Weird ba? Mga dahilan kung bakit si mister ang pinaglilihian mo

undefined

Anong food cravings mo noong nagbubuntis ka mommy? | Lead image from Freepik

Mommy, sa tingin mo ba ay pinaglilihian mo si mister ngayon? Ayon sa mga paniniwala ng karamihan, maaaring ma-adopt nila ang pisikal na anyo o madalas na gawain nito! Dapat nga bang paniwalaan ito?

Pinaglilihian si mister ni misis

Karamihan sa ating mga pilipino ay malakas ang paniniwala sa ‘paglilihi’ ng isang buntis. Ito ay kapag ang isang buntis ay nagkaroon ng matinding emosyon sa isang tao, hayop o pagkain man iyan. Ang paglilihi rin ay kadalasang may kaugnayan sa mga pagkaing weird o hindi naman madalas kaninin ng buntis dati ngunit hinahanap-hanap nila ngayong sila ay buntis.

pinaglilihian-si-mister

Paglilihi: Anong ibig sabihin kapag si mister ang pinaglilihian ko? | Image from Freepik

Maaaring narinig mo na sa ibang buntis na naglilihi sila sa isang prutas o tao, artista man ‘yan o kamag-anak. Ngunit marami rin ang kaso ng mga nanay na pinaglilihian si mister.

Ayon sa isang obstetrician-gynecologist na si Dr. Joan Tan-Garcia, totoo ang paglilihi ngunit hindi lahat ay kailangang ibase dito. Karaniwang nararanasan ang paglilihi ng isang buntis mula sa unang 3 months nito hanggang siya ay mag 4 months.

Sa oras kasi na ito, ang pagbubuntis ni mommy ay dumadami ang “hormone surge” sa loob ng katawan ng isang nagdadalang tao.

Alam nating lahat na ang ‘pregnancy’ ay isang challenge rin para sa ating mommies. Marami silang maaaring maranasan katulad na lamang ng morning sickness, pagbabago ng pisikal na anyo, hindi maipaliwanag na emosyon o hindi naman kaya’y magkaroon ng depression.

“Pag buntis ka, feeling mo bloated ka. With that you are depressed. Gusto mo ng attention, ng loving feeling, feeling mo ang taba-taba mo na. Kailangan mo ng reassurance galing sa asawa mo na ikaw pa rin ang number 1 sa buhay niya,”

Kaya naman mahalaga ang ginagampanang role ni daddy sa pagbubuntis ni mommy. Maibabalanse niya ang mga pangyayari para hindi ma-overwhelm ang isang buntis.

pinaglilihian-si-mister

Paglilihi: Anong ibig sabihin kapag si mister ang pinaglilihian ko? | Image from Freepik

Paliwanag rin ni Dr. Joan, ang mga batang mahilig bigyan ng musika ng kanilang nanay noong nagdadalang tao pa lamang sila ay karamihan sa kanila ay lumalaking matalino at aktibo sa paaralan.

Lalo na ang mga classical music na madalas iparinig ng mga nanay sa kanilang anak sa loob ng kanilang tiyan.

Pinabulaanan rin ni doktora ang mga madalas na paniwalaan ng mga magulang sa paglilihi na kapag mahilig mong panoorin ang isang gwapong artista ay siguradong mapaglilihian mo ito at magiging kamukha ng iyong anak.

Ayon kay Doc. Joan, nakabase ang magiging itsura ng anak mo sa genes mo at ng iyong asawa.

Anong ibig sabihin kapag si mister ang pinaglilihian ko?

Ang paglilihi ay tila ugaling pilipino na lamang ito. Normal ito lalo na sa mga traditional belief sa mga buntis na babae. Hanggang ngayon ay wala pa ring matibay na ebidensya kung kailangan nga bang maniwala rito.

Sa mga nagsasabing pinaglilihian nila ang kanilang mister, maaaring ito nga ay totoo o tumitindi lamang ang nararamdaman mong emosyon sa kaniya.

pinaglilihian-si-mister

Paglilihi: Anong ibig sabihin kapag si mister ang pinaglilihian ko? | Image from Freepik

Una, ito ay dahil dala ng pregnancy hormonal changes. Sensitibo at minsan ay hindi mo mapipigilan ang isang emosyon ng buntis. Pangalawa, dahil laging kasama ng isang pregnant mom ang kanilang asawa, nasasanay na ito ng tuluyan at dahil dala rin ng pregnancy norm, tumitindi ang emosyon ng isang buntis sa kanilang asawa. At madalas na napagkakamalan itong paglilihi.

 

Source:

Mediko

BASAHIN:

Filipino myths and facts about pregnancies

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!