Ang placenta ay isang organ na tumutubo at kumakabit sa uterus habang buntis ang isang ina. Ito ang nagbibigay oxygen at sustansiya sa lumalaking sanggol. Ang placenta din ay tumutulong tanggalin ang dumi o waste products mula sa dugo ni baby. Ngunit kahit naipanganak na ang baby, maraming naninwalang hindi natatapos ang placenta sa pagbigay ng sustansiya. Kaya may mga nauso nang placenta recipe or placenta drink.
Placenta Drink: Aktres na si Jennica Garcia Nag-Share ng Experience Pagkatapos Ng Kaniyang Lotus Birth
Kamakailan lamang kinuwento ng aktres na ilang araw lamang matapos niyang iluwal ang pangalawang anak nila ni Alwyn Uytingco, gumawa siya ng isang placenta drink o smoothie.
Pinili niyang mag-Lotus birth delivery, isang paraan ng panganganak kung saan hindi muna pinuputol ang umbilical cord at iniiwang nakakabit ang placenta ni baby.
Sa isang post sa Instagram, ibinahagi ng 28-anyos na aktres ang larawan ng kaniyang “little angel” at ang kaniyang “sister placenta.”
I am so excited to share the Birth Story of our second child with you, but for now, I hope this will do…. Meet our little angel and her sister placenta. They are on their third day together now. 💫 #FullLotusBirth In the next photo, thanks to @irina_doula, you will see a lovingly prepared fruit smoothie. Blended with it, is a small piece of my daughter’s own placenta. To my surprise, my husband, drank two sips from my smoothie before handing it over to me! 😂 Kaya siguro mahal na mahal ko ang asawa ko. Alam kong naiintindihan at suportado niya ako, gaano man ka-iba ang nais kong tahakin na landas. While most would probably take the smoothie in one go, being worried that there might actually be a foul taste or smell from the placenta, I took a sweet time drinking mine and enjoyed every moment of it. We even kept a few more pieces in the freezer to be able to make more for later. Cheers! ☺️ #PlacentaSmoothie
A post shared by Kalinga Ni Nanay (@jennicauytingco) on
pinangako din niyang iki-kuwento ang buong birth story niya sa mga susunod na araw.
“In the next photo, you will see a lovingly prepared fruit smoothie. Blended with it, is a small piece of my daughter’s own placenta (Sa susunod na larawan, makikita niyo ang isang fruit smoothie na hinandang may pagmamahal. Nakahilo dito ay isang maliit ng piraso ng placenta ng aking anak),” sinulat ni Jennica sa caption, kung saan pinasalamatan niya ang kaniyang doula na si Irina Otmakhova ng Conscious Birth Manila.
“To my surprise, my husband, drank two sips from my smoothie before handing it over to me! Kaya siguro mahal na mahal ko ang asawa ko (Nagulat ako kasi uminom ng konti ang asawa ko bago inabot sa akin),” dagdag ni Jennica. “Alam kong naiintindihan at suportado niya ako, gaano man ka-iba ang nais kong tahakin na landas.”
Sabi pa ni Jennica, kung ang iba man ay mamadaliin itong inumin dahil sa pangambang mabaho o hindi maganda ang lasa, ang asawa daw niya’y dahan-dahan ito ininom at na-enjoy pa daw nito ang placenta drink. Nagtabi pa sila ng ibang piraso ng placenta sa kanilang freezer upang makagawa pa ng placenta smoothies.
Safe Nga Bang Inumin ang Placenta Drink?
Maraming mommies ay uminom na at kumain ng sariling placenta. Sa katunayan, hindi lamang smoothies ang maaaring gawin mula dito. Yung iba kinakain ito ng hilaw, pero may mga ibang ginamit itong bilang ingredient sa lasagna, tacos, at chili.
Sa mga nakasubok na nito, sinasabing nakatulong ito pataasin ang kanilang energy after manganak, punan ang mababang lebel ng iron, paramihin ang gatas ng ina, at maaari ding labanan daw nito ang postpartum blues o depression.
Pero may iba namang pag-aaral na nagsasaad na hindi ito totoo para sa lahat. Mayroon ding nagsasabing may panganib din daw ng impeksiyon, dahil daw kapag dinihydrate o ginawa itong capsules nagkakaroon daw ito ng mga bacteria na maaaring makasama sa iinom nito.
Kung ikaw ay malapit na maging mommy at plano mong isama ang placenta drink o iba pang recipes sa postpartum diet mo, mahalagang aware ka sa mga maganda at hindi gaano kagandang feedback ng mga nakasubok na at ng mga eksperto. Higit sa lahat, kumunsulta sa pinagkakatiwalaang doktor upang malaman mo kung itong sumiskat na postpartum practice ay ang tamang desisyon para sa iyo.
sources: Science Magazine, WebMD, MayoClinic, Journal of Obstetric, Gynecologic & Neonatal Nursing
ALAMIN: Lahat ng Mahalagang Kaalaman Tungkol Sa Placenta
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!