Nag-iisip ng handa sa birthday? 11 recipes na hindi mawawala sa kahit anong okasyong Pinoy

Malapit na bang magkaroon ng handaan sa inyo? Subukan ang Pinoy handaan food menu na ito para sa paparating niyong handaan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Papalapit na ba ang iyong birthday o ng iyong anak? Nag-iisip ka ba ng handa sa birthday na tiyak magugustuhan ng iyong pamilya?

Sa tuwing sasapit ang kaarawan, tradisyon na ng mga Pinoy na ilabas ang malalaking kawa at kaserola. Handa naring ipanghalo ang malalaking sandok. Ang mga kapitbahay ay handa nang lumipat hindi lamang upang makikain, kundi upang tumulong sa paghihiwa at pagluluto. Iyan ang karaniwang sitwasyon na madadatnan mo sa mga handaan ng Pinoy sa birthday.

Marahil, sa ngayon ay moderno na ang lahat. Gayunpaman, ang mga panlasa ng mga Pilipino ay nananatili. Marami pa rin sa mga putaheng inihahanda tuwing kaarawan ang hinahanap-hanap at binabalik-balikan ng mga bisita.

Handa sa birthday: Pinoy food menu na pwede niyong iluto kapag may handaan

Kung ikaw ay nag-iisip ng ihahanda sa birthday ng iyong mahal sa buhay, narito ang listahan ng mga pagkaing pwede mong lutuin.

1. Handa sa birthday: Shanghai

Pinoy handaan food menu. | Larawan mula sa Shutterstock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mga Sangkap

  • 1 kilong giniling na baboy
  • Isang sibuyas
  • 4 na butil ng bawang
  • 1 kutsarang sesame oil
  • 2 itlog
  • 1 tasang carrot
  • 50 pirasong lumpia wrapper
  • 1/2 kutsaritang asin
  • 1/4 kutsaritang pamintang durog

Paraan ng pagluluto

  1. Sa isang malaking bowl, paghaluhaluin ang giniling na baboy, carrot, asin, paminta, bawang, sesame oil at itlog.
  2. Kumuha ng 1 hanggang 1 1/2 kutsarang pinaghalohalong sangkap na ito at ilagay sa gitna ng lumpia wrapper. Balutin mabuti.
  3. Magpainit ng mantika. halos 350 F.
  4. I-deep fry ang shanghai hanggang sa maging golden brown. I-drain ang mga sobrang oil.
  5. Ilagay sa serving plate. Enjoy!

2. Spaghetti

Mga Sangkap

  • 1 kutsarang mantika
  • Isang sibuyas
  • 2 butil ng bawang
  • 100 g giniling na baboy
  • 1/2 tasang tubig
  • 2 pirasong hatdog
  • Tomato sauce
  • Italian style spaghetti sauce
  • 1/4 evaporated milk
  • asin
  • paminta
  • spaghetti pasta
  • keso

Paraan ng pagluluto

  1. Magpainit ng mantika sa kaserola. Igisa ang bawang at sibuyas.
  2. Ilagay ang giniling na baboy. Lutuin sa loob ng 2 minuto. Lagyan ng tubig, pakuluin sa loob ng 3 minuto.
  3. Ilagay ang tomato sauce at spaghetti sauce. Pakuluin sa loob ng 10 minuto.
  4. Ihalo ang sauce sa lutong pasta.
  5. Lagyan ng ginadgad na keso sa ibabaw

3. Handa sa birthday: Pansit

Mga Sangkap

  • Isang kilo pansit bihon
  • 1/2 kilong baboy (hiniwa sa maliliit na piraso)
  • Kalahating kilong pinakuluang manok (hinimay)
  • Isang tasang carrots
  • 1/8 kilo sitsaro
  • Kalahating repolyo
  • 1 tasang celery
  • Isang sibuyas
  • 1/2 kutsarang bawang
  • Isang pirasong chicken cubes
  • 5 tbsp toyo
  • 3 to 4 cups tubig

Paraan ng pagluluto

  1. Igisa ang bawang at sibuyas
  2. Ilagay ang baboy at manok, lutuin sa loob ng dalawang minuto
  3. Pagkatapos ilagay ang chicken cubes, pakuluin sa loob ng 15 minuto
  4. Ilagay ang carrots, sitsaro, repolyo at celery, pakuluan.
  5. Tanggalin lahat ng sangkap maliban sa sabaw. Itabi ang mga sangkap sa isang lalagyan
  6. Lagyan ng toyo ang sabaw.
  7. Ilagay ang pansit bihon (siguraduhing naibabad muna ito sa tubig sa loob ng 10 minuto bago ilagay). Lutuin hanggang sa matuyo ang sabaw.
  8. Ihalo muli ang mga sangkap sa bihon, lutuin sa loob ng 1 minuto.

