COVID-19 sa Pilipinas maaring tumagal hanggang January 2021?

Maaari nga bang tumagal until January 2021 ang COVID-19 sa Pilipinas?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Philippines COVID-19 until January 2021? Maaari nga ba talagang magtagal ang pandemic na ito hanggang sa susunod na taon?

Ayon sa Department of Health, posible na tumagal ang Philippines COVID-19 until January 2021 kung hindi mai-implement nang maayos ang mga hakbangin para maagapan ang pagkalat pa ng sakit.

“Ang ating mga estimation galing po ‘yan sa ating mga scientist, sa mga mathematician. Nagkaroon po tayo ng tatlong modelling estimates na ginawa kung saan ang timeline ranged from hanggang third quarter of the year and maybe worst case scenario base sa kanilang pag-aaral ay next year po ng January. But these are all estimations,” pahayag ni DOH Spokesperson Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

General Community Quarantine extended hanggang June 30

Ayon sa pinaka latest na balita, inextend ni Pangulong Duterte ang General Community Quarantine sa buong Metro Manila hanggang June 30.

Ang balitang ito ay kasunod ng expiration ng GCQ period sa Metro Manila na dapat ay ngayong June 15 matatapos.

Matatandaan na itinaas ang GCQ sa Metro Manila noon lamang June 1 kung saan nagsimula ito at balik pasada na rin ang mga pampublikong sasakyan ngunit limitado pa rin ang mga galaw. Nagbukas na rin ang ibang mall at balik trabaho na rin ang ilang manggagawa.

Bukod sa Metro Manila, narito pa ang ilang lugar kung saan extended ang General Community Quarantine hanggang sa katapusan ng buwan

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Luzon

  • Isabela
  • Cagayan
  • Santiago City
  • Nueva Vizcaya
  • Quirino
  • Aurora
  • Tarlac
  • Olongapo
  • Bataan
  • Bulacan
  • Cavite
  • Laguna
  • Batangas
  • Quezon
  • Rizal
  • Occidental Mindoro

Visayas

  • Bohol
  • Cebu
  • Siquijor
  • Negros Oriental
  • Mandaue City
  • Lapu-Lapu City

Mindanao

  • Davao
  • Zamboanga
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Freepik

Matatandaang noong March 16, isinailalim ni Pangulong Duterte ang buong Luzon sa Community Quarantine. Ito ay para mapigilan ang paglaganap ng COVID-19.

Ayon sa DOH, “Kung hindi agad nag-declare ng enhanced community quarantine si Pangulong Duterte when he did, when there were people who were even saying na OA, you can only imagine how overstretch na siguro tayo kung hindi agad tayo nag-declare ng ECQ.”

Dahil social distancing ang pangunahing preventive measure para sa COVID, kinailangan talagang ipatupad ang community quarantine na ito kabilang ang pagkakasuspinde ng mga klase at trabaho.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Freepik

Mass testing PH

Samantala, mahigit 30 thousand naman na ang na-test sa buong bansa para sa nasabing sakit. Ito ay magi-increase pa sa mga susunod na araw dahil ayon sa DOH, magsisimula na silang mag-test ng 3,000 kada araw. At bago naman matapos ang buwan ay dapat umabot na sa 8 hanggang 10 thousand ang nate-test kada araw.

Paliwanag pa ng DOH, “Hindi po ibig sabihin nito na lahat ng Pilipino ay itetest natin. Ang mass testing po na ating sinasabi ay isang malawakang testing ng mga taong at risk sa COVID-19.”

Sa mga lungsod naman katulad ng Valenzuela, Quezon City at Manila, nagsimula na ang localized targeted COVID-19 mass testing. Mayroon ng mga swab booths sa mga nasabing lugar at ang mga resulta ay naire-release 3 hanggang 5 araw matapos ang test.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ano ang maaring gawin sakaling umabot hanggang 2021 ang COVID-19?

Image from Freepik

Kung sakaling mangyari nga ito, hindi naman ibig sabihin na tayo ay naka-quarantine lamang hanggang 2021. Aminado ang mga health experts na maaring hindi pa kaagad magkakaroon ng vaccine para sa sakit. At hangga’t wala ito, ang maari lang gawin ay mag-doble ingat para hindi mahawaan. Para naman sa gobyerno, kailangang pabilisin ang pagte-test sa mga tao para mabilisan ang pag-agap sa sakit.

Sa isa namang pag-aaral mula sa University of the Philippines, sinabi rin na maaring magkaroon ng 140 hanggang 550 thousand na kaso ng coronavirus dito sa Metro Manila pa lang. Ito ay isa namang estimate lang kasama ng kanilang projected timeline alinsunod sa mangyayaring mass testing.

As of 4PM ng June 17,  mayroong 27,238 na kaso ng COVID-19 sa bansa at 1,108 ang namatay habang 6,820 naman ang naka-recover na.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Source:

GMA News, CNN

BASAHIN:

STUDY: Mababa ang chance na magkaroon ng COVID-19 ang mga may O blood type

Sinulat ni

mayie