Pokwang naghain ng deportation complaint sa ex niyang si Lee O’Brian. Aktres nais ipa-kansela ang tourist visa ni Lee ng isang American citizen.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Deportation complaint ni Pokwang sa ex niyang si Lee O’Brian.
- Hiwalayan ni Pokwang at ni Lee.
Deportation complaint ni Pokwang sa ex niyang si Lee O’Brian
May bagong pasabog sa Instagram ang komedyanteng si Pokwang ukol sa ex niyang si Lee O’Brian. Si Pokwang tila napuno na at nakapag-desisyon ng maghain ng deportation complaint kay Lee. Sa latest Instagram ni Pokwang ay sinabi niyang ang hakbang niyang ito ay para sa karapatan niya at anak niyang si Malia.
“Para sa karapatan ko at ng anak ko, para sa mga kapwa ko babae at sa bayan ko.”
Ito ang sabi ni Pokwang sa Instagram.
Samantala, sa isang larawan ni Pokwang kung saan makikita siyang kasama ang abugago niyang si Atty. Ralph Calinisan ay makikitang ito ang nakasaad sa kaniyang complaint.
“IN RE: PETITION FOR CANCELLATION OF WILLIAM LEE O’BRIAN’s VISA and HIS DEPORTATION UNDER SECTIONS 23 AND 37 (A)(7) OF COMMONWEALTH ACT NO. 613, otherwise known as “THE PHILIPPINE IMMIGRATION ACT OF 1940”.
Ayon sa reklamo ni Pokwang ay illegal na nagtratrabaho sa bansa si Lee. Ito ay nagtataglay lang umano ng tourist visa na hindi rin nagbibigay ng sustento sa anak nilang si Malia. Dagdag pa ang pakikipagrelasyon nito sa iba’t-ibang mga babae na iskandaloso at may negatibong epekto daw sa kanilang anak.
Hiwalayan ni Pokwang at ni Lee
Taong 2021 ng maghiwalay si Pokwang at si Lee. Noong una ay hindi ibinahagi ni Pokwang ang tunay nilang paghihiwalay. Pero kinalaunan ay sinabi rin ni Pokwang na si Lee ay nagkaroon ng third party. Hindi rin daw nagustuhan ng komedyante ang naging pagtatalo nila ni Lee sa pera. Partikular na umano ng manghingi siya ng update sa joint business nila na siya ang nag-finance. Dito daw nagsimulang matuklasan ni Pokwang ang mga panloloko ng kaniyang ex na si Lee.