Netizens' funniest answers sa P1 billion-peso question

Anong gagawin mo kung mapanalunan mo ang P1 billion-peso jackpot ng 6/58 Lotto ng PCSO? Tignan ang nakakatawang sagot ng mga netizens. | Photo: Kaloka Official Facebook page

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Umabot na sa mahigit P1 billion ang prize na puwedeng mapanalunan sa 6/58 lotto ng Philippine Charity Sweepstakes. Sa huling draw noong October 9, wala pa ring nananalo ng jackpot prize. Kaya naman madaming mga nagsimula nang tumaya para magkaroon ng chance na manalo at maging bilyonaryo.

Dahil trending ngayon ang pag-taya sa 6/58 lotto, may isang Facebook page, ang Official Kaloka, ang nagtanong: “Ano ang gagawin mo kapag ikaw ang nag-iisang nanalo ng 1 billion sa lotto?” At siyempre, sumagot ang mga netizens!

Narito ang nakalap namin na pinaka-nakakatawang mga sagot sa P1 billion-peso question:

 

May pinagdadaanan ka, ate?

“Ididikit ko yung pera sa katawan ko para magkaro’n ako ng halaga.”

 

Wag ka din, uuwi sa bahay ninyo.

“Bibigyan ko ng 100 million [ang] nanay ko, pag ‘di niya naubog ng isang gabi, wag [na] siyang uuwi.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Grabeee.

“Bibigyan ko ng sampung sako ng tawas yung classmate kong amoy putok para mabuhay kaming lahat ng matiwasay.”

 

Ayaw niya kay Cardo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Bibilihin ko po si Cardo [tapos] papatayin ko siya para tapos na agad ang problema ni Lola Flora.”

Pero mayro’n ding fans si Kardo!

“Bibigyan ko ng pondo Ang Probinsyano para umabot ng 50 years ang eksena ni Kardo Dalisay at mamatay siya sa katandaan.”

May #hugot din si kuya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Magtatayo ako ng sarili kong Lotto outlet para kahit papaano maranasan ko rin na pilahan…”

Friends siguro sila nung gustong bumili ng Lotto outlet.

“Bibili ako ng maraming eroplano para sunduin yung mga tao na iniwan sa ere.”

 

Brgy. Chismosa

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Bibili ako ng lote, gagawin kong baranggay. Tapos tatayuan [ko] ng maraming bahay. Kunyari may charity [tapos ipamimigay ko ang bahay] pero ang pipiliin ko [lang] mga chismosa. Do’n sila magsama-sama.”

True!

“Sasabihin ko sa mga taong may utang sa’kin na huwag na silang magbayad [ng utang] para pansinin na nila ako ulit. Para friends na uli kami.”

LOL

“Bibigyan ko ng tig-iisang milyon lahat ng tambay para lalo silang tamarin mag-trabaho.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Ibang klaseng pagkakawang-gawa

“Palalagyan ko ng buhok lahat ng panot para hindi sisipunin. At papalagyan ko lahat ng [pustiso] yung mga walang ngipin para maramdaman din nila kung gaano kasarap ang chicharon na malutong.”

Kahit karamihan ay kwelang mga sagot, may mga ilan ding na ganito:

“Magbibigay ako ng tulong sa mga taong may cancer, sa mga charities na sumusuporta sa cancer. Mama ko kasi namatay sa cancer at alam ko kung gaano kahirap ang dinanas niya. Sana I can make it happen.”

Manalo ka sana, kuya!

 

Source: Official Kaloka Facebook