PIPC 2025: Makulay na Pagsasama ng Pamilya sa Philippine International Pyromusical Competition!

Magaganap ang Philippine International Pyromusical Competition sa MOA mula sa February 15. Isama na ang pamilya at magsaya!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ngayong Pebrero, maghanda na para sa isang makulay at nakakabighaning gabi ng liwanag at musika sa pagbabalik ng Philippine International Pyromusical Competition (PIPC 2025)! Ito ay isang natatanging pagkakataon upang ipagdiwang ang Arts Month kasama ang buong pamilya habang namamangha sa fireworks display na sinabayan ng nakakaakit na musika.

Magandang pagkakataon ito kung naghahanap kayo ng something new para sa bonding ng pamilya. Hindi lang ma-aamaze sa ganda ng mga fireworks, mapapasayaw pa sa musika! Tamang-tama sa buwan ng sining!

Masayang gabi para sa buong pamilya

Mula Pebrero 15 hanggang Marso 15, tuwing Sabado, magpapaligsahan ang mga eksperto sa pyrotechnics mula sa iba’t ibang bansa sa SM by the Bay, SM Mall of Asia. Ang bawat gabi ay puno ng makulay na paputok na tiyak na magbibigay ng kasiyahan sa mga bata at matatanda. Ito ang perpektong pagkakataon upang mag-bonding bilang pamilya, lumikha ng bagong alaala, at masaksihan ang kahanga-hangang sining ng pyromusical!

Larawan mula sa website ng SM Tickets

Schedule ng PIPC 2025

Narito ang iskedyul ng mga bansa na magpapakita ng kanilang talento sa pyrotechnics:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pebrero 15

  • Philippines (Platinum Fireworks Inc.) – Opening Exhibition
  • Austria (Steyrfire)

Pebrero 22

  • France (Luxfactory Fireworks)
  • China (Polaris Fireworks, Co. Ltd)

Marso 1

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • USA (Rozzi Fireworks)
  • Germany (Steffes Ollig Feuerwerk)

Marso 8

  • South Korea (Faseecom)
  • United Kingdom (Pyrotex Fireworx)

Marso 15

  • Canada (Royal Pyrotechnie)
  • Philippines (Platinum Fireworks Inc.) – Grand Closing Exhibition

Siguraduhin ang inyong pwesto sa PIPC 2025

Para sa mas maganda at komportableng karanasan, narito ang presyo ng mga tiket na mabibili sa SM Tickets:

  • Patron with Dinner₱3,000 (Free Seating)
  • VIP₱800 (Free Seating)
  • Gold₱500 (Standing)
  • Silver₱200 (Standing)

Tandaan, siguraduhing sundin ang tamang proseso ng pagbili ng tiket upang maiwasan ang aberya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa website ng SM Tickets

Isang gabi ng sining, saya, at pagkakaisa!

Huwag palampasin ang pagkakataong ito upang gawing makulay at makabuluhan ang inyong Arts Month! Ipunin ang buong pamilya, maghanda ng picnic mats, at sabay-sabay kayong humanga sa mga makapangyarihang likhang-sining sa kalangitan!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kita-kits sa Philippine International Pyromusical Competition 2025—isang hindi malilimutang gabi ng liwanag at musika para sa buong pamilya!

Sinulat ni

Jobelle Macayan