4. Menudo

Pinoy handaan food menu. | Larawan mula sa Shutterstock

Mga Sangkap

  • 2 kutsarang mantika
  • 1 kutsaritang atsuete
  • Isang sibuyas
  • 2 butil ng bawang
  • Dalawang (2kgs) kilong baboy (hiniwa nang pa-cubes)
  • 1/4 atay
  • tomato sauce
  • patis
  • 2 tasang tubig
  • 3 patatas (hiniwa nang pa-cubes)
  • 2 carrots (hiniwa ng pa-cubes)
  • 1 latang garabanzo beans
  • Kalahating green bell pepper
  • 1/2 red bell pepper
  • asin at paminta

Mga Paraan

  1. Sa isang kaserola, painitin ang mantika. Ilagay ang atsuete at lutuin, haluin hanggang maging pula ang mantika. Kapag mapula na ang mantik tanggalin ang atsuete.
  2. Igisa ang bawang at sibuyas.
  3. Ilagay ang baboy hanggang sa maging brown ang kulay.
  4. Lagyan ng patis pampalasa, at lutuin sa loob ng 1 minuto.
  5. Ilagay ang tomato sauce.
  6. Ilagay ang tubig at pakuluan sa loob ng 30-35 minuto.
  7. Idagdag ang patatas at carrots, pakuluin sa loob ng 5 minuto.
  8. Ilagay ang atay, bell pepper at garabanzos
  9. Lutuin sa loob ng 5 minuto hanggang sa kumapal ang sauce.

5. Handa sa birthday: Kaldereta

Larawan mula sa Shutterstock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mga Sangkap

  • 1 kilo baboy
  • 250 grams tomato sauce
  • 1 sibuyas
  • 4 butil ng bawang
  • 2 patatas (hiniwa ng pa-cubes)
  • 1 carrot
  • Isangred bell pepper
  • 1 green bell pepper
  • 4 tasa ng tubig
  • 230 grams ng liver spread
  • mantika
  • 1 kutsaritang paprika
  • 2 kutsarang asukal
  • 35 grams keso
  • asin at paminta

Paraang ng pagluluto

  1. Magpainit ng mantika sa kaserola.
  2. Prituhin ang carrots at patatas sa loob ng 3 minuto. Tanggalin pagkatapos.
  3. Igisa ang bawang at sibuyas.
  4. Ilagay ang baboy, at lutuin sa loob ng 20 minuto.
  5. Pagkatapos ilagay ang tomato sauce at tubig, Pakuluan sa loob ng 20 minuto hanggang sa lumambot ang karne.
  6. Ilagay ang liver spread at haluin.
  7. Idagdag ang bell pepper at pakuluan sa loob ng 10 minuto, upang mas maging malasa ang karne.
  8. Ilagay ang dalawang kutsarang asukal. Pambalanse sa lasa.
  9. Budburan ng paprika, dagdagan kung mas mahilig sa maanghang.
  10. Lagyang ng asin at paminta depende sa iyong panlasa.
  11. Idagdag na ang piniritong carrots at patatas. Pakuluin sa loob ng 3 minuto.

BASAHIN:

21 affordable and delicious recipes that cost under P250

50 pesos ulam recipe: 11 ulam recipes na swak sa budget at for the family!

3 tips to celebrate your kids birthday from this event planner mom!

6. Kare-kare

Mga Sangkap

  • 1/2 kilong tuwalya ng baka
  • Isang tasang peanut butter
  • 1/4 giniling na tustadong kanin
  • Kalahating tasang bagoong
  • 3 butil ng bawang
  • 1 sibuyas
  • Isang  kutsaritang atsuete
  • 2 pirasong talong
  • 1 bundle ng pechay
  • 3 kutsarang mantika
  • 1 bundle ng sitaw
  • 5 tasang tubig
  • asin
  • 1 bundle ng okra

Paraan ng pagluluto

  1. Pakuluan ang tuwalya ng baka sa loob ng isang oras hanggang sa lumambot.
  2. Tanggalin ang baaka at itabi ang pinagkuluang sabaw.
  3. Painitin ang mantika at ilagay ang atseute. Kapag pumula na ang mantika tanggalin ang atsuete.
  4. Igisa ang bawang at sibuyas.
  5. Ilagay ang pinagkuluang sabaw, giniling na tustadong kanin, at peanut butter. Ilagay ang tuwalya ng baka.
  6. Pakuluan sa loob ng 15 minuto.
  7. Lagyan ng asin pampalasa.
  8. Ilagay ang talong, sitaw, pechay at okra. Lutuin sa loob ng 5 minuto. Huwag hayaang ma-overcooked ang mga gulay.
  9. I-serve ng may kasamang kanin at bagoong.

