X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

#TAPlist: 11 na paboritong merienda ng mga Pinoy

4 min read
#TAPlist: 11 na paboritong merienda ng mga Pinoy

Narito ang 11 pinoy na meryenda na hindi mawawala sa panlasa ng bawat Pilipino.

Pinoy merienda ba ang paborito ng iyong pamilya? Narito ang 11 best pinoy merienda na paborito ng bawat Pilipino at mabibili mo kahit nasan ka man sa bansa.

pinoy merienda

Image from Filipino Times

Mga paboritong pinoy merienda

1. Ginataang Bilo-bilo

pinoy merienda

Image from Kawaling Pinoy

Ang ginataang bilo-bilo o halo-halo ang isa sa pinaka-paborintong pinoy merienda ng marami sa atin. Gawa ito sa binilog na kanin na malagkit, kamote, saging, ube at langka. Ang mga ito ay niluto sa gata at tinamplahan ng asukal para maging matamis at malasa. Masarap kainin ang ginataan kapag mainit, pero perfect dessert din ito kapag malamig o galing sa ref.

2. Banana Cue, Turon at Maruya

#TAPlist: 11 na paboritong merienda ng mga Pinoy

Image from Alchetron

Ang mga pinoy merienda na ito na gawa sa saging ay isa rin sa pinakamadali at murang gawin. Gamit ang saging na saba na ipriprito sa mantika na nilagyan ng asukal ay makakatikim na ang inyong pamilya ng banana cue. Kung ibabalot naman ang saging sa wrapper ay turon na ang kalalabasan nito. Maruya naman kung ihahalo ito sa harina.

3. Pancit Bihon

#TAPlist: 11 na paboritong merienda ng mga Pinoy

Image from Kawaling Pinoy

Marami sa atin na ito ang hinahanap hindi lang sa tuwing meryenda kung hindi pati narin sa mga handaan. Gamit ang bihon noodles na hinaluan ng manok o baboy saka dagdagan ng gulay ay may pancit bihon ka ng maihahanda sa inyong pamilya.

4. Sago’t Gulaman

pinoy merienda

Image from Primer

Ang sago’t gulaman ay hindi lang masarap na pinoy merienda, ito rin ay refreshing na dessert at inumin lalo na kapag mainit ang panahon. Gamit ang sago, gulaman na tinimplahan ng asukal at konting vanilla paniguradong mai-enjoy na ito ng inyong pamilya. Lalo na syempre kung ito ay malamig o may yelo pa.

5. Arroz Caldo

pinoy merienda

Image from Kawaling Pinoy

Ang arroz caldo ay gawa sa malagkit na bigas na pinakuluan para lumambot. Saka hinaluan ng sinangkutsang karne ng manok sa bawang, sibuyas at luya. Lagyan lang ng konting paminta at patis ay ready at pwede na itong i-serve sa inyong pamilya.

6. Halo-halo

pinoy merienda

Image from Esquire

Ito naman ang paborito ng lahat lalo na tuwing summer. Dahil hindi ka lang mabubusog sa makukulay na sangkap nito tulad ng saging, kamote, ube, langka, gulaman at sago, marerefresh ka rin sa lamig at linamnam ng pinoy merienda na ito. Lalo na kung ang gatas na ginamit dito ay ang gatas ng kalabaw na sa sarap at sustansya ay nag-uumapaw.

7. Street foods

#TAPlist: 11 na paboritong merienda ng mga Pinoy

Image from Tasteful PH

Ang mga street foods tulad ng fishball, kwek-kwek,squid balls, tokneneng, at cheese sticks ay hindi lang patok na pinoy meryenda dahil sa ito ay mura. Maganda rin itong pangtawid ng gutom na madalas mong makikita saan man sa gilid-gilid ng daan.

