Pokwang sa pagpapaalis sa bansa ng ex niyang si Lee O’Brian: “Ano pang ginagawa mo dito e hindi ka naman nagpapakaama”

Komedyante umaming nagkamali siya ng mahalin si Lee O’Brian.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pokwang pinaliwanag kung bakit mas piniling mapaalis sa bansa ang ex niyang si Lee O’Brian.

Mababasa dito ang sumusunod:

Pokwang sa ex na si Lee O’Brian

Larawan mula sa Facebook account ni Pokwang

Isang buwan matapos ma-deport ang ex niyang si Lee O’Brian, komedyanteng si Pokwang naiyak parin ng mapagusapan ito.  Si Pokwang ibinahagi sa panayam sa kaniya ng aktres na si Aiko Melendez kung bakit mas pinili nitong mapaalis nalang ng bansa ang ex kahit na may anak sila.

“Ano pang ginagawa mo dito e hindi ka naman nagpapakaama. Pasarap ka lang nang pasarap ng buhay mo. So para maging patas naman, e umalis ka.”

Ito ang naiiyak na pahayag ni Pokwang ng mapag-usapan ang ex niya.

Larawan mula sa Facebook account ni Pokwang

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Naluluha pang sabi ni Pokwang, masakit para sa kaniya na parang mas agrabyado pa siya sa sarili niyang bansa. Lalo pa’t mas nakakakuha ng simpatiya mula sa kapwa niya Pilipino si Lee na labis daw siyang sinaktan pati mga anak niya.

Komedyante umamin na nagkamali siya

Larawan mula sa Facebook account ni Pokwang

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Naluluha pang pagbabahagi ni Pokwang, alam niyang nagkamali siya. Pero hirit niya nagmahal lang siya at ang naging karanasan niya kay Lee ay aral na talagang itatak niya sa isip niya. May payo rin siya sa kapwa niya mga Pilipina na madaling nabibighani sa mga foreigner.

“Nawala na yung gandang Pilipina na mysterious type. Ngayon kasi everywhere, anywhere. Iniisip ngayon ng karamihan, uy beer lang sasama na yan. Ganoon ngayon parang masyadong mga nagmamadali na. Isa rin naman ako sa ganoon and I learned my lesson. Parang ang dating kasi sa ex ko e easy to get ako pero nagmahal lang din naman kasi ako.”

Ito ang pagbabahagi pa ni Pokwang.

Ang aktres na si Aiko Melendez nagbahagi rin ng payo sa mga kababaihan pagdating sa pagpili ng taong mamahalin nila.

“Dapat maging maingat, mapanuri. Hindi porket na pinaparamdam sa atin na tayo ang pinakamagandang babae sa mundo e totoo na yun di ba.”

Ito ang sabi pa ni Aiko.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement