LOOK! Pia Wurtzbach at Jeremy Jauncey kinasal na!

Isang beach wedding ang pinagsaluhan nina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at ng CEO ng Beautiful Destinations na si Jeremy Jauncey.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ibinahagi ni Pia Wurtzbach ang video ng kaniyang wedding sa Instagram. Ikinasal na ang Miss Universe 2015 at ang CEO ng Beautiful Destinations creative agency na si Jeremy Jauncey.

Pia Wurtzback, Jeremy Jauncey beach wedding

Nagdiwang ang mga netizen sa ibinahaging Instagram reel ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach. Sa nasabing IG post, makikita ang pasilip sa beach wedding ni Pia Wurtzbach at Jeremy Jauncey.

Screenshot mula sa Instagram video ni Pia Wurtzbach

Nakasulat sa caption ng post ang mga salitang, “Mr. & Mrs. Jauncey 24.03.2023”

Binaha ng sari-saring komento at pagbati mula sa mga kaibigan at fans ang nasabing IG post. Isa pa nga sa mga bumati sa bagong kasal ay si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Pati na rin ang mga celebrity mommies and daddies na sina Anne Curtis, Nico Bolzico, Iya Villania, Jessy Mendiola at iba pa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Aw Congrats!! Wishing you guys a lifetime of happiness together!!!” saad ni Catriona Gray.

Sabi naman ni Iya Villania, “You guys are so beautiful together. Congratulations, Mr. and Mrs. Jauncey.”

“Omg! Got teary eyed even if it was such a happy video. My bubble thought ‘this marriage will last forever’. Congratulations and best wishes, Mr. and Mrs. Jauncey,” saad naman ni Ina Raymundo.

Screenshot mula sa Instagram video ni Pia Wurtzbach

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa Instagram video makikita ang pagpapalitan nina Pia at Jeremy ng wedding vows at pagsusuot ng singsing sa isa’t isa. Nakasuot si Pia ng body-hugging, sheer corset wedding dress na may thigh split at floral embroidery. Habang si Jeremy naman ay nakasuot ng white polo shirt at traditional kilt.

Larawan mula sa Instagram ni Pia Wurtzbach

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Matatandaang na-engage sina Pia at Jeremy noong May 2022. Samantala, February 2020 nang umpisang maging usap-usapan na nagde-date ang dalawa. June 2020 naman nang kumpirmahin ng dalawa ang kanilang relasyon. Ngayong 2023 nga ay kinasal na ang dalawa sa North Island sa Seychelles. Kung pagbabasehan ang caption ni Pia Wurtzbach sa kaniyang IG post, naikasal na sila noon pang March 24, 2023.

Hindi naman malinaw kung sino ang mga imbitadong guest sa wedding ng celebrity couple dahil sa nasabing IG video ay silang dalawa lang ang makikita rito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Jobelle Macayan