. Pagkakaroon ng journal ng mga positive things na nangyari sa iyong buhay.
Ang pagkakaroon ng listahan ng mga nangyaring positive na bagay sa iyong buhay sa araw-araw ay makakatulong rin para iyong ma-realize ang mga dapat mong ikatuwa at pasalamatan.
Maari ring isulat ang mga taong gusto mong pasalamatan at i-appreciate kahit sa pinakamaliliit na bagay na ginawa nila sayo. Dahil sa ganitong paraan ay mas makikita mong maraming mabuti at magandang bagay sa iyong paligid. Hindi katulad ng paniniwala mong puro malas at problema lang ang nangyayari sayo.
Maganda ang buhay kung ito ay iyong ini-enjoy at ginagamit sa tama. Dapat hangga’t maari ay tingnan ang positive side sa lahat ng nangyayari lalo na sa mga problema o pagsubok na dumarating sa iyong buhay. Malalampasan mo lahat ng iyan. Hindi naman iyan ibinibigay sayo ng Diyos kung hindi mo kaya.
Laging manatilihing masaya at thankful sa mga tao at pangyayari sa buhay mo. At tandaan ang pagiging pesimista kahulugan o kasing katumbas ng pagkakaroon ng maikling buhay. Kaya ngumiti ka at ikalat ang pagiging positive mo sa iba.
Source: CNN Health, Today
Photo: Pexels
Basahin: John Prats, ibinahagi ang mga pagbabago sa buhay mula nang magka-pamilya