TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Pokwang ibinahaging ayaw ni Lee O’Brian ang pagbubuntis niya noon kay Malia: “Galit na galit na siya. Kulang na nga lang dukutin niya yan.”

3 min read
Pokwang ibinahaging ayaw ni Lee O’Brian ang pagbubuntis niya noon kay Malia: “Galit na galit na siya. Kulang na nga lang dukutin niya yan.”

Ayon kay Pokwang, ilang beses niyang pinagtakpan si Lee sa mga kalokohan nito.

Pokwang nagkuwento tungkol sa naging karanasan sa relasyon nila ni Lee OBrian. Mensahe ni Pokwang sa mga taong patuloy na hinuhusgasahan siya, “hindi ninyo alam ang totoo”.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Pagkukuwento ni Pokwang sa relasyon nila ni Lee OBrian.
  • Anak ni Pokwang hindi daw hinahanap ang kaniyang amang si Lee.

Pagkukuwento ni Pokwang sa relasyon nila ni Lee OBrian

pokwang and lee obrian

Larawan mula sa Facebook

Sa isang panayam ay nagkuwento ang komedyanteng si Pokwang tungkol sa tunay na nangyari sa relasyon nila ni Lee OBrian. Ayon kay Pokwang, maraming beses niyang pinagtakpan si Lee. Kahit na alam niyang paulit-ulit siyang niloloko nito.

“Naglalakad siya sa BGC may kasama siyang babae pino-forward sakin. Lahat ng pagtatakip sa kaniya ginagawa ko. Huhusgahan nyo ko? Hindi nyo pa po alam lahat, marami pa kayong hindi alam.”

Ito ang kuwento ni Pokwang na may pasaring rin sa mga netizens na patuloy siyang hinuhusgahan.

Pagpapatuloy pa ni Pokwang, maliban sa unfaithfulness ni Lee sa relasyon nila ay tutol daw ito noon sa pagbubuntis kay Malia.

“Nung nalaman niyang buntis ako, ayaw niya di ba? Galit na galit na siya. Kulang na nga lang dukutin niya yan. Kasi nga ayaw niya sa responsibilidad.”

“Nung pinakita ko sa kaniya yung pregnancy test napatayo sa kama. Akala ko matutuwa, galit na galit.”

Ito ang kuwento pa ni Pokwang na ilang beses daw muntik ng makunan sa anak na si Malia dahil sa stress noon na nararanasan niya.

pokwang and lee obrian with malia

Larawan mula sa Facebook

Anak ni Pokwang hindi daw hinahanap ang kaniyang amang si Lee

Akala ni Pokwang magbabago si Lee pag naipanganak niya na si Malia, pero ang nakakalungkot daw sa mga dumaan na birthdays ng anak ay hindi man lang ito nakaalala. Habang sa ibang bata ay may regalo ito o nagpupunta sa birthday celebrations nila.

“Dumaan ang pasko wala kang regalo, dumaan ka sa birthday ng anak mo wala kang regalo.  Nakikita ko sa anak ng kaibigan mo may regalo ka, pero sa anak mo wala.”

“Hindi ako nag-aano ng materyal na bagay. Kaya ko nga bilhan ng toy store yung anak ko pag gusto ko e. Ang sinasabi ko, kahit maliit na bagay naalala mo yung anak mo, masayang-masaya na yan.”

Ito ang sabi pa Pokwang.

Kuwento pa ng komedyante ngayon na na-deport na si Lee ay hindi naman daw ito hinahanap ng anak nilang si Malia. Dahil sabi pa niya, noong nandito daw si Lee sa Pilipinas ay hindi man lang ito nag-effort na makasama ang anak.

“Wala siyang na-invest na emosyon sa anak niya kaya bakit siya hahanapin. Walang natatandaan yung bata, bakit siya hahanapin.”

Ito ang matapang na pagkukuwento pa ni Pokwang.

lee and malia obrian

Larawan mula sa Instagram account ni Lee O’Brian

Ayon pa kay Pokwang, pagdating sa pagiging ama sa anak na si Malia ay hindi niya daw sinisiraan si Lee. Pero hindi niya daw itatago sa anak ang naging karanasan niya sa ama nito.

“Hindi ko siya sisiraan sa anak niya, pero sasabihin ko sa anak ko yung totoo. Hindi ako magdadagdag ng kuwento, sasabihin ko yung totoo.”

Ito ang malungkot pang pahayag ni Pokwang tungkol sa dating karelasyon na si Lee OBrian.

 

 

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Pokwang ibinahaging ayaw ni Lee O’Brian ang pagbubuntis niya noon kay Malia: “Galit na galit na siya. Kulang na nga lang dukutin niya yan.”
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2026. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko