#TAPlist: 13 na paboritong merienda ng mga Pinoy

Narito ang 13 pinoy na meryenda na hindi mawawala sa panlasa ng bawat Pilipino.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pinoy merienda ba ang paborito ng iyong pamilya? Narito ang 11 best pinoy merienda na paborito ng bawat Pilipino na tiyak mae-enjoy ng inyong pamilya!

Image from Filipino Times

Mga paboritong pinoy merienda

1. Ginataang Bilo-bilo

Image from Kawaling Pinoy

Ang ginataang bilo-bilo o halo-halo ang isa sa pinaka-paborintong pinoy merienda ng marami sa atin. Gawa ito sa binilog na kanin na malagkit, kamote, saging, ube at langka. Ang mga ito ay niluto sa gata at tinamplahan ng asukal para maging matamis at malasa. Masarap kainin ang ginataan kapag mainit, pero perfect dessert din ito kapag malamig o galing sa ref.

2. Pinoy merienda: Banana Cue, Turon at Maruya

Image from Alchetron

Ang mga pinoy merienda na ito na gawa sa saging ay isa rin sa pinakamadali at murang gawin. Gamit ang saging na saba na ipriprito sa mantika na nilagyan ng asukal ay makakatikim na ang inyong pamilya ng banana cue. Kung ibabalot naman ang saging sa wrapper ay turon na ang kalalabasan nito. Maruya naman kung ihahalo ito sa harina.

3. Pancit Bihon

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Kawaling Pinoy

Marami sa atin na ito ang hinahanap hindi lang sa tuwing meryenda kung hindi pati narin sa mga handaan. Gamit ang bihon noodles na hinaluan ng manok o baboy saka dagdagan ng gulay ay may pancit bihon ka ng maihahanda sa inyong pamilya.

4. Sago’t Gulaman

Image from Primer

Ang sago’t gulaman ay hindi lang masarap na pinoy merienda, ito rin ay refreshing na dessert at inumin lalo na kapag mainit ang panahon. Gamit ang sago, gulaman na tinimplahan ng asukal at konting vanilla paniguradong mai-enjoy na ito ng inyong pamilya. Lalo na syempre kung ito ay malamig o may yelo pa.

5. Pinoy merienda: Arroz Caldo

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Kawaling Pinoy

Ang arroz caldo ay gawa sa malagkit na bigas na pinakuluan para lumambot. Saka hinaluan ng sinangkutsang karne ng manok sa bawang, sibuyas at luya. Lagyan lang ng konting paminta at patis ay ready at pwede na itong i-serve sa inyong pamilya.

6. Halo-halo

Image from Esquire

Ito naman ang paborito ng lahat lalo na tuwing summer. Dahil hindi ka lang mabubusog sa makukulay na sangkap nito tulad ng saging, kamote, ube, langka, gulaman at sago, marerefresh ka rin sa lamig at linamnam ng pinoy merienda na ito. Lalo na kung ang gatas na ginamit dito ay ang gatas ng kalabaw na sa sarap at sustansya ay nag-uumapaw.

7. Street foods

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Tasteful PH

Ang mga street foods tulad ng fishball, kwek-kwek,squid balls, tokneneng, at cheese sticks ay hindi lang patok na pinoy meryenda dahil sa ito ay mura. Maganda rin itong pangtawid ng gutom na madalas mong makikita saan man sa gilid-gilid ng daan.

8. Pinoy merienda: Kakanin

Image from Pinterest

Ang mga kakanin tulad ng sapin-sapin, cassava cake, suman, biko, maja blanca lalo na ang puto bumbong ay hindi rin mawawala sa panlasa at handaang Pilipino. Dahil maliban sa masarap ay tanda rin ito ng pagiging malapit at pagkakaisa ng pamilyang Pinoy. Ang mga kakaning ito ay madalas na gawa sa harina, malagkit na bigas o kaya naman ay kamoteng kahoy. Na nilagyan ng gata ng niyog at tinamplahan ng asukal para tumamis at magkalasa.

9. Spaghetti

Image from Delish

Hindi man ito orihinal na pagkaing Pilipino, swak na swak naman sa panlasa ng mga Pinoy ang lasa ng spaghetti. Lalo na ang may Filipino twist na may konting anghang at manamis-namis. Mabenta nga ang pinoy meryenda na ito sa mga bata at handaan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

1o. Pinoy merienda: Pancit palabok

Image from Kawaling Pinoy

Tulad ng pancit bihon favorite na noodle dish din ng mga Pinoy ang pancit palabok. Lalo pa’t mas malasa at mas puno ito ng sangkap tulad ng hipon, tinapa, chicharon, nilagang itlog at dahon ng sibuyas bilang toppings. Hindi nga lang din ito pang-meryenda dahil pwede itong ihain at kainin ng iyong pamilya kahit anong oras.

11. Pinoy merienda: Saging o mais con yelo

Image from Pinterest

Maliban sa halo-halo, ang saging at mais con yelo ay paboritong meryenda din ng mga Pinoy kapag tag-init. Dahil sa sangkap nitong saging o mais na hinaluan ng gatas, sago at yelo ay mapapawi ang uhaw pati na ang gutom mo.

Ilan lamang iyan sa mga pinoy meryenda na hinahanap-hanap at talaga nga namang kinahihiligan nating mga Pilipino. Pero maliban sa mga iyan ay maraming pagkaing Pinoy pa ang hindi lamang the best para sa panlasa ng mga Pilipino kung hindi pati narin sa buong mundo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

12. Ensaymada

Ang ensaymada ay tinapay na isa rin sa mga paboritong merienda ng mga Pilipino. Isa itong tinapay na may toppings na butter, asukal, at cheese. Swak na swak itong i-partner sa hot chocolate. Pang karaniwan ang pinoy merienda na ito kaya naman tiyak na makabibili ka nito sa malapit na bakery.

13. Binatog

Masarap na merienda rin ang binatog. Para sa mga hindi pamilyar sa pagkain na ito, ito ay steamed puting mais, na nilalagyan ng asin at niyog. Karaniwan itong ibinebenta ng mga naglalakong street vendor sa kanilang mobile food stalls.

Basahin: 23 Authentic Filipino breakfast meals