TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
EnglishFilipino
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login
  • EnglishFilipino
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

PNP doctor na gumagamot ng COVID-19 patients namatay dahil sa 'toxic disinfectant'

4 min read
PNP doctor na gumagamot ng COVID-19 patients namatay dahil sa 'toxic disinfectant'

Bakit nga ba namatay ang PNP doctor dahil sa disinfectant?

PNP doctor namatay dahil sa toxic disinfectant na kanyang aksidenteng na-inhale. Bakit nga ba gumagamit ng toxic disinfectant ang Philippine National Police sa mga quarantine facilities?

PNP doctor disinfectant

Hindi man sa COVID namatay si Capt. Casey Gutierrez na isang PNP doctor, nalason naman ito dahil umano sa toxic disinfectant na kanyang nalanghap.

Ikinwento ng kapwa niya doktor ang pangyayari noong sila ay na-deploy sa PhilSports Arena na isang quarantine facility. Nag-undergo umano si Capt. Gutierrez sa decontamination matapos nitong i-check ang isang pasyente. Pagkatapos nito ay nakaramdam na siya ng paninikip ng dibdib.

pnp doctor disinfectant

Image from Freepik

Agad naman daw itong dinala sa PNP General Hospital at Camp Crame para sa initial treatment, ngunit inilipat din sa Lung Center of the Philippines upang mas matututukan.

Limang araw lamang mula sa araw na iyon ay namatay na siya.

Ano ang kabuuang nangyari

Ayon sa initial findings sa kanya, namatay si Capt. Gutierrez dahil sa massive pulmonary embolism na sanhi ng pagka-inhale niya ng toxic substance.

Ang nakakapagtaka pa rito, nagkaroon pa ng dalawang kaso na pareho rin ang nangyari noong June 1. Dalawang PNP medical personnel din ang nagkasakit matapos magdaan sa decontamination.

Ayon pa sa ibang report, maaring bleach ang na-inhale ni PNP doctor Gutierrez. Bagama’t naka PPE siya noon, delikado pa rin ito basta’t na-inhale ang kemikal.

Bakit delikado ito?

Kung itong toxic disinfectant ay patuloy na ginagamit upang i-disinfect ang mga frontliners, maaring dumami pa ang matulad sa sitwasyon ni Capt. Gutierrez.

PNP doctor na gumagamot ng COVID-19 patients namatay dahil sa toxic disinfectant

Image from Facebook

Kung totoong bleach ang nalalanghap na disinfectant, ang epekto nito sa katawan ay maaring makaapekto sa cells at internal organs ng biktima at ang pagkalason ay maaring magdulot ng pagkakasakit o tuluyang kamatayan.

Ang sintomas at komplikasyon na mararanasan ng apektado ay depende sa uri ng kemikal na kanyang nalanghap, pati na ang edad ng pasyente at ang kanyang medical history.

Pero ang karaniwang sintomas na nakikitang nararanasan ng pasyente ay pagkahilo, pagsusuka, pagkalito, hirap sa paghinga, abnormal na kulay ng balat, seizure at may nararanasang pananakit sa katawan. Na siyang naranasan ni Capt. Gutierrez sa paglalarawan ng kanyang kasamahan.

Sintomas ng chemical poisoning

  • Gastrointestinal Symptoms: Pagkahilo, pagsusuka na may kasamang diarrhea
  • Respiratory Symptoms: Pag-ubo at hirap sa paghinga. Tandaan na ang normal breathing rate para sa isang adult ay 16 times per minute.
  • Brain Symptoms: Mawawalan ng malay, magkakaroon ng seizure at mental confusion.
  • Corrosive Poisoning – na nanggagaling sa concentrated acid at cleaners: Paninikip ng dibdib at pagsakit ng lalamunan dala ng esophageal heartburn.

First aid para sa chemical poisoning

  • Siguraduhin na walang ibang risk o sakit ang biktima bago siya bigyan ng first aid.
  • I-identify ang lason na kanyang nalanghap o na-intake.
  • Alamin din kung gaano na katagal simula noong nangyari ito.
  • Obserbahan ang mga sintomas at tumawag ng medical assistance.
  • Kung walang malay ang biktima, mag-perform ng CPR kung marunong.

Pagpapahalaga sa frontliners

pnp doctor disinfectant

Image from Freepik

Sa katunayan, ang mga frontliners dito sa Pilipinas ay hindi gaanong nabibigyan ng proteksyon at importansya. Kahit pa sila ang nasa front line at itinataya ang kanilang buhay para sa bayan, tila hindi sila nabibigyan ng kaukulang benefits.

Sa ilalim ng Bayanihan to Heal As One Act na inilahad noong March 24, ang gobyerno ay magbibigay ng 100,000 pesos na compensation para sa public at private health workers na na-infect ng COVID-19 at 1 million pesos naman para sa mga namatay ngayong pandemic habang nagseserbisyo.

Gayunpaman, hanggang ngayon ay wala pa rin ang fund na ipinangako. Sa isang privilege speech, binanggit ito ni Senator Go:

“Thirty-two na ang namatay na health workers, ilang daan na ang nagkasakit, ilang libong pamilya ang apektado. Pahihirapan niyo pa dahil sa matagal na proseso ng pagbibigay ng serbisyo.”

Binigyan naman ni President Duterte ng hanggang June 9 ang mga health authorities para maibigay ang compensation ng mga frontliners na namatay.

 

 

Partner Stories
Fact vs. Myth: What Every Filipino Parent Needs to Know About Obesity
Fact vs. Myth: What Every Filipino Parent Needs to Know About Obesity
The LEGO Group introduces new LEGO Disney Mickey and Friends range for preschoolers
The LEGO Group introduces new LEGO Disney Mickey and Friends range for preschoolers
Start your child’s day right with hearty whole grains
Start your child’s day right with hearty whole grains
Brother Philippines and SEA Institute donate to Batangas public schools
Brother Philippines and SEA Institute donate to Batangas public schools

Source:

PhilStar, CNN

Basahin:

A mother’s sacrifice: Heroic tales of love and care from mom frontliners

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

mayie

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pandemya ng COVID-19
  • /
  • PNP doctor na gumagamot ng COVID-19 patients namatay dahil sa 'toxic disinfectant'
Share:
  • Beyond Milk and Toward Healing

    Beyond Milk and Toward Healing

  • Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

    Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

  • Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

    Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

  • Beyond Milk and Toward Healing

    Beyond Milk and Toward Healing

  • Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

    Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

  • Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

    Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko