Isang mommy ang hindi napigilang maglabas ng kaniyang emosyon dahil sa kaniyang partner. Ito ay matapos na pinigilan daw siyang magtrabaho ng kaniyang kinakasama.
Mababasa sa artikulong ito ang mga sumusunod:
- Kwento ng mommy na pinigilan magtrabaho ng kaniyang partner
- Reaksyon ng iba pang mommies
- Paano i-balance ang career at pagiging ina
Pinigilan magtrabaho ng kaniyang partner
Sa ngayon, maraming mommies na ang career woman pa rin. Ito ay sa kabila ng kanilang pagiging busy sa kanilang family. Hindi pa rin nila napapabayaan ang responsibilidad sa bahay kahit sila ay may trabaho.
Ngunit may ilan pa ring mga lalaki na nakakahon sa makalumang pananaw. Na ang kanilang mga misis ay hindi na dapat mag-work at mag-focus sa pag-aalaga ng kanilang anak.
Heto ang nangyari sa isang anonymous sender sa theAsianparent community. Pagkekwento ng mommy, nag-apply siya para maging cashier sa isang kompanya.
Nakumpleto na niya ang kaniyang mga requirements at magsisimula na lang siya ng duty. Ngunit noong malaman ito ng kaniyang ka-live in partner ay nagalit daw ito sa kaniya.
“Nakapag-requirements na ako tapos ko na din ang orientation, may schedule na din kung kelan start ko. Pero ayaw ng ka-live in partner ko na ituloy ko.”
Ayon kay mommy, nainis daw ang kaniyang partner dahil ginabi na siyang nakauwi dahil may biglaang meeting sa kanilang company.
Sumama rin ang loob ng anonymous sender dahil sa mga masasakit na salita na sinabi sa kaniya ng ka-live in niya. Sinubukan niyang magpaliwanag dito pero hindi raw ito nakikininig.
“I feel bad lang never siyang nanghingi ng sorry. Sabi niya rin na huwag ko daw hintaying ipahiya niya ako sa papasukan kong work.”
“Nakakalungkot lang na kung sino pa ‘yong akala kong magtatanggol sakin, siya pa ‘yong unang mangda-down.”
Isa pa sa problema ng anonymous sender ay ang kakapusan nila sa pera. Lagi raw sa kaniya na sinusumbat na wala siyang ambag sa kanilang pamilya. Pero P100 lang umano ang iniiwan sa kanila ng kaniyang partner araw-araw.
“100 pesos lang naman iniiwan niya samin araw-araw pangkain namin ng anak ko, agahan, tanghalian at meryenda ng anak ko.”
Isa sa dahilan ni mommy para magtrabaho ay dahil naaawa siya sa kaniyang anak. Para na rin magkaroon siya ng sarili niyang pagkakakitaan.
Reaksyon ng iba pang mommies
Samantala, marami namang mommies na member ng theAsianparent community ang hindi makapaniwala sa kalagayan ng anonymous sender.
Kaya naman nagbigay sila ng kanilang opinyon kung ano ang dapat niyang gawin.
Heto ang ilan sa mga minungkahi ng ibang mommies:
“I think ayaw ka niyang magtrabaho para nakaasa ka lang sa kanya. Tapos kahit anong trato niya sa’yo hindi ka magrereklamo. It kind of screams economic abuse. Get that job, take your kid and get out. Habang hindi pa sobrang lakas ng loob niya.”
“Tama na, hindi mo deserve yang ganyan, ‘di ba? Alam ko na alam mo na hindi mo dapat tinatanggap ang ganyan. sana magkalakas ng loob ka na umalis na diyan. huwag ka magtiis. kaya mo yan kahit wala siya.”
“Ayaw lang niya matapakan ego niya. Buti ‘di pa kayo kasal. ‘Di pa gaanong kakumplikado kung hihiwalayan mo siya. Isipin mo para sa anak mo ‘yan. Kung ‘di naman niya kayo mabuhay ng maayos, bakit ka magtitiis sa kanya.”
“Kausapin mo na lang sis na gusto mo kamong mas maibigay ‘yong mga needs ng anak niyo. Saka para mag-grow ka din as a person. Mas masarap ‘yong may sarili kang hawak na pera.”
BASAHIN:
REAL STORIES: “Ayaw maghanap ng trabaho at puro laro ang inaatupag ng partner ko.”
Pagbalik sa trabaho matapos ang maternity leave: Tips para sa pagbabalik sa trabaho
6 rights of Breastfeeding Working Mothers in the Philippines
Paano i-balance ang career at pagiging ina?
Minsan, kahit gusto mong makasama lagi ang iyong anak ay hindi pupwede. Ito ay dahil kailangan mo ring magtrabaho para sa kaniyang future.
Kaya naman heto ang ilang tips sa mga mommy na napapalayo pansamantala sa kanilang anak dahil sa kanilang trabaho
- Iwasang ma-guilty – Una ay dapat mong tanggapin na may mga pagkakataon na mawawalay ka sa iyong anak. Hindi ka dapat ma-guilty sa tuwing ito ay mangyayari. Dahil ang iyong ginagawa ay para rin sa ikakabuti nila.
- Limitahan ang distraction – Kapag kasama ang inyong anak, iparamdam sa kanila na sila ang iyong priority. Kaya naman hangga’t maaari ay kontrolin ang pag-check sa e-mail o pagtawag na may kinalaman sa iyong trabaho.
- Gumawa ng mga special family activity – Tuwing gabi, maaari mo silang samahan sa panonood nila ng TV. O hindi kaya ay maglaro ng board games kasama sila. Alamin din ang kanilang mga hobby para masamahan sila tuwing ikaw ay may free time.
- Kausapin ang iyong employer – Mahalaga rin na alam ng iyong employer kung ikaw ay may sariling pamilya na. Ito ay para maging handa sila sa magiging schedule mo sakaling kailangan mong i-prioritize ang iyong pamilya.
- Kahalagahan ng ‘me time’ – Syempre, hindi pa rin dapat nawawala ang iyong oras para sa sarili. Dahil sa sobrang pagiging busy sa work at gawaing bahay, mahalaga na magkaroon ka ng enjoyment once in a while.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!