1-taong gulang, binabaril diumano ng pellet gun ng mga magulang

Narito kung bakit dapat iwasang makaranas ng pisikal na pangaabuso ang isang bata at paano siya maililigtas mula rito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pisikal na pang-aabuso sa bata ng kaniyang mga magulang sa Japan, patuloy na iniimbestigahan.

Pisikal na pang aabuso sa bata

Image from Unsplash

Noong nakaraang taon December 1, isang tawag mula sa inang si Ai Jokei, 24-anyos ang natanggap ng emergency services ng Fukuoka Prefecture, Japan. Ayon sa ina ay hindi na daw humihinga ang isang taong gulang na anak niyang lalaki.

Agad namang rumesponde ang emergency services at doon nga nila nakita ang katawan ng bata na wala ng buhay. Ayon sa pagsusuri ang bata ay namatay sa sakit na pneumonia. Ngunit, ang mga marka ng bala ng pellet gun sa katawan ng bata ay may tila ibang ipinapahiwatig.

Matapos ang halos isang taon ng mangyari ang insidente, inaresto kamakailan lang ang mga magulang ng bata na si Masanori Jokei at asawang si Ai. Lumabas kasi sa imbestigasyon na malaki ang kinalaman ng mag-asawa sa pisikal na pang aabuso sa bata na kanilang anak.  Binabaril daw ng mag-asawa ng pellet gun ang anak at ang mga naiwang marka sa katawan nito ang ebidensya.

Itinanggi naman ng mag-asawa ang alegasyon at sinabing ang 3-taong gulang na anak nila ang may gawa nito sa kaniyang kapatid.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pero malakas ang hinala ng mga pulis na ang mag-asawa ang suspek sa pisikal na pang aabuso sa bata. Lalo pa’t may mga report na minamaltrato rin nila ang iba pa nilang anak.

Report ng pangaabuso sa bata

Tulad nalang ng pahayag mula sa mga opisyal ng local child welfare center na bumisita sa kanilang bahay noong January 2018. Ito ay matapos makatanggap ng report ang center ng pangaabuso ng mag-asawa sa mga anak nila. Naabutan daw nila ang panganay na anak ng mag-asawa na may pasa sa mukha. Ngunit agad naman itong dinepensahan ng mag-asawa at sinabing nauntog lang sa pader ang bata.

Lumabas din sa imbestigasyon ng mga pulis na may isa pang anak ang mag-asawa na nasawi noong 2016. Ito ay dalawang taong gulang at ang naging sanhi ng pagkamatay ay suddent infant death syndrome o SIDS.

Dahil sa mga nakalap na impormasyon ay inaresto ang mag-asawa. Bagamat patuloy paring gumugulong ang imbestigasyon tungkol sa pagkamatay at kaso ng pisikal na pang aabuso sa bata na kinasasangkutan nila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Samantala, ang mga anak ng mag-asawa na kinabibilangan ng isang tatlong buwang sanggol na babae ay nasa protective custody ngayon

Kaso ng pangaabuso

Ayon kay Fujiko Yamada, founder ng Child Maltreatment Centre sa Japan ang mga kwento ng pang-aabuso ng magulang sa anak ay hindi na bago sa kanila. Isa nga daw sa dahilan kung bakit nagpapatuloy ito ay ang hindi pakikialam ng ibang nakakakita ng ginagawang pangaabuso. Habang ang mga kamag-anak naman ng mga magulang na sangkot sa pang-aabuso ay gustong protektahan at ayaw masira ang pangalan ng kanilang kaanak.

Hindi rin ito nalalayo sa sitwasyon sa Pilipinas na kung saan walo sa sampung batang Pilipino ang tinatayang nakakaranas ng pangaabuso. At ito ay madalas na ginagawa ng mga taong malapit sa kanila o pinagkakatiwalaan nila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pisikal na pangaabuso sa loob ng bahay

Sa isang pag-aaral nga ng Council for the Welfare of Children (CWC) at United Nations Children’s Fund (UNICEF) ay natuklasan nilang 60.4% ng naitalang pisikal na pang aabuso sa bata sa bansa ay nangyayari sa loob ng kanilang bahay. Habang 14.3% ang sa eskwelahan na kanilang pinag-aaralan at 12.5% ang nararanasan nila sa kanilang komunidad. At ang natitirang porsyento ay nangyayari naman sa lugar na pinagtratrabahuan ng batang naaabuso at sa kaniyang kinakasama o karelasyon.

Ayon nga kay CWC Planning Officer III Ruth Limson-Marayag, ang pisikal na pang aabuso na nararanasan ng mga bata sa kanilang bahay ay sa pamamagitan ng corporal punishment. Ito ay ang pananampal, pamamalo, pananabunot at pagpipingot ng kanilang tenga.

“What happens is that the parents think that this corporal punishment is a way to discipline their children which is very wrong. We should not use violence to discipline children.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ang pahayag ni Marayag na sinabing ang pisikal na pangaabuso na ito ay itinuturing ng mga magulang na paraan ng pag-didisiplina sa kanilang anak na isa daw malaking pagkakamali.

Epekto ng pangaabuso sa bata

Kung ito daw ay magpapatuloy, ang pisikal na pangaabuso na ito ay magdudulot ng napakalaking impact sa buhay ng isang bata. Maari umano itong magdusa sa mga lifelong developmental issues na maaring mag-resulta naman sa violence.

“They think it is normal if their parents hit them because they are only being disciplined and being loved. They are becoming used to violence”, dagdag na pahayag ni Marayag.

Maliban sa developmental issues ang pisikal na pang aabuso sa bata ay maari ring magdulot ng mga sumusunod na kondisyon. Ito ay ayon parin sa ginawang pag-aaral ng CWC at UNICEF:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Mental at physical health disorders
  • Trauma
  • Anxiety
  • Depression
  • Health-risk behaviors tulad ng smoking, alcoholism, drug abuse at engagement sa high risk sexual activity

Kaya naman pakiusap ng CWC at UNICEF, protektahan ang karapatan ng mga bata. I-report ang mga kaso ng pang aabuso sa bata sa kanila. Upang ito ay kanilang maaksyunan, masagip ang buhay at mabigyan pa ng maliwanag na bukas ang mga batang ito.

Source: AsiaOne, The Philippine Star, UNICEF

Basahin: Depresyon: Mga sintomas, sanhi, at paraan upang matulungan ang kabataang dumaranas nito