Pinay content creator nakikipaghiwalay sa mister niyang AFAM. Ang dahilan niya alamin dito.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Pakikipaghiwalay ng Pinay content creator sa mister niyang AFAM.
- Dahilan ng pakikipaghiwalay.
- Kailan ba masasabing ikaw ay nasa isang abusive na relasyon.
Pakikipaghiwalay ng Pinay content creator sa mister niyang AFAM
Larawan mula sa Facebook account ni Jay Anne
Trending ngayon sa TikTok ang palitan ng pahayag ng mag-asawang Pinay na si Jay Anne at AFAM niyang mister na si Chad. Ito ay tungkol sa pakikipaghiwalay umano ni Jay Anne kay Chad. Si Chad sinabing sa loob ng dalawang taon ay na-Americanized na ang kaniyang misis. Dahil si Jay-Anne nakikipaghiwalay na sa kaniya. Ang itinuturong dahilan ni Chad ay nawalan na daw ng pagmamahal ang misis niya sa kaniya. At ito daw ay after lang sa makukuha nitong benepisyo sa paghihiwalay nila.
“A relationship can go south when the woman has lost love for her man and she’s just going for the bag. And if she goes for the bag she’s gonna get a huge portion of that. That’s what I mean by Americanized.”
Ito ang pahayag ni Chad sa kaniyang TikTok account.
Dahilan ng pakikipaghiwalay
Larawan mula sa Facebook account ni Jay Anne
Si Jay Anne sinagot ang post na ito ni Chad sa kaniya ring TikTok account. Ang kwento niya ang tunay na dahilan ng kanilang paghihiwalay ay hindi ang sinasabi ng mister niya. Ito daw ay dahil sa kawalan ng respeto ni Chad sa kaniyang mga magulang. Isang bagay na hindi daw kayang i-tolerate ni Jay Anne.
“I think the word Americanized has nothing to do with someone disrespectful, especially to your people let’s say that your closest people. It’s because he disrespected my parents. Screaming, snatching, some things verbally and physically.”
Ito ang pahayag naman ni Jay Anne.
Ayon pa sa kaniya, ang kawalan ng respeto ng mister sa kaniya ay tiniis niya sa loob ng dalawang taon nilang pagsasama. Pero ang ginawa nito sa mga magulang niya ay isang bagay na hindi niya kayang palampasin na. Ito daw ang pagkakataon na maninindigan siya at ipaglalaban ang karapatan niya at kaniyang pamilya.
“So, what I am thinking that time you are freely disrespecting me and abusing me, I think that’s enough. You can do it 24/7 to me, you can do it anytime. But to the point that you’re gonna be disrespecting my people, especially my parents, I think that’s what you know draw the line. I think that’s when I said I wanted to separate.”
Ito ang sabi pa ni Jay Anne.
Ngayon din daw ang tamang panahon para hiwalayan na ang kaniyang mister. Dahil paniniwala niya sa mga kinikilos ni Chad ay hindi na ito magbabago.
“All I know is if I didn’t stop or I didn’t make a move it’s gonna be normal, he’s gonna disrespect me. He’s gonna disrespect my people. He’s gonna disrespect anyone.”
Ito ang sabi niya.
Ano ang masasabi mo sa isyu ng mag-asawang ito? At kalian ba masasabing nasa isang abusadong relasyon ka na?
Kailan ba masasabing ikaw ay nasa isang abusive na relasyon
Larawan mula sa Shutterstock
- Pinapahiya ka ng iyong partner, iniinsulto ka, o sinisira ang iyong kumpiyansa, madalas sa harap ng iba.
- Pinagdududa ka nila sa iyong alaala o pananaw. Sinasabing hindi nangyari ang isang bagay o maling pagkakaintindi mo ito.
- Binabantayan ng partner mo ang iyong mga kilos. Ipinagbabawal ang ilang gawain, o iniiwas ka sa mga kaibigan at pamilya.
- Pinagbibintangan kang hindi tapat kahit walang dahilan at lagi kang tinatanong kung nasaan ka.
- Ginagamit nila ang pagbabanta para saktan ka, ang kanilang sarili, o mga mahal mo sa buhay upang pilitin kang sumunod.
- Ikaw ay sinasaktan niya. Anumang uri ng pisikal na karahasan, kahit pa sinasabing “dala lang ng galit” o “aksidente.”
- Sinisira o hinahagis ang mga bagay upang takutin o ipakita ang dominasyon.
- Hindi ka pinahihintulutang humawak ng pera o hinihingian ka ng paliwanag sa bawat gastusin.
- Pinipigilan o tinatakot kang magtrabaho upang maging dependent ka sa kanila.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!