Maraming iba’t ibang klase ng playhouse for sale sa Philippines ang tiyak na magugustuhan ng inyong mga anak. Makatutulong ang playhouse para sa mas safe at mas magandang pretend play experience.
Beneficial ang pretend play sa pag-develop ng creativity at imagination ng kids. May mga bata man na sapat na ang ilang props na makikita sa bahay para sa mga karagdagang senaryo, malaki ang maitutulong ng playhouse para i-level up ang imaginary world nila.
Bukod sa pagpapalawak ng imagination at creativity ng inyong anak, helpful din sa pag-enhance ng iba pa nilang developmental skill sets ang paglalaro sa playhouse.
Benefits ng pretend play sa development ng kids
Tinatawag na pretend play ang paglalaro ng mga bata sa pamamagitan ng paggaya sa mga propesyon, fictional characters, o sa kanila mismong mga magulang.
Sa pamamagitan ng pretend play, maraming matututunan ang inyong mga anak tulad ng problem-solving, communication, cooperation, at coordination skills. Aside from these, narito ang ilan pa sa mga benepisyo ng pretend play sa development ng kids:
- Makikilala ang kanilang mga sarili. Nag-uumpisang mabuo ang konsepto ng preference sa kanilang role playing. Dito rin nila malalaman ang kanilang interes, abilidad, at mga gustong makamit sa kanilang pagtanda.
- Awareness sa iba’t ibang isyu sa buhay. Sa pamamagitan ng pretend play, natututunan ng mga bata na maging handa sa challenges sa buhay at malaman kung paano ito magagawan ng solusyon.
- Social and emotional intelligence. Makatutulong ito upang matuto silang bumasa ng social cues, mag-recognize at regulate ng emotions, at maki-cooperate sa long-term activities.
- Collaborate. Karaniwan sa pretend play ang pagbibigay ng role sa bawat isa. Sa pamamagitan nito, natututunan ng kids na makipag-collaborate sa mga kalaro at matuto mula sa isa’t isa.
Mga dapat i-consider sa pagpili ng best playhouse para sa inyong anak
May iba’t ibang klase ng playhouse for sale sa Philippines ang beneficial para sa development ng imagination ng inyong mga anak. Ano nga ba ang mga dapat isaalang-alang bago bumili ng playhouse para sa kids?
- Safety – Piliin ang playhouse na gawa sa safe materials na hindi magdudulot ng injury sa mga bata.
- Size – Pumili ng size na akma sa inyong mga anak at sa espasyo kung saan mo ito balak na ilagay. Alamin ang sukat at kung ilan ang kasya sa playhouse.
- Design – Iba’t iba ang preference ng kids pagdating sa kanilang laruan. Piliin ang design na akma sa interes ng inyong kids.
- Feature – Piliin ang playhouse na may feature na makatutulong sa pag-level up ng pretend play ng kids. Alamin kung may props ba itong kasama, saan ito best na itayo, at kung paano ito i-assemble.
- Price – Dapat ding isaalang-alang ang budget ng pamilya. Piliin ang playhouse na swak sa inyong budget.
Playhouse for sale Philippines: Best picks para sa imagination ng kids
Nahihirapan ka bang pumili ng playhouse na interesante para sa iyong anak? Narito ang ilan sa best playhouse for sale sa Philippines:
[product-comparison-table title="Best Playhouse for Kids"]
Best for travel
Matutuwa ang little prince at princess nyo sa Tent Castle Cubby House. Gawa sa polyester fabric at may sturdy pole ang playhouse na ito na madaling i-assemble.
Because of this, hindi mahihirapan si mommy o daddy na itayo ang pretend kingdom ng kanilang kids.
Ito ay may sukat na 105 cm x 135 cm kapag itinayo at may diameter na 40 cm kung itutupi. In addition, madali itong bitbitin at pwedeng itayo kahit saang lugar na safe sa kids.
And because ito ay portable at magaan, napili namin ito bilang best for travel playhouse for sale dito sa Philippines.
Features na gusto namin:
- Safety – Gawa sa non-toxic fabric na safe sa kids.
- Size – Kasya ang dalawa hanggang tatlong bata.
- Design – Available sa kulay blue at pink na akma sa kahit anong kasarian. Roll-up fabric ang pinaka pinto nito at may dalawang bintana para sa proper ventilation sa loob.
Multi-functional playhouse
Versatile ang Playhouse Tunnel Set na maaaring paghiwa-hiwalayin upang makabuo ng tatlong individual toy facilities.
Aside from that, pwede rin namang pagdikit-dikitin para maging playground ng inyong anak. In total, may playhouse tent, tunnel na lulusutan ng kids, at game pool kung saan pwedeng maglaro ng bola ang mga bata.
Makapal ang tela at matibay ang pagkakagawa kaya magagamit nang matagal na panahon. Hindi mahirap i-set up dahil sa pop-up design nito.
Flat naman ang Playhouse Tunnet Set kung itutupi. In addition, magaan at may zipper carry bag kaya pwede ring dalahin sa park o saan mang spacious place na safe sa kids.
May maliit na basketball ring sa game pool at may anti-mosquito rolled up window ang playhouse tent. Makatutulong naman sa motor skills at sa pagpapalakas ng muscle ng kids ang crawling tunnel.
May sukat na 270 x 110 x 85 cm ang game pool; 80 x 80 x 85 cm naman ang playhouse tent; at 46 x 104 cm naman ang tunnel tube.