8. Kakanin

pinoy merienda

Image from Pinterest

Ang mga kakanin tulad ng sapin-sapin, cassava cake, suman, biko, maja blanca lalo na ang puto bumbong ay hindi rin mawawala sa panlasa at handaang Pilipino. Dahil maliban sa masarap ay tanda rin ito ng pagiging malapit at pagkakaisa ng pamilyang Pinoy. Ang mga kakaning ito ay madalas na gawa sa harina, malagkit na bigas o kaya naman ay kamoteng kahoy. Na nilagyan ng gata ng niyog at tinamplahan ng asukal para tumamis at magkalasa.

9. Spaghetti

pinoy merienda

Image from Delish

Hindi man ito orihinal na pagkaing Pilipino, swak na swak naman sa panlasa ng mga Pinoy ang lasa ng spaghetti. Lalo na ang may Filipino twist na may konting anghang at manamis-namis. Mabenta nga ang pinoy meryenda na ito sa mga bata at handaan.

1o. Pancit palabok

#TAPlist: 11 na paboritong merienda ng mga Pinoy

Image from Kawaling Pinoy

Tulad ng pancit bihon favorite na noodle dish din ng mga Pinoy ang pancit palabok. Lalo pa’t mas malasa at mas puno ito ng sangkap tulad ng hipon, tinapa, chicharon, nilagang itlog at dahon ng sibuyas bilang toppings. Hindi nga lang din ito pang-meryenda dahil pwede itong ihain at kainin ng iyong pamilya kahit anong oras.

11. Saging o mais con yelo

#TAPlist: 11 na paboritong merienda ng mga Pinoy

Image from Pinterest

Maliban sa halo-halo, ang saging at mais con yelo ay paboritong meryenda din ng mga Pinoy kapag tag-init. Dahil sa sangkap nitong saging o mais na hinaluan ng gatas, sago at yelo ay mapapawi ang uhaw pati na ang gutom mo.

Ilan lamang iyan sa mga pinoy meryenda na hinahanap-hanap at talaga nga namang kinahihiligan nating mga Pilipino. Pero maliban sa mga iyan ay maraming pagkaing Pinoy pa ang hindi lamang the best para sa panlasa ng mga Pilipino kung hindi pati narin sa buong mundo.

Partner Stories
#SarapNaNasaPusoKo: Batang Zest-O—Mula Noon, Hanggang Ngayon!
#SarapNaNasaPusoKo: Batang Zest-O—Mula Noon, Hanggang Ngayon!
Immunity for All Kids: Join Ceelin® in giving back through Caritas Philippines
Immunity for All Kids: Join Ceelin® in giving back through Caritas Philippines
Ibinahagi ng Isang Nanay ang Kanyang Trick Kung Paano Niya Pinapainom ng Supplements Ang Kanyang Anak, At Magugulat Kayo!
Ibinahagi ng Isang Nanay ang Kanyang Trick Kung Paano Niya Pinapainom ng Supplements Ang Kanyang Anak, At Magugulat Kayo!
Sisimulan mo na bang pakainin si baby ng solid foods? Subukan siyang pakainin ng 'Organic baby food'
Sisimulan mo na bang pakainin si baby ng solid foods? Subukan siyang pakainin ng 'Organic baby food'

Basahin: 23 Authentic Filipino breakfast meals

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagkain at nutrisyon
  • /
  • #TAPlist: 11 na paboritong merienda ng mga Pinoy
Share:
  • 11 Pinoy breakfast recipes you can make in 10 minutes or less

    11 Pinoy breakfast recipes you can make in 10 minutes or less

  • Camote Cue (Kamote Cue): Masustansiyang meryenda

    Camote Cue (Kamote Cue): Masustansiyang meryenda

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

  • Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

    Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

  • 11 Pinoy breakfast recipes you can make in 10 minutes or less

    11 Pinoy breakfast recipes you can make in 10 minutes or less

  • Camote Cue (Kamote Cue): Masustansiyang meryenda

    Camote Cue (Kamote Cue): Masustansiyang meryenda

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

  • Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

    Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.