7. Handa sa birthday: Barbecue

Larawan mula sa Shutterstock

Mga Sangkap

  • 1 1/2 kilong baboy (hiniwa sa maninipis na piraso
  • 3 kutsaritang Knorr Liquid Seasoning
  •  4 na pirasong kalamansi
  • 1/2 tasang banana ketchup
  • 2 1/2 kutsarang asukal na pula
  • 1/2 tasang toyo
  • 2 kutsaritang garlic powder
  • 4 na pirasong kalamansi
  • 2 kutsaritang vegetable oil

Mga paraan

  1. Ilagay ang baboy sa isang malaking bowl. Ilagay lahat ng iba pang sangkap at imarinate sa loob ng 3 oras.
  2. Itusok ang mga marinated na baboy sa barbecue stick.
  3. Painitin ang ihawan, Ihawin ang baboy sa loob ng 2 minuto. Pahiran ng natirang sauce ang baboy.
  4. Ilagay sa serving plate.

8. Chopsuey

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Shutterstock

Mga Sangkap

  • 7 pirasong binalatang hipon
  • 3 ounces hiniwang baboy
  • 3 ounces boneless na manok
  • 1 ½ tasang cauliflower
  • Isang carrot
  • 15 sitsaro
  • 8 piraso baby corn
  • 1 pirasong red bell pepper
  • Isang pirasong green bell pepper
  • 1 ½ tasang repolyo
  • 12 pinakuluang itlog ng pugo
  • 1 pirasong sibuyas
  • 4 na butil ng bawang
  • ¼ tasang toyo
  • 1 ½ kutsaritang oyster sauce
  • ¾ tasang tubig
  • Isang kutsarang cornstarch nilusaw sa ½ tasang tubig
  • ¼ kutsaritang pamintang durog
  • 3 kutsarang mantika

Paraan ng pagluluto

  1. Initin ang mantika. Ilagay ang hipon, tanggalin pag luto na.
  2. Igisa ang bawang at sibuyas.
  3. Ilagay ang baboy at manok, lutuin hanggang sa maging brown ang kulay.
  4. Huwag kalimutang lagyan ng toyo.
  5. Lagyan ng tubig, pakuluan sa loob ng 15 minuto
  6. Ilagay ang mga gulay at haluin.
  7. Idagdag ang hipon at paminta.
  8. Isunod ang itlog ng pugo at ang cornstarch na tinunaw sa tubig.
  9. Haluin hanggang sa lumapot.

9. Leche Flan

Larawan mula sa Shutterstock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mga sangkap

  • 10 pirasong itlog
  • Isang latang condensed milk
  • 1 tasang fresh milk or evaporated milk
  • Isang tasang granulated sugar
  • 1 kutsaritang vanilla extract

Paraan ng pagluluto

  1. Ihiwalay ang puti ng itlog sa dilaw nito. tanging ang dilaw lamang ang gagamitin.
  2. Paghaluhaluin ang itlog condensed milk, fresh milk at vanila extract.
  3. Maglagay ng kaunting asukal sa llnera at painitin sa ibabaw ng kalan. Ikalat ang caramelized.
  4. Kapag tuyo na ang asukal ilagay ang mixture ng itlog  sa llanera.
  5. Takpan gamit ang aluminum foil.
  6. Steam sa loob ng 30 hanggang 35 minuto.
  7. Kapag luto na ilagay sa ref.

10. Handa sa birthday: Buko pandan

Larawan mula sa Shutterstock

Mga sangkap

  • 2 sachet ng gulaman
  • 3 tasa ng coconut juice
  • 1 tasang asukal
  • 4 drops pandan extract
  • 2 tasang kinayod na buko
  • 1 bote (12 ounces) Nata de coco, drained
  • Isang bote (12 ounces) Kaong, drained
  • 1 lata (14 ounces) table cream
  • Isang lata (14 ounces) sweetened condensed milk

Paraan ng pagluluto

  1. Sa isasng kaserola, tunawin ang gulaman sa coconut juice pakuluan sa loob ng 30 minuto.
  2. Lagyan ng asukal at tunawin.
  3. Pagkatapos, ilagay ang pandan extract.
  4. ILagay sa isang lalagyan palamigin hanggang sa tumigas. Hiwain ng pacubes.
  5. Sa isang malaking lalagyan paghaluin ang gulaman, buko, nata de coco, cream at condensed milk. Lagyan pa ng pandan extract at palamigin.

11. Hatdog on stick with marshmallow

Pinoy handaan food menu. | Larawan mula sa Shutterstock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mga sangkap

  • Hatdog
  • Marshmallow
  • Barbecue sticks

Paraan ng pagawa

  1. Pakuluan ang hatdog.
  2. Tusukin ang hatdog gamit ang barbecue stick at marshmallow sa dulong parte.

Sinulat ni

Joyce Ann Vitug