Features na gusto namin:
- Safety – Gawa sa non-toxic, breathable, environmentally friendly polyester fabric at high-quality gauze.
- Size – Kasya ang apat hanggang limang bata. Maluwag kaya mapapanatili ang maayos na air circulation habang naglalaro.
- Design – Foldable at portable design, may distribution storage bags, at makulay. Pop-up tent ito na hindi na kailangang i-assemble at walang steel wire na maaaring makatusok sa kids.
Best outdoor playhouse
Kung nais niyong i-level up ang inyong backyard para sa imaginative play ng inyong anak, perfect ang Haenim Park Kids Playhouse.
Hindi lang ito basta playhouse dahil may kasama rin itong park slides, basketball ring, table at dalawang stool chair. Because of this, siguradong ma-eenjoy ng kids ang outdoor play.
In addition, madaling i-assemble ang playhouse na ito at madali ring linisin. Best of all, suitable na itayo outdoor pero pwede rin namang gamitin sa loob ng bahay na may malawak na space.
May pinto na madaling buksan at bintana na may sapat na sukat para magawang makipag-interact ng bata sa loob ng playhouse sa mga tao sa labas nito.
May sukat na 1050 x 1190 mm ang playhouse; 890 x 380 mm ang slide; 660 x 950 mm ang basketball ring area; 460 x 590 x 500 mm ang table; at 200 x 300 mm ang upuan.
Features na gusto namin:
- Safety – Gawa sa non-toxic, high-quality plastic. Pakurba at hindi matulis ang edges kaya safe sa kids.
- Size – Kasya ang dalawang bata sa loob ng playhouse habang pwede pang maglaro ang ibang bata sa slide, sa basketball area at table sa labas ng playhouse.
- Design – Park themed design na entertaining sa mga bata. Matibay ang pagkakagawa kaya maaaring magamit nang matagal na panahon.
Best for interactive play
Pwedeng for indoor at outdoor use ang Toy Kingdom Kiddie Playhouse. If ever gustuhin ng inyong anak na maglaro sa bakuran o kaya naman sa loob ng inyong bahay ay pwedeng pwede ang playhouse na ito.
Sa Toy Kingdom Kiddie playhouse, maaaring imbitahan ng inyong anak ang kaniyang mga kalaro para sa creative at imaginative role play.
Not only that, maganda rin ang playhouse na ito sa parents na may more than one child. Because it measures 37 x 43 x 46 inches, malawak ito kaya tamang-tama sa bonding ng kids.
Features na gusto namin:
- Safety – Gawa sa safe at sturdy plastic materials na madaling i-assemble at linisin.
- Size – Kasya ang apat hanggang limang bata.
- Design – Gender-neutral ang design at kulay. Hanggang kalahati lang ng playhouse ang taas ng mga fence wall at pinto, kaya maaliwalas at may maayos na ventilation.
Best for small spaces
Gawa sa polyester fabric ang Foldable Oxford Playhouse kaya pwede itong gamitin sa outdoor tulad ng common camping tents. Maaari din namang gamitin ang playhouse na ito sa loob ng bahay.
Kung maliit lang ang espasyo kung saan maaaring maglaro ang inyong anak sa loob ng bahay, best pick ang Foldable Oxford Playhouse.
Ito ay dahil sa sapat lang ang sukat nito para sa isa hanggang dalawang bata kung sila ay hihiga o dalawa hanggang apat na bata kung maglalaro nang nakaupo.
Features na gusto namin:
- Safety – Gawa sa safe polyester fabric na walang harsh odor.
- Size – May sukat na 130 x 100 x 100 cm.
- Design – Available sa kulay na pink at blue at may hanging flower design. May breathable and anti-mosquito window feature para sa komportableng pretend play ng kids.
Price Comparison: Playhouse for sale
Hanap mo ba’y playhouse for sale na pasok sa budget at available sa Philippines? Narito ang list ng best playhouse para sa inyong kids!
Product |
Price |
Tent Castle Cubby House |
₱230.00 |
Playhouse Tunnel Set |
₱580.00 |
Haenim Park Kids Playhouse |
₱15,500.00 |
Toy Kingdom Kiddie Playhouse |
₱12,999.75 - ₱13,700.00 |
Foldable Oxford Playhouse |
₱349.00 - ₱559.00 |
Note: Each item and price is up to date as of publication, however, an item may be sold out or the price may be different at a later date.
Tips and ideas para sa pretend play
Ngayong nakapili ka na ng best playhouse for sale, tandaan na mahalaga rin ang participation ng magulang sa pretend play ng kids.
Narito ang ilang tips and ideas na maaari niyong gawin para sa pretend play ng inyong mga anak:
- Gamitin ang paboritong story ng inyong anak at hayaan siyang gumawa ng sarili niyang twist.
- Bigyan sila ng dolls, puppets o stuffed animals lalo na para sa mga batang walang kalaro. Makatutulong ito para ma-express nila ang kanilang ideas at emotions.
- Gumamit ng playhouse at props na angkop sa istorya ng pretend play na nais ng inyong anak.
- Maglaan ng oras para sa inyong mga anak. Mahalaga pa rin na nakakausap ng mga magulang ang kanilang kids habang naglalaro para magabayan at matulungan sila sa pagbuo ng mga idea sa kanilang pretend play.
Isabay na rin ang pagbili ng playmats for your kids. Basahin: Best Baby Play Mat Brands in the Philippines For Safe Floor Time