PNP doctor namatay dahil sa toxic disinfectant na kanyang aksidenteng na-inhale. Bakit nga ba gumagamit ng toxic disinfectant ang Philippine National Police sa mga quarantine facilities?
PNP doctor disinfectant
Hindi man sa COVID namatay si Capt. Casey Gutierrez na isang PNP doctor, nalason naman ito dahil umano sa toxic disinfectant na kanyang nalanghap.
Ikinwento ng kapwa niya doktor ang pangyayari noong sila ay na-deploy sa PhilSports Arena na isang quarantine facility. Nag-undergo umano si Capt. Gutierrez sa decontamination matapos nitong i-check ang isang pasyente. Pagkatapos nito ay nakaramdam na siya ng paninikip ng dibdib.
Agad naman daw itong dinala sa PNP General Hospital at Camp Crame para sa initial treatment, ngunit inilipat din sa Lung Center of the Philippines upang mas matututukan.
Limang araw lamang mula sa araw na iyon ay namatay na siya.
Ano ang kabuuang nangyari
Ayon sa initial findings sa kanya, namatay si Capt. Gutierrez dahil sa massive pulmonary embolism na sanhi ng pagka-inhale niya ng toxic substance.
Ang nakakapagtaka pa rito, nagkaroon pa ng dalawang kaso na pareho rin ang nangyari noong June 1. Dalawang PNP medical personnel din ang nagkasakit matapos magdaan sa decontamination.
Ayon pa sa ibang report, maaring bleach ang na-inhale ni PNP doctor Gutierrez. Bagama’t naka PPE siya noon, delikado pa rin ito basta’t na-inhale ang kemikal.
Bakit delikado ito?
Kung itong toxic disinfectant ay patuloy na ginagamit upang i-disinfect ang mga frontliners, maaring dumami pa ang matulad sa sitwasyon ni Capt. Gutierrez.
Kung totoong bleach ang nalalanghap na disinfectant, ang epekto nito sa katawan ay maaring makaapekto sa cells at internal organs ng biktima at ang pagkalason ay maaring magdulot ng pagkakasakit o tuluyang kamatayan.
Ang sintomas at komplikasyon na mararanasan ng apektado ay depende sa uri ng kemikal na kanyang nalanghap, pati na ang edad ng pasyente at ang kanyang medical history.
Pero ang karaniwang sintomas na nakikitang nararanasan ng pasyente ay pagkahilo, pagsusuka, pagkalito, hirap sa paghinga, abnormal na kulay ng balat, seizure at may nararanasang pananakit sa katawan. Na siyang naranasan ni Capt. Gutierrez sa paglalarawan ng kanyang kasamahan.
Sintomas ng chemical poisoning
- Gastrointestinal Symptoms: Pagkahilo, pagsusuka na may kasamang diarrhea
- Respiratory Symptoms: Pag-ubo at hirap sa paghinga. Tandaan na ang normal breathing rate para sa isang adult ay 16 times per minute.
- Brain Symptoms: Mawawalan ng malay, magkakaroon ng seizure at mental confusion.
- Corrosive Poisoning – na nanggagaling sa concentrated acid at cleaners: Paninikip ng dibdib at pagsakit ng lalamunan dala ng esophageal heartburn.
First aid para sa chemical poisoning
- Siguraduhin na walang ibang risk o sakit ang biktima bago siya bigyan ng first aid.
- I-identify ang lason na kanyang nalanghap o na-intake.
- Alamin din kung gaano na katagal simula noong nangyari ito.
- Obserbahan ang mga sintomas at tumawag ng medical assistance.
- Kung walang malay ang biktima, mag-perform ng CPR kung marunong.
Pagpapahalaga sa frontliners
Sa katunayan, ang mga frontliners dito sa Pilipinas ay hindi gaanong nabibigyan ng proteksyon at importansya. Kahit pa sila ang nasa front line at itinataya ang kanilang buhay para sa bayan, tila hindi sila nabibigyan ng kaukulang benefits.
Sa ilalim ng Bayanihan to Heal As One Act na inilahad noong March 24, ang gobyerno ay magbibigay ng 100,000 pesos na compensation para sa public at private health workers na na-infect ng COVID-19 at 1 million pesos naman para sa mga namatay ngayong pandemic habang nagseserbisyo.
Gayunpaman, hanggang ngayon ay wala pa rin ang fund na ipinangako. Sa isang privilege speech, binanggit ito ni Senator Go:
“Thirty-two na ang namatay na health workers, ilang daan na ang nagkasakit, ilang libong pamilya ang apektado. Pahihirapan niyo pa dahil sa matagal na proseso ng pagbibigay ng serbisyo.”
Binigyan naman ni President Duterte ng hanggang June 9 ang mga health authorities para maibigay ang compensation ng mga frontliners na namatay.
Source:
Basahin:
A mother’s sacrifice: Heroic tales of love and care from mom frontliners