Papatapos pa lang ang taon ngunit puwede ka nang mag-plano ng bakasyon o mag-book ng susunod mong biyahe sa loob o labas man ng bansa. Dahil ito sa Proclamation No. 555 o ang pormal na pag-anunsiyo ng mga Philippine holidays 2019.
May sampung regular holidays at may siyam na special non-working days ang nakatala ngayong 2019. May anim na holidays naman ang mag-fa-fall sa long weekend na perfect para sa bakasyong grande na iyong hinihintay.
Ang anim na holidays na ito ay ang sumusunod:
- Ang Edsa People Power Revolution Anniversary na inaalala tuwing February 25 na babagsak sa araw ng Lunes ngayong 2019.
- Ang pagninilay sa Holy Week na mula April 18 hanggang 21, Huwebes hanggang Sabado.
- Ang pag-aalala sa ating mga bayani tuwing National Heroes Day August 26 araw ng Lunes ngayong 2019.
- Ang pag-aalala sa ating mga yumao o All Saint’s Day tuwing November 1, araw ng Biyernes.
- Ang araw ng ating pambansang bayani o Rizal Day tuwing December 30 araw ng Lunes.
- At ang pinaka-aabangang pagsalubong sa bagong taon o ang New Year’s Eve December 31, araw ng Martes.
Samantala, ang proklamasyon naman ng pag-alala sa Eid’l Fitr at Eidul Adha ay iaanunsiyo matapos malaman kung kailan ang eksaktong selebrasyon nito ngayong 2019 na naka-base sa Islamic Calendar ng ating mga kapatid na Muslim.
Para sa mas detalyadong araw ng walang pasok ngayong 2019, narito ang lista ng Philippine Holidays 2019.
Philippine Holidays 2019
Regular Holidays
Regular Holidays o ang mga araw na walang pasok. Ang mga mangagawa na papasok sa mga regular holidays ay dapat makatanggap ng 200% ng kanilang suweldo o double pay.
January 1 (Martes) – New Year’s Day
April 9 (Martes) – Araw ng Kagitingan
April 18 (Huwebes) – Maundy Thursday
April 19 (Biyernes) – Good Friday
May 1 (Miyerkules) – Labor Day
June 12 (Miyerkules) – Independence Day
August 26 (Lunes) – National Heroes’ Day
November 30 (Sabado) – Bonifacio Day
December 25 (Miyerkules) – Christmas Day
December 30 (Lunes) – Rizal Day
Special Non-Working Days
Special non-working days o ang mga araw na may inaalalang espesyal na event ngunit ang pagdedeklara kung may pasok o wala ay nakadepende sa ating Presidente. Ang sinumang mangagawa na papasok sa araw na special non-working day ay dapat namang makatanggap ng 130% ng kaniyang isang araw na suweldo.
February 5 (Martes) – Chinese New Year
February 25 (Lunes) – EDSA Revolution Anniversary
April 20 (Sabado) – Black Saturday
August 21 (Miyerkules) – Ninoy Aquino Day
November (Biyernes) – All Saints’ Day
December 8 (Linggo) – Feast of the Immaculate Conception of Mary
December 31 (Martes) – last day of the year
Karagdagang special non-working days:
November 2 (Sabado)
December 24 (Martes)
Kaya ano pang hinihintay niyo? Maari na kayong mag-book ng inyong bakasyon at samantalahin ang Philippine Holidays 2019 upang mas maging close sa inyong pamilya at minamahal.
Sources: Philstar, Official Gazette, CNN Philippines
Photo: Pixabay
Basahin: Traveling to Seoul with kids: getting there, where to stay, what to do