Ang mga plant-based milk ay sumikat sa merkado 5 hanggang 10 taon na ang nakakalipas. Kinikilala ito bilang organic na alternatibo sa gatas na maaaring inumin. Dahil dito, parami nang parami ang mga magulang na nagpapa-inom nito sa kanilang mga anak. Subalit, ayon sa isang bagong guidelines na inilabas ng mga kilalang health organizations, dapat itong iwasang ibigay sa mga bata.
Alamin ang dahilan sa pagpapa-iwas na ito at ang ilan pang mga inumin na hindi dapat ibigay sa mga bata.
Inumin na hindi dapat ipa-inom sa mga bata
Plant-based milk
Ang mga plant-based na gatas ay ang mga gatas na gawa sa mga halaman. Kabilang dito ang rice milk, coconut milk at oat milk. Ayon sa Healthy Eating Research, mali ang pag-iisip na kayang tumbasan ng plant-based na gatas ang mgaregular na gatas. Ang nutrisyon na maaaring makuha sa mga plant-based na gatas ay hindi sapat para sa mga bata. Dahil sa kakulangan na ito, hindi nasusuportahan ang kanilang development lalo na sa kanilang murang edad. Kulang ito sa Vitamin D at Calcium na kailangan nila sa kanilang murang edad.
Flavored milk
Ang mga flavored milk ay sadyang naka-disenyo para sa mga bata. Ngunit, ang pagdagdag ng pampatamis sa mga inuming ito ay hindi maganda para sa kanilang kalusugan. Ang isang kariton ng flavored milk ay nakakadagdag ng apat na kutsaritang asukal sa katawan ng mga bata. Nakakadagdag ito ng calories sa mga bata na hindi kailangan ng kanilang mga katawan. Isa ito sa pangunahing nagdudulot ng childhood obesity.
Softdrinks
Marami nang naririnig na nagsasabing hindi maganda ang pag-inom ng softdrinks sa kalusugan. Maaaring hindi pa ito nararamdaman dahil sa matured na digestive system ngunit, hindi dapat ito ibigay sa mga bata. Ang mga softdrinks ay walang naidudulot na maganda sa kalusugan at punong puno ng asukal. Maaari itong maging sanhi ng obesity o kaya naman ay type 2 diabetes. Naiuugnay din ito sa maagang pagkasira ng ngipin at kadalasang may nilalaman na caffeine.
Kape at energy drinks
Ang caffeine na nilalaman ng mga kape at energy drinks ay maaaring magdulot ng pagiging nerbyoso, mabilis na pagtibok ng puso, anxiety, at kakulangan sa pagtulog sa mga matatanda. Dahil sa kanilang murang edad at maliliit na katawan, mas malala ang magiging epekto nito sa mga bata. Dagdag pa dito, ang asukal na nilalaman ng mga energy drinks ay sobrang taas at maaaring magdulot ng type 2 diabetes.
Sports drinks
Ang mga sports drinks ay kadalasang ginagamit para mapanatili ang hydration. Kadalasan, inirerekumenda itong inumin kapag nagtatae. Ngunit, hindi dapat ito ibigay sa mga bata dahil sa sobrang asukal na naibibigay nito sa katawan. Hindi inirerekumenda ang dala nitong 8 kutsarita ng asukal sa bawat 20 ounce ng inumin.
Juice
Dapat iwasan ng mga bata ang artificially sweetened na mga juice upang maka-iwas sa sobrang asukal sa kanilang mga sistema. Ang mga natural na fruit juice naman ay dapat kontrolin upang maiwasan ang obesity sa bata. Inirerekumenda ng mga eksperto na huwag bigyan ang mga bata ng juice bago mag isang taong gulang. Mula 1 taong gulang hanggang 3 taong gulang, ang iniinom na 100% fruit juice sa isang araw ay hindi dapat lumagpas ng 4 ounces (120ml).
Sources: CNN, Cleaveland Clinic, Healthline
Basahin: STUDY: Nakaka-apekto ang kape sa kalusugan ng ipinagbubuntis